2 0 0
                                    

PATATA's

Yu Xinli: SO ANO MGA UNGHANG WALA BA KAYONG BALAK TUMULONG SA PROJECT NA SA MONDAY NA IPAPASA?!
seen by everyone

Yu Xinli: ASAAN NA KAYO KING INA NIYO! ASAAN NA 'YUNG IBA?! AT KAYONG MGA NANGSISEEN MGA DEPUTA KAYO!

Hwang Eunbi: Chill ka lang kasi Xinli! GG ka eh.

Kim Yewon: Oo nga!

Chwe Hansol: They are right ^

Yu Xinli: MGA GAGO! BAHALA KAYO SA BUHAY NIYO! BYERNES NA NGAYON AT SA LUNES NA 'TO! KALA NIYO ANDALING GUMAWA NG TABLE?! PAKYU RUR!
seen by everyone

Yu Xinli left the group.

So 'yon nga. After niyang ichat 'yung mga alang kwents niyang groupmates ay agad siyang nagbihis at nagtungo ng mall.

Siya na lang daw gagawa mag-isa kasi wala namang tutulong sa kanya.

Pagkarating na pagkarating niya sa mall ay dumiretso siya sa Diamond Hardware.

Wag kayong umangal sa pangalan ngina niyo.

Tbh, wala naman talagang idea si Xinli sa table ma gagawin niya. Gagawa lang naman siya ng diamond na table kase trip ng teacher niyang buang.

Pero dahil uso ang google, uso ang internet kaya 'di siya nagwoworry anue ba.

Tapos ayorn na, nagsimula na siya kunin 'yung mga bibilhin niya.

NGUNIT! DATAPWAT! SUBALIT! Nung kukunin niya na ang last item na pinakakailangan niya which is kahoy eh may nakasabayan siya.

Eh kamalas-malasan last na kahoy na 'yon eh nasa saktong bilang 'yon na kailangan niya.

"Uhmmm... pwedeng bang sa 'kin na lang lahat 'to? Kailangan ko kasi eh." Pakiusap ni Xinli sa babae.

"Huh? Ah.. oo sige--ARAY!" Napasigaw bigla ang babae sa sakit dahil sa agad niyang pagbitaw sa kahoy.

Nasalugsog.

"Hala!" Agad naman siyang dinaluhan ni Xinli at tinignan ang kamay nito.

"O-ok lang..." dahan-dahang binawi ng babae ang kamay nito at ngayon lang napansin ni Xinli ang tungkod nito.

"XIAOSHI?" Nagulat naman si Xinli nung matabig siya nung lalakeng nagmamadaling lumapit sa babaeng kaharap ni Xinli. "Ano'ng nangyari?"

"Ok lang ako Minghao." Bakas sa boses ng babae ang pagkairita.

"Ikaw," gulat naman niyang tinignan ang lalakeng nagngangalang Minghao dahil sa boses nito. "Ano'ng ginawa mo sa kanya?"

"Minghao, wala siyang ginawa." Pangunguna ni Xiaoshi.

"Wala akong ginagawa." Mahinahong sabi ni Xinli. "Pinakiusapan ko siya kung pwede ko 'tong makuha." Nginuso niya ang mga kahoy, "pumayag siya, tapos nung inalis niya ang kamay niya nasalugsog siya." Pageeksplena ni Xinli.

"Aish." Agad namang hinila ni Minghao si Xiaoshi palabas ng hardware at naiwan si Xinli na hindi makapaniwala.

"Ok. What was that? Minura ba niya ako?!" Hindi makapaniwalang tanong sa sarili ni Xinli bago sundan ng tingin ang papalyong sila Minghao at Xiaoshi. "RUDE!" Irita niyang sambit bago kunin ang mga kahoy.

---

"Ikaw 'yung walang modong lalake!" Sigaw ni Xinli kaya agad siyang nilapitan ni Jun.

"Teka, Xinli ano ka ba. Kilala mo ba 'tong si Minghao?"

"Not personally, pero kase naencounter ko na 'yan eh! Minura ako niyan!"

"Ha? Kelan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Minghao.

"Xiaoshi at 'yung salugsog." Nagmamalditang sagot ni Xinli. Ayan ginagalit niyo kase---

"Ow. Ok." Kumibit-balikat si Minghao kaya legit open mouth si Xinli. "Hyung, una na 'ko. Nice meeting you, Xinli." Pinanliitan ni Xinli ng mata si Minghao na bumalik sa kwarto.

"Teka! Minghao! Oy, ano ba Xinli? Wala akong alam ha. Anong Xiaoshi? Anong salugsog?" Sunod-sunod na tanong ni Jun.

"UUWI NA AKO!"

"Teka hindi pa nga kayo nagkakausap ng maa---"

"TANGINA MO AT NIYANG GUSTO MO." Ayan na walk-out na si Xinli sa sobrang inis.

"Oy! Xinli sandali lang!" Habol ni Junhui sa kanya pero tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad.

Tangina nong Minghao na 'yon ah.

Message ScamWhere stories live. Discover now