"Hindi si Papa yan! Malakas si papa! H-hindi si papa yan!" Sigaw ko kay Mama, niyakap niya lang ako at duon ako humagolhul.
"D-di yan si p-papa! Di y-yan ang p-papa k-ko! P-paaaa!!"
Rinig ang mga sigaw sa apat na sulok ng silid, nag wawala na ako
Humiwalay ako kay mama, di ko na kaya. Di ko kaya. Tinignan ko ang muli ang bangkay.
Hindi ikaw ang papa ko!
Tumakbo ako palabas ng ospital, umabot ako sa parking lot, nakita ko doon si Mama at si papa, sumasayaw sila.
Para silang walang pake sa tao; bakas sa mukha ni mama at papa ang kasiyahan. Simple lang ang damit nila, nakaputi lang si Papa at si Mama naman ay gold
ang damit.See! Andyan si Papa oh! Sumasayaw sila ni Mama!
Nung tumingin sa akin si Papa, nginitian niya ako, at sa di malamang dahilan, tumakbo ako sakaniya at niyakap siya ng sobrang higpit.
"Papa! I miss you! Please bumalik ka na! Pa, mahal na mahal kita. Papa nag mamakaawa ako sayo, balik ka na please! I love you papa! Wag mo kami iiwan, papa naman eh! Sabi mo papapuntahin mo pa ako ng korea? Papa! Wag kang aalis ha? Mahal na mahal kita! Paaaa!" Niyakap ko siya ng sobrang higpit ayaw ko na siyang pakawalan.