RPW: Chapter-4

53 3 10
                                    


Agad na rin kaming nakauwi matapos ang party. Hindi rin kami nag imikan ni Corban dahil agad syang tinawag ng mayor upang magspeech sa stage. Matapos noon ay hindi ko na alam ang nangyari sa paligid,ang tanging alam ko na lang ay nakauwi na kami. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko upang pingilan ang pagngiti. Sa tuwing maiisip ko kung ano ang mga nangyari kanina ay wala sa sariling napapangiti ako. Hindi ako makapaniwala na mangyayari ang isang bagay na katulad noon. I've never think that someone like them can make me feel this way.

Pagbaba ko ng kotse ay agad akong dumiretso sa salas upang salubungin si nana ng mga yakap at halik. "Nanaaa! Here i am! Did you missed me?" Niyakap ko sya ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. "Hay nako,ikaw talagang bata ka. Oh sige na't magbihis ka na,alam kong hindi ka komportable sa suot mo." I gave her a wide smile. Hanggang ngayon,hindi parin mawala ang ngiti sa mga labi ko.
"Okay. Kumain ka na,nana." Sambit ko bago tuluyang tumalikod sa kanya at pumunta sa direksyon kung saan nandoon ang hagdan.

Ngunit paakyat pa lamang ako ay agad ko nang narinig ang pangalan ko.

"Leanna." Isang ma-awtoridad na boses ang narinig kong nagsambit ng pangalan ko. Unti-unti ko itong nilingon at nakita si dad na nakatingin ng mariin sa akin. Unti unting nawala ang mga malalaking ngiti sa aking labi. Tinignan ko sya gamit ang blangkong ekspresyon. "Yes,dad?" Sabi ko habang nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata. "Come here." He said with a commanding voice. Wala akong nagawa kundi ang lumapit sa kanya. "What is it?"

"I want you and Corban to be close. " nagsalubong ang kilay ko dahil sa kanyang sinabi. What?
"What?why? Dad,can't you see?we're already friends." Tinitigan nya ako na para bang may isang utos nanaman sya na sinuway ko. "Friendship is not enough. I want the closure,the bond and the trust." Napaawang ang bibig ko. "What for? I don't like him." Nanlisik na ang mata nya sa aking sinabi.
"Then force yourself to like him!" Bumalot sa buong salas ang sigaw nya. Sandaling nanuyo ang lalamunan ko. "Why would i?!" Nagsimula nang maginit ang gilid ng mga mata ko. "Because i want to! Pwedeng bang sumunod ka nalang?!" Namumula na ang mukha nya sa galit. "I'll do the closure just because you want to?! What for dad? Para nanaman ba sa future?! Para sa kinabukasan? Dad! Hindi mo ba naisip na nanggagamit ka na ng tao para lang makamit yang future mo?! Akala ko ba--"

*pak*

Isang mabigat at malakas na kamay ang dumapo sa pingi ko. Sinampal nya ako. Mabilis na namuo ang mga luha ko at sunod sunod na tumulo.

"Did you even hear what you are saying?! How dare you to tell me that words?! I am your dad! You should respect me! Ganyan ka ba namin pinalaki?! Just do what i say!." Nanggagalaiti na sya sa galit. Bumalot na sa buong bahay ang kanyang sigaw. But i don't care. 

"You want me to respect you?then you should learn to respect me too. Respect my decisions,respect my dreams,respect me,and i'll respect you." Hindi sya sumagot at nanatili lang na nakatitig sa akin. Nag iigting ang kanyang panga dahil sa galit. Tuloy tuloy parin ang pagtulo ng mga luha ko.

"D-dad,all my life,sinusunod kita. Sinusunod ko lahat ng gusto mo,s-sinusunod ko lahat ng inuutos mo. Kase akala ko tama. Kase akala ko para sa future 'natin'. Akala ko para sakin,para 'satin'. Pero mali pala ako. Para lang pala sayo lahat. Kase,tuksong tukso ka sa yaman,dad. Kaya pati kami,pati ako,nagamit mo para dyan sa kinabukasan mo! You are too selfish dad. You only care for yourself. You don't care about me,about us. You only care to your money,to your business." Hindi sya umimik. Nagsimula syang umiling na para bang mali ang mga sinasabi ko pero alam ko sa sarili ko na tama ako. Walang humpay ang pagtulo ng luha ko.

"Kaya galit na galit ka kapag hindi ko nasusunod ang mga gusto mo,tama? Kase natatakot ka na baka mawala lahat ng pinaghirapan mo?na baka masira lahat ng dahil sa akin? Kaya ka din galit na galit sakin kase nasisira ko na yung image ng pamilyang 'to,tama? Nadudumihan ko na yung pagkalinis linis nyong pangalan. Pasensya,eto lang ako eh. Eto lang ang kaya kong gawin."

Chat: Role Play WorldWhere stories live. Discover now