Trisha's POV
( Umuulan. Sobrang malakas ang ulan. Naglalakad ako.
Suot ko ay pink na dress at silver doll shoes. Tumingin ako sa taas. Binasa ng ulan ang mukha ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang nakatingin sa taas. Pinikit ko ang mukha ko.
Ang sakit...
Tumigil ako. Binuksan ko ang mga mata ko. Tumingin ako ng diretso.
Nakita ko siya...
Isang lalaki na nakatayo sa isang dulo sa may tapat ng traffic light. Hindi ko siya namumukhaan kasi sobrang blur ng mukha niya.
Sa isang kamay may hawak siyang cellphone. Sa isa naman ay pink, pink na payong. Tinitigan ko ng mabuti ang mata niya pero wala. Magulo at hindi pantay ang nakikita ko.
Pinahid ko ang mata ko. Tumingin ulit ako.
Wala.
Wala parin. Hindi ko siya namumukhaan.
Gusto ko siyang tanungin. Ewan ko ba. Basta gusto ko.
Lumakad ako sa kanya. Nagkulay red ang traffic light. Tumigil ako sa gitna. Tinitigan ko siya.
"Umm...", sabi ko pero natigilan ako dahil sa ilaw sa kaliwa ko.
Tumingin ako. Ilaw nga. Napakalaking ilaw. May yumakap sa akin.
Biglang nandilim ang lugar. Pinikit ko ang mata ko. Binaling ko ang ulo ko sa kanan. Binuksan ko ang mata ko...)
Nakita ko ang ceiling ng kwarto ko.
Panaginip.
Grabe. Every morning na lang ba? Buti at hindi bangungot ngayon.
Bumangon ako. Malamig dito sa loob. Tumataas ang mga balahibo ko. Hindi kaya siya pumasok sa loob?
Binuksan ko yung phone. Inopen ko yung Camera at nilagay ko sa front cam.
I scanned my room. Wala naman siya dito. Chinage ko sa selfie mode. Tinapat ko sa akin ang Camera.
"Ahh!!!", sigaw ko at tinapat ko sa kanya.
Muntik ng nahulog ang cellphone.
"Grabe ka naman. Hindi ka pa ba nasanay sa gwapong mukha na to?", sabi niya.
"Ba-Ba't andito ka sa kama ko?", tanong ko.
"Saan mo ba akong gustong patulugin ako? Sa sahig?", sabi niya at kinamot ang ulo.
"Ikaw ha? Ikaw, bilang isang multo, ang choosy mo", sabi ko.
Not to mention, but demanding also.
Humiga na lang ulit siya sa kama.
"Hmp." sabi nito.
(*-*)
"Susundan mo pa rin ba ako?", tanong ko habang nag-aayos ng buhok gamit ang cellphone.
"Oo." sabi niya at tumango.
"Kung multo ka, ba't wala ka pa sa Heaven? May gagawin ka ba na mission or ano?", sabi ko habang naglalakad.
Tumigil kami sa mag pedestrian lane. Hindi muna siya umimik. Tumingin siya sa mga dumadaang sasakyan.
"Red", sabi niya at nakatingin sa traffic light.
"Tama", sabi ko at tumingin din ako sa traffic light.
BINABASA MO ANG
Gwastly Boyfriend
МистикаTrisha here and we are live... Gwast means GWAPONG GHOST. That is, of course, according to my friend Xie Gwast. Who by the way, I can only see through a cellphone. Meet my friendly ghostly--gwastly boyfriend in the neighborhood. Mahilig kumuha ng se...