One

81 0 0
                                    

Nasa school gym kami kasama ang kaibigan kong si Tanya habang nanunuod ng game niyo. Habang shoot ka ng shoot, andito lang ako at parang baliw na pinagpapantsayahan ang kakisigan mo.

"ang gwapo gwapo talaga ni Rafael. Tans!" segu-segundo. Yan ang bukambibig ko. Natatawa na lang si Tanya sa mga sinasabi ko.

Si Rafael Iccy Monreal. Isang senior high school sa school namin, sikat na sikat siya sa buong school lalo na sa mga kababaihan. Bukod kasi sa gwapo siya ay matalino din siya, siya ang top sa klase nila at siya ang captain ng basketball. Nag eexel siya sa academics maging sa sports. Magaling din siyang vocalista ng banda nilang Faded Night, at ex school council president. Kaya nga isa ako sa mga babaeng baliw na baliw sa kanya e. Kaso nga lang. Snob ka. hindi lang sa'kin pero sa lahat ng mga babaeng nakakasalamuha mo.

"Oh, Claret. tapos na ata sila." saad ni Tanya. Nang marinig ko 'yon. mabilis akong bumaba at tumakbo papunta sa'yo. Ni hindi ko na hinintay si Tanya. Iniwan ko siya para iabot ang bottled water para sayo. Habang papalapit ng papalapit ako sayo ay hindi ko maiwasan ang bilis ng tibok ng puso ko. Hinihibang mo 'ko Rafael!

Nang nasa harap na 'ko. Mabilis kong ibinigay sayo ang nature spring na hawak ko.

"hi, Raf! para sayo!" confident na saad ko habang may ngiti sa labi, pero nag laho ang ngiti ko nang tinabig mo lang ang kamay ko at naglakad palayo. Binasag mo ang puso ko. Naramdaman ko ang pag-init ng gilid ng mata ko. Nasasaktan ako sa ginawa mo.

Mapait akong napangiti sa isip ko. Hindi ka na nasanay Claret. 3 years. 3 years ng ganito ang status niyo ni Rafael.

"kainis!" rinig kong bulong mo. Nakita ko ang simpatya sa mga mata ng mga ka team mates mo, may lumapit sa'kin at kinuha ang bottled water na hawak ko.

"akin na lang to ah? sayang din naman ang effort mo kung hindi ma a-appreciate ng iba diyan!" kita kong pinaparinggan ka niya pero isang malutong na "kainis!" lang ang natanggap ko. Tumawa lang ang lalaking nasa harap ko.

"Hayaan mo na 'yon. May period 'yon ngayon!" ngiting sabi niya.

Ngumiti lang ako ng pilit dito. Narinig ko ang tawag sa 'kin ni Tanya.

"Claret!" tawag nito.

"so Claret pala ang pangalan mo. Nga pala ako si David" sabi ni David at inilahad ang kamay nito, hindi ko pa man naabot ang kamay ni David ay may kumuha na ng kamay nito. Nagulat ako, pati na rin si Tanya na katabi ko at si David na kaharap ko. Nang lingonin ko kung sino 'yon. Ikaw ang nakita ko. Matalim kang nakatitig kay David na gulat na nakatingin sa'yo.

"Rafael?" takang tanong ko.

Tinignan mo 'ko at inirapan. Pagkatapos ay binitawan mo ang kamay ni David at bumulong "kainis!" bago ka umalis.

Nangunot ang noo ko. Anong ibig sabihin non? Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok nito. na halos lumubas na ito sa dibdib ko. Nagiging wild na ang puso ko sa simpleng ganon ganon ni Rafael. Wala sa sarili akong napangiti. Nagseselos kaya siya? kaya ginawa niya 'yon?

"A-ah, uhmm. David! mauna na kami ah? tara na Claret?" sabi ni Tanya sabay kaladkad sa'kin. Ni hindi ko magawang tignan si David dahil gulat pa din ako sa ginawa mo. Rafael! pinapakilig mo talaga ako!

Recess na at nasa cafeteria ako kasama si Tanya. Gutom na gutom na 'ko at ng dahil doon. Patakbo akong pumila, ngunit sa katangahan ko ay may nabangga ako.

"kainis!" bulong nito. Agad akong napayuko. Heto na naman ang puso ko. Hindi na magkamayaw sa pagtawag sa pangalan mo. Ang ingay ingay!

"s-sorry Raf!" paumanhin ko. Pero imbes na pansinin ay nilagpasan mo lang ako. Bumagsak ang mga balikat ko sa ginawa mo. Muling binasag ang puso ko. Paulit ulit mo na lang akong tinatalikuran! hanggang kailan ako magmamahal ng isang tulad mo? ang hirap mong abutin Rafael! 

Nang matapos ang recess naglakad na 'kong mag-isa papuntang classroom. si Tanya kasi ay pumunta pang library kasi napag-utusan ng teacher.  Nakita kitang naglalakad din, galing sa kabilang hallway. Napangiti ako at agad na tumakbo papunta sa'yo.

Nang nasa harap na kita ay agad kitang binati.

"hi Raf! sabay na tayo!" masiglang sabi ko.

