Part 3

0 0 0
                                    

Third Person's POV

Dahil tuluyan ng nakatulog si Angel, napagisipan nila Zach na iuwi na lamang siya sa kanilang pack. Habang papasok siya sa pack house ay pinagtitinginan sila ng kanyang mga kasama Ng iba pang nakatira sa pack. Diretso silang pumasok sa pack house at saka Niya inilapag ang dalaga sa sofa.

Dumating Ang kanilang alpha.

"Alpha." Yumuko sila bilang paggalang.

"Beta." Bati din nito. "Who's the girl?" Tanong ng kanilang alpha. Pansin niya ang mariing titig nito sa babae at alam niyang naaamoy rin nito ang kahali-halinang halimuyak ng dalaga.

"Isa siyang mortal. Nakapasok siya sa border natin. At ayon sa kanya, she's lost. And all she wants is to find the road. She even offer us a reward once she have withdrawn on the bank."

"Bakit niyo siya dinala dito? Alam niyo namang umiiwas tayo sa mga mortal."

"Nakatulog po siya sa pagod. And if you may grant Alpha, I would like to look after her hanggang sa makaalis na siya dito at kaya na niya ang sarili niya. I will take all the responsibility for her actions."

"Okay. But she should leave immediately once na magising na siya. It's dangerous for her to live with us especially with her scent. There is something with this girl. There are so many unmated males in our pack. She would become a distraction. Baka isipin din ng iba na may connection siya sa pack natin, and we are avoiding trouble as much as possible. They might use her as bait."

"Yes alpha."

"Dismiss."

Muli silang yumuko habang paalis ang alpha. Napakahimbing pa rin ng tulog ng dalaga. Binuhat niya itong muli at dinala sa kanyang kwarto sapagkat walang available na guest rooms. Inihiga niya ito. Nakita niyang sugat sugat ang talampakan nito at sa itsura ng dalaga, mukha itong anak mayaman. Natuyo na din Ang damit nitong basa.

Tinawag na lamang niya si Nerissa sa kanilang mindlink, ang matandang babae na tagapagluto ng kanilang pack, upang punasan at bihisan ang dalaga.

"Nerissa, will you please come in my room."

"Bakit po beta?"

"I need your help in changing the clothes of the girl na kasama naming dumating kanina. She's still sleeping and may mga sugat sa kanyang mga talampakan."

"Masusunod Beta. Paakyat na Rin ako. Mananghalian na din kayo, Kayo na lamang ang Hindi pa nakakakain. Pasado alas dos na. Alam kong napagod kayo Ng mga kasama niyo, may bagong luto na sa kusina na mga putahe. Kasama ang paborito niyong kare-kare."

"Baba na din po ako pagakyat niyo dito. Salamat."

Pagdating ni Nerissa ay iniabot niya sa matanda Ang mga pinakamaliit na mga damit na nahanap niya. Isang shirt, boxers, at jogging pants.

"Kayo na pong bahala."

"Walang problema iho." Bahagya pa itong ngumiti na sinuklian din niya ng isang tipid na ngiti.

Saka siya lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina upang kumain pananghalian.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Moon's Fallen AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon