#58: Doubt

648 25 8
                                    

• Darienne •

"Anong gusto niyo?" Zia.

"Tocilog akin Zia." Shanta.

"Tapa yung akin." Ako.

"Isa pong tocilog, Tapsilog at Chicksilog." Sabi Ni Zia then umupo na kami. Nasa isang tapsilogan kaming Tatlo ngayon sa tabi ng hospital.

Eto na lang kasi yung kainan na bukas ng ganitong oras. 2:48 AM na. Yung boys Kasama si Dustine.

Haynako.

"Anong plano niyo?" Tanong ni Zia. Di namin alam kung Sasabihin pa ba namin to kila Kuya Reggie.

"Pwede namang sabihin eh." Zianna. Siya gusto niyang sabihin. Pero ako?

"Paano pag nalaman to ni Daddy? Saka Tito at Tita?" Malalagot si Dustine. Madadamay ako. Hayst.

May isa pa akong iniisip tapos dumagdag pa si Dustine. Magbbestfriends talaga o! Ansakit sa Ulo.

"Ayaw din naman sabihin ni Dustine na nasaksak siya dahil ayaw na daw niyang magalala yung daddy niyo." Sabi saakin ni Shanta.

"Eh Paano na? Sinong magbabayad ng bills dito?" Concern ni Zianna. Oo nga. Medyo kapos ang pera namin pagnagkataon.

"Di na importante yun. Basta okay na si Dustine." Shanta.

"Bahala na. Si Dustine ang nasaksak, siya magdidisisyon ng gusto niyang sabihin o hindi."

Dumating yung Inorder namin. At natapos kami Kumain. "Tara na?" Tanong ko at tatayo na sana.

"Wait lang may Hinihintay pa tayo." Zianna.

"Sino?"

"Anong sino? Ano."

"O e Ano nga?"

"May isa pa akong inorder pa akong dalawang Tapsi. Di pa kumakain si Jester at Kaizer."

Ay Oo nga pala.

Sa sobrang pagiisip ko Nakalimutan ko ng nagpapabili pala siya.

Dumating yun at bumalik na kami sa room ni Dustine.

Sinalubong naman ni Kaizer si Zia at hinalikan ng smack sa lips. "Kain na. Tagisa kayo ni Jester."

"Buti nakapagpahinga na si Dustine." Sabi ko at tinabihan yung dalawang Kumain.

"Kaya nga eh. Buti na lang." Zianna.

"Parang di naman nasaksak." Kaizer.

"Oo nga. Madaldal parin." Jester.

"Madaldal?" Shanta.

"Oo. Kinwento niya nga eh. Kayo na raw." Kaizer.

Nanlaki ko sa gulat. Walang nabangit si Shanta saamin. Sabay kaming lahat na tumingin ka Shanta.

"Ah. Ah eh Oo nga." Shanta.

"Kayo na?" Sabay kami ni Zianna at tumango naman si Shanta.

Tumango lang din si Jester at tinuloy ang pagkain.

Nagulat naman ako ng malipat saakin ang tingin nung tatlo. Tapos Nalipat kay Jester tas saakin naman.

Alam ko ibig sabihin non.

'Kayo kelan!'

Napatingin ako kay Jester pero umiwas din ako agad dahil nahuli niya ako.

Malapit na Siya magbirthday.

Di ko Alam kung anong gagawin ko sa araw na yon o may Dapat ba akong gawin.

Nagbilang ako sa isip at narealize na 12 days na lang.

Living with the Jerks || ❤ COMPLETED ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon