6

6.6K 18 0
                                    






Pinuntahan ko ang morgue, andon na ang iba kong mga kamag anak. Nakita ko si Mama iyak siya ng iyak.



Andon si ate namumugto ang mata, si andrea nag wawala.



Nilapitan ko ang bangkay ni Papa, ang lamig niya na.



"Sabi mo saakin, dito ka lang? Sabi mo, mahal mo kami bakit ka ng iiwan? Ang daya naman papa!"



Niyakap ko siya, kahit na ang lamig niya, niyakap ko siya ng mahigpit, bumulong ako.



"Pa, uuwi lang ako, kailangan kong kunin yung mga papeles mo p-para mab-burol ka na. Kailangan k-ko din m-matulog, babalik a-ako I love you Pa."




Nag paalam ako kanila mama na uuwi na ako.




Pag dating ko sa bahay, sobrang lungkot.




Nakita ko sa sofa, kung paano kami mag tawanan nila mama kasi inaasar namin si Papa, sa kama kung saan palaging natutulog si papa.




Hinigaan ko iyon, and suddenly nakaramdam ako na may yumakap saakin, alam ko na si papa yun. Natulog ako ng umiiyak, habag nag eecho ang sinabi niya sa panaginip ko.




"Mahal din kita, anak..."

Papa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon