Two

45 0 0
                                    

Vivoree's Tagpuan song cover on multimedia! 👆👆

Masaya akong kinukwento kay Tanya ang nangyare kahapon. Masaya din siyang nakikinig habang kinikilig na nagkokomento. Sinasabi niyang may improvement na daw lahat ng efforts ko.

Ang saya saya ko, hanggang sa dumating na ang prof namin at hanggang sa natapos ang 3 periods ng class namin. Recess na at excited akong pumunta sa cafeteria kasama si Tanya kasi nagbabakasakali akong makita kita.



Lakad takbo ang ginawa namin ni Tanya hanggang sa makarating nga kami ng cafeteria. Ngunit madaming istyudanteng nag kukumpulan sa gitna ang bumungad sa amin. Hinanap kita ngunit hindi kita makita.


"Claret, ano kayang nangyayare dito?" tanong ni Tanya tsaka nakipagsiksikan sa kumpulan ng mga styudante. Susunod na sana ako ng may humila sa 'kin. Paglingon ko si David.


Seryoso lang ang kanyang mukha habang diretsong nakatitig sa 'kin. Nangunot ang noo ko. Anong problema nito.

"Dav---"


"Claret, wag ka ng tumuloy" seryosong saad niya. Na siyang dahilan para maguluhan ako.


"anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko.


"Claret... masasa---"


"Claret!" hindi natuloy ang sasabihin sana niya ng marahas aking hinila ni Tanya palayo sa kanya. Kita ko ang pag-aalala ng kanyang mga matang nakatingin lang ng diretso sa'kin.

Ipinagwalang bahala ko na lang ito at nagpatianod na lang habang walang habas akong hinihila ni Tanya.


"Ano ba! kanina pa ko dakdak ng dakdak wala ka na naman pala sa tabi ko. bruha ka talaga!" inis na saad sa akin ni Tanya. Ni hindi ko siya masabayan dahil habang papalapit kami sa unahan ng kumpulang 'to ay unti unti akong nakakaramdam ng kaba. Kabang hindi ko maipaliwanag. Agad na sumagi sa isip ko si Rafael.


Bakit? anong nangyayare sa 'kin?


Hanggang sa makarating nga kami sa unahan. Parang nag slow mo ang lahat. Nasagot ang agam agam ko kanina. Nakita kita. Nakangiti, habang may hawak na bulaklak. Nakita ko kung paano mo siya titigan. May kislap sa iyong nga mata. Ang saya saya mo. Labas ang malalalim na dimples at ang mga ngiti mong halos ipagdamot mo sa lahat na ngayon ay nakalabas habang masaya kang nakatitig sa kanya.


"Claret...." rinig ko ang lungkot at pag-aalala sa boses ni Tanya. Mapait akong napangiti.


Kaya pala.

Kaya pala ni hindi mo 'ko malingon.

Kaya pala ang cold cold mo sa'kin.


Kaya pala sa tuwing nagpapapansin ako sayo. Ang katagang "kainis" lang ang tangi mong nasasabi kasi nga. Naiinis ka nga kasi papansin ako.

Nagpapapansin ako at naiinis ka don dahil baka makita tayo ng babaeng mahal mo.


Kaya pala ang ilap mo. Kasi ang totoo, wala ka namang gusto sa 'kin. Ito pala ang ibig sabihin ni David kanina.

Kaya pala.....

Ang sakit. Durog na ang puso ko at nawasak pa ito ng marinig ko ang sinabi mo sa kanya.


"Will you be my girlfriend?" masaya at nagsusumamo ka sa kanya. Ngumiti siya. Suminghap ang lahat maliban sa 'kin.

Humikbi lang ako. Hindi ko namalayang kanina pa pala ako umiiyak dito.



Kainis! (Short Story)Where stories live. Discover now