Weign's P.O.VIsang buwan na din akong nag tatrabaho dito, akala ko talaga nung una mag kakaruon ako ng mga kakumpetensiya dito, at kala ko magiging boring ang buhay ko sa trabahong pinasok ko pero, akala lang lahat yun, dahil lahat kami dito ay nag team work, walang Lamangan, lahat tulungan...
Sobrang playful pa nila, pag walang masyadong ginagawa kasi tapos na yung deadline at naipasa na yung ibang project ay petiks petiks na lang kami dito, minsan nag aaya sila mag laro ng mga card games or minsan habang nag tatype kami or may kaniya kaniyang ginagawa nag kukwentuhan pa din kami....
Isa sa mga bagay na nalaman nila sa akin ay ang pagka baliw ko kay Mark Henz Sarmiento, isa sa pinaka sikat na model at CEO sa mundo, top 20 siya sa pinaka mayaman na tao sa mundo... Pogi, matalino, cold hearted ang facial expression, at higit sa lahat badboy type...
Duh! Watppader at kdrama ata ito, kaya ganyan yung mga hilig ko sa lalake, yung badboy type, kasi curious din ako sa mga inner feelings nila, at kung anong iba pa nilang ugali... actually sa buong buhay ko 3 pa lang naging crush ko at dalawa pa lang dun ang kinabaliwan ko, at ayokong mag kwento tungkol sa 1st love ko...
Habang nasa elevator nakangiti lang ako dahil makikita ko na naman yung table kong puro picture ni Mark, aba inlab na nga ata ako dun eh, pero okay lang yan, alam ko naman na malayong makilala niya ako at magustuhan, di sa sinasabi kong panget ako, lagi nga ako napag kakamalan na babae bukod pa sa mahabang buhok ko, pambabae ang figures ko from head to toe, di ako balbon kasi walang balbon sa family ko...
Asan family ko? Namatay na sila parehas, si papa sa sakit sa puso at si mom ay dahil naaksidente... whatever wag na natin yan pag usapan...
Pagbukas ko ng pinto papunta sa office, nagulat ako dahil si Ms. Daeliin ay nasa parang stage dito at lahat sila ay naka tingin sakin ng parang may balak silang gawin sakin...
"Bakit?~" tanong ko sa kanila
"Since dumating ka na, may announcement ako, next month na ang 10'th anniversary ng ating companya, at dahil dyan, kailangan nating gawing extra ang ating magazine contents, lahat ng parang impossible na pwedeng ifeature sa magazine natin ay ififeature natin, at irereveal na rin kung sino ba ang boss ng companyang ito, so isa sa target ko ay si Mark sarmiento, dapat mapasok natin ang buhay niya, tinawagan ko na ang Secretary niya, sabi niya daw eh kailangan daw siyang kumbinsihin for a week para ifeature siya, pag napapayag siya may 4 week of living together kayo para ma observed niyo ang galaw niya at ugali niya, next topic is JS13 ang sikat na romance writer, na until now ay di pa rin narireveal kung sino talaga siya, tinawagan ko din ang secretary niya at hintayin na lang daw ang sagot niya..." mahabang sabi ni miss daeliin, ang boring nang pag reveal sa boss kilala ko na eh, pero nacurious ako kay JS13
"At ikaw weign ang nakatoka para kumbinsihin at iinterview si Mark sarmiento , for this week asa table mo na ang schedule niya sa buong linggo" sabi uli niya na kinagulat ko
"AKO? MAAM SURE BA KAYO? BAKA MAMATAY AKO! DE JOKE! PERO BAKIT AKO???" at lahat sila ay natawa sa reaksyon ko
"Oh bakit diba matagal mo nang gustong makasama yang si mark" sabi ni justin
"Oo nga atsaka diba lab na lab mo yun?" Sabi ni angie(anji)
"Wag ka nang magreklamo, advantage mo din to noh" sabi ni mac
"Ay ayun, ano tingin mo sakin tapon, pero hala ka di ako ready di pa ako nakakapunta sa derma ko" sabi ko uli at tinawanan na naman nila ako
"Bukas ka naman magsisimula, ipapagamit ko sayo yung kotse ko para may gagamitin ka, at free ka ngayon, para mapag aralan mong mabuti ang sched at iba..." sabi sakin ni maam
"Ah maam may kotse po ako, sige po payag na ako" sabi ko sa kanila
"Okay yun lang, bukas din ay magiging busy na ang lahat" sabi ni maam at lahat ay nagsibalikan na sa mga pwesto nila
"Hoy bakla ka ang swerte ng nakatoka sayo! Sakin pa napunta si JS13 mamaya gurang napala yun di wala ako napala, sana na naman binata pa siya or kaya mas matanda sakin ng 2 years para maging jowa ko" sabi ni kyla mula sa kanyang table
"Gaga! Sikat na writer yun ibig sabihin mataas standard nun sa babae!" Sabi ni ella
"Oo nga naman girl mataas ang standard nun lalo na't romance writer siya" sabat ko
"Wow ang gaganda niyo eh, ganda kayo!? Ganda kayo!?" Sabi niya at tumawa kami
At inistart ko nang iscan ang sched niya, so masusundan ko lang siya tuwing hapon hanggang madaling araw, grabe naman tong taong toh... sigurado ko sinadya niyang ganito yung sched para pahirapan kami especially ako, bukas ang landing ng eroplano niya mula japan, mga 5:30, at sigurado akong madaming media ang naka abang... wait baka hindi? Kasi napaka private niya walang anouncement ang ibang pagdating niya, magugulat ka na lang nasa ibang bansa na pala siya...
Ay ewan gudlak na lang talaga sakin bukas, basta mamaya pupunta ako sa derma ko, at ipapatangal ang dapat matanggal at bibili na din ako ng ibang make up, ay pahirap sa buhay...
ISANG MALAKING GUDLAK SA AKIN!
BINABASA MO ANG
I Fell in Love with A Celebrity
Teen FictionPaano kung bigla kang ma fall inlove sa isang artista? I mean we all love some celebrities right? But this time its different ftom that feeling, yung feeling na rinig mo na yung tibok ng puso mo pag nakita mo ang picture niya... Anong gagawin mo? S...