"kainis!" sabi mo na naman at agad na umiwas sa 'kin. Napa simangot ako sa ginawa mo.

"Ang ilap mo sa'kin Rafael! kailan mo ba 'ko papansin?" malungkot na saad ko, at naglakad na rin papuntang room namin.

Uwian na at heto ako naglalakad pauwi sa amin. Magkaiba kami ng daan pauwi ni Tanya kaya mag-isa lang akong naglalakad dito.

Lakad lang ako ng lakad habang nakayuko, pagod sa buong araw. Kairita kasi at may P.E pa kami ngayong araw, kaya heto at hapong hapo ako. Pero kahit hapong hapo ako, ikaw pa din ang nasa isip ko. Nakakainis ka na kasi Raf, kung naiinis ka sa'kin, mas naiinis ako. Kasi kahit aning gawing kong pagpapapansin sayo ni-rereject mo lang ako. Hindi man diretsahan pero ramdam ko naman kaya nga heto ako't pursigido kahit na ilang ulit mo 'kong itulak palayo, lalapit at lalapit pa din ako sayo. Ganon kita kamahal.


Sa subrang pag-iisip ko sayo, hindi ko na namalayang may biglang bumusina na sasakyan malapit sa'kin.

Pag-angat ko ng tingin, halos lagutan ako ng hininga ng matanaw ang rumaragasang  sasakyan papunta sa akin. Para akong nabato sa kinatatayuan ko at mabilis na ipinikit ang mata.


Lord, kung ganito kaaga niyo akong kukunin. Sana naman pinaramdam niyo sa'kin kung papaano magmahal ang isang Rafael Monreal!

Naghihintay na 'kong mamatay ng maramdaman kong may humatak sa'kin tsaka kami nagpagulong gulong sa kalsada. Hanggang sa huminto kami sa paggulong. Ramdam ko ang mabilis niyang hininga na dumadampi sa aking mukha. Pamilyar ang kanyang amoy.

"KAINIS!!! ano bang iniisip mo at para kang lutang habang naglalakad! GUSTO MO BANG MAGPAKAMATAY! KAINIS! KAINIS!!" ramdam ko ang subrang inis mo. Sa boses mo pa lang, naghuhurumentado na ang puso ko.

Agad akong nagmulat ng mata at agad na namangha sa gwapo mong mukha.

Shit! kahit araw araw akong muntik na sagasaan ay okay lang kung ganito ka gwapo ang magliligtas sa'kin. Ang gwapo gwapo mo talaga Rafael! kahit galit na galit ka ay sumisilay pa din ang malalalim mong dimples. Ang mata mong kahit galit ay napakaganda pa rin. Ang ilong mong perpekto, ang kilay mong naka ikis dahil sa inis ay gwapo pa din sa aking paningin dahil sa tamang kapal nito. Ang labi mong nakabuka dahil sa mabilis mong paghinga. Nakakaakit ka Rafael! Hinihibang mo na naman ako.

Ang matagal ko ng pinapangarap ay nasa harapan ko na. And take note! nakadagan pa sa'kin. Isang dangkal ang layo ng pagitan ng ating mga mukha. Abot kamay na kita Rafael!

"kainis! ano ba Claret! malapit ka na ngang mamatay at lahat nakukuha mo pang ngumiti? kainis talaga!" inis na sabi mo at agad mong kinagat ang labi mo. Kita ko kung paano mo pigilan ang iyong pag ngiti. Mas lalo akong napangiti. Alam mo bang ngumingiti ako Rafael dahil kinikilig ako? ikaw lang talaga ang nakakapagpatibok ng puso ko ng ganito.

"Rafael.." bulong ko sayo. Wala na 'kong pakialam kung ako ang gagawa ng first move. Basta ang importante makahalik ako sayo! malandi ba? yaan na! once in a lifetime chance na to!

Sinubukan kong ilapit ang mukha ko sayo at sinubukang dampian ang labi mo. Nagulat ka sa ginawa ko kaya inilayo mo ang mukha mo. Nangunot ang noo ko.

"Claret? anong ginagawa mo!" takang tanong mo pero bakas sa boses mo ang inis.

Umiwas ako ng tingin at biglang nakaramdam ng hiya sa ginawa ko.


"h-hahalikan k-ka" halos walang boses na sabi ko. Sandali kang natigilan. Hanggang sa maramdaman kong umaangat ako.

Tinignan kita. Napakalapit ng mukha mo sa'kin. At kanina pa nagwawala ang puso ko. Rafael, pakalmahin mo naman ang puso ko.

Binitawan mo ako at pinagpagan ang sarili mo. Nilapitan kita at mabilis na hinawakan ang kamay mo.  Ngunit tinabig mo 'ko.


" R-rafael... s-salama--" hindi mo ko pinatapos sa pagsasalita dahil tinalikuran mo na agad ako. At narinig ko na naman ang sikat na kataga mo.

"kainis!" at umalis ka na nga.

Kahit ganon ang nangyare ay hindi ako nalungkot. Pagka-uwi ko ay hindi ako iniwan ng mga ngiti sa labi hanggang sa pagtulog.

Kainis! (Short Story)Where stories live. Discover now