9: The past

1.8K 66 0
                                    

Weign's P.O.V

Naglalakad lakad lang ako dito sa hallway nItong bago kong school, gusto ko kasI malibot tong school na ito, nang may mabangga akong babae... fast forward naging kaibigan ko siya at ang name niya is joanna ivory, pero tawagin ko na lang daw siya anna, so ayun naging bestiends kami...

After a month, may lalaking nakipag kilala sakin at sinabi niya na mukha daw ako loner kaya sinamahan niya lang ako at nag usap kami ng kung ano ano, at dun nag simula ang pagakakibigan namin ni makmak...

Nasa kaniya na lahat lahat ng hinihiling ko para sa isang gus bestfriend... sobrang bait niya sakin, siya lang ang kaisa isang tao na nakakabasa sakin... para siyang mind reader lahat ng iniisip ko lalo na pag wala ako sa mood alam niya....

Lagi kaming magkasama, pag wala ako sa mood inaaya niya akong gumala, or kumain.... so expected naman na siguro kung anong mangyayari diba...

So ayun nafall ako sa kaniya. Syempre di ko pa inamin, tsaka wala talaga dapat akong balak umamin kasi nililigawan niya lang naman si joanna ivory, at tinutulungan ko lang naman siyang ligaw tong babaeng toh...

Nung nalaman ni joanna na may gusto ako kay makmak, sabi niya sorry daw dahil nililigawan daw siya nun, sabi ko okay lang wala naman ako pake kahit pigil na pigil na ako nun...

So ayun, ang nangyari naging tulay lang naman ako sa kanila, ako lang naman ang nag filter ng mga lsm nilang dalawa, oo finifilter ko, si mRk sesendan ako lsm tapos tignan ko daw kung ok ba yun tapos baguhin ko daw yung iba para isend niya kay anna, gano kasaket yun sa tingin niyo

At september 7, plinano ko nang umamin sa kaniya, kaya bago ako umamin sa kaniya gusto ko magawa ko na ang lahat with him for the last time,

"Mak~" tawag ko sa kaniya

"Oh bakit bebi ko?" Sabi niya na nag pakilig sakin pero nagpigil ako

"Samahan mo ko sm mamaya~" sabi ko agad  sa kaniya

"Sino kasama natin?" Tanong niya

"Wala tayo lang di pwede yung iba eh" sabi ko ng nakangitI

"Magsama ka pa iba" sabi niya na medyo kinainis ko na

"Bawal sila sabi nila eh" medyo madiin na sabi ko

"Si gill? Si marie? Si havier? Sama mo sila" sabi niya

"Alam mo kung ayaw mo kong samahan edi sabihin mo hindi yung mag papaligoy ligoy ka pa, oo na alam kong ayaw mo ko kasama gets ko na yung point mo!"  Sobrang diin kong sabi sa kaniya at aalis na sana ako ng hawakan niya ako sa kamay

"Uyy hindi naman ganun, kasi mas masaya kung madami-" pinutol ko na agad siya sa pag eexplain niya

"Oo alam kong boring akong kasama, punyeta ka pwede mo namang sabihing ayaw mo kong kasama dahil sa boring ako at dahil sa ayaw mong makita sa public place na may kasamang bakla!" Mabilis kong sabi at hinigit ang kamay ko at umalis

Uwian na namin at binalak ko na lang umamin sa kaniya sa chat habang nanonood ako sa sinehan ng hopeless romantic, para kung iiyak man ako di halata, atsaka mas okay na rin yun para di ko na siya mararamdaman bukas, kasi pinaplano ko namang iend na ang kung ano mang connection namin sa isat isa... that's my plan... but...

Andito siya sa labas ng room nag aantay, si anna na naman siguro inaantay nito kaya dederetso na sana ako ng tinawag niya ako...

"Weigh, usap tayo alam mong ayaw ko nag aaway tayo" sabi niya sakin mukha naman siyang sincere sasagot na sana ako ng tawagin siya ni anna

"Oh marky, alis tayo, samahan mo ko sa mall~" rinig kong sabi ni anna kaya umalis agad ako

Andito na ako sa loob ng sinehan at inaantay ko na lang mag start yung movie, nang may naramdaman akong tumabi sakin...
Out of all places dito talaga sa tabi ko uupo upakan ko kaya toh, ayaw ko pa naman ng may katabi lalo na kapag di ko naman kaibigan... kainis paano na lang ako iiyak nito, ah sige silent cry na lang...

Kalagitnaan na ng movie nang mapag isipan kong umami na kay mak, at ayun umamin na ako sa kaniya sabi niya lang di niya alam ang sasabihin niya tapos nireplyan ko siya na wG na ako pansinin wag na ako kausapin dahil tapos na lahat ng kung ano mang meron kami sabi ko na din na thanks sa memory, tapos blinock ko na siya sa lahat ng social media accounts ko at nag deactivate ako...

Nagulat na lang ako ng akbayan ako nitong katabi as in, at parang alam niyang naiyak ako kaya siniksik niya ako sa dibdib niya, di na ako nakagalawa dahil bumuhis na ang luha ko wala na akong pake kung sino man toh

"So ganun na lang yun? Bat mo ko blinock? Di mo ba alam na nay gusto na ako sayo" nagulat ako ng mag salita tong katabi ko at si mark pala ito

At ayun sabi niya na may gusto na daw siya sakin di ko na daw kailangan mag deac, at enjoyin daw namin tong movie at kain daw kami mamaya...

At dumating ang araw na kinatatakutan ko, September 9, naglalakad ako papunta sa likod ng school which is tamabayan namin ni mak, ng pagliko ko, nagulat ako sa nakita ko...

Si mak at anna nag hahalikan, sa sobrang gulat ko nalaglag ko ang mga dala kong gamit, at tumakbo agad ako palayo sa lugar na iyon...

Ilang days na ako di pumapasok at di man lang ako kinocontact  ng kung sino sa kanila, kinontact ko ang schooo sabi ko ay mag transfer ako sa ibang school, dahil sa lilipat na na nga kami ng bahay...

At simula nuon wala na akong balita sa kanila at unti unti na akong nabubuong muli...

I Fell in Love with A CelebrityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon