Ano nga ba ang social media ? At Bakit parang lahat ng tao obsess dito ? Social media is a type of website or application that enables the user to create, share or participate in social networking. Para siyang freedom wall pero hightech gets ? Masaya naman yung pagsusurf sa mga social media dahil parang pang past time na rin yun. Minsan nga ilang oras na akong nakababad sa Fb kakapanuod ng mga funny videos. Minsan rin namamalayan ko nalang 3 am na pala tapos nagyuyoutube pa ako (bait kong bata noh xD).
Okay naman yung social media dahil nakakausap tayo ng iba't-ibang tao o yung mga mahal natin sa buhay na malayo at hindi natin mareach (charot).Libre pa o diba san ka pa ? Check na check sya sa communication part. Bale may matututunan rin tayong mga bagay bagay gamit ang social media.
(Okay dito na start ang rant xD)
Pero kasi yung iba "A B U S O" na eh. Sa sobrang kalayaang ibinigay inabuso na. Parang wala na silang pakialam kung makasakit sila ng damdamin kasi hindi naman sila kilala sa personal (mayroon rin namang kilala nga sa personal pero duwag lang masyado kaya sa internet nakikipag-away) ANG SARAP MAGFACE PALM PRAMIS. Lalo na yung ibang kahit wala namang problema nakikiaway nalang bigla (may anger management issues ka teh ?). Okay may karapatan tayong magpahayag ng gusto natin kasi nga freedon of speech naiintindihan ko pero hindi mo naman kailangan isagad sa buto yung masasakit mong opinyon. Kung may opinyon ka man na nakakasakit sa damdamin ng ibang tao bawas bawasan mo nalang ng kaunti para hindi matriggered sila eh di away ang resulta.Which goes to my next rant na branch lang din ng social media. The SOCIAL MEDIA FIGHT. Oyy mga teh kung may problema kayo magkausap kayo sa personal at magkausap kayo ng maayos. Hindi yung idadaan mo sa fb post o sa twitter na. Alam mo bang hindi sila yung pinapahiya mo. Pinapahiya mo mismo yung sarili mo (major facepalm). At yung iba jusko pati problema sa pamilya sinasama talaga sa post. Ginawa mo nang diary yung social media mo (ang prob lang hindi lang ikaw yung nakakakita sa mga sinusulat mo. Parang diary na pinapabasa mo kahit na sino kahit sa kaaway mo). Yung iba naman kaysa sabihan na itigil na hinikayat pa at sasabihin pa na "Ayy alam ko kung sino yan" at "Oo nga akala mo naman kung sino" (Teh hindi ka nakakatulong imbis na buhusan mo ng tubig yung apoy binuhusan mo pa ng gas hanep ah -___-)
Obsess na obsess tayo sa social media at obsess rin tayo sa buhay ng iba. Lalo na yung ibang mga sikat na artista konting mali lang viral na at sobra na makajudge yung iba. Yung iba kahit walang ginagawa binabash na agad (boring siguro ang irl nila kaya ginagawa nilang playground yung social media). Yung iba pag may nagpost ng pic nila may popost agad ng hate comment (panis ba yung kinain mo at naging ganyan kapanis yung ugali mo ?).
BULLYING IN SOCIAL MEDIA IS A BIG NO NO. Bes kung ayaw mo sa tao wag mo nalang pansinin at keep your opinions to yourself. At tanungin mo yung sarili mo "may makukuha ba ako kung ibubully ko siya ?" at kung sasabihin mong oo dahil "natutuwa ka kapag may nasasaktan" nako advice ko magboxing ka nalang o try other sports at least dun nakapanakit ka na nga ng tao may price ka pang makukuha. Enjoy life while you still have time don't waste your time hating on people cause God put us on earth to enjoy our life and love one another. Hindi nagsacrifice si God ng buhay niya para lang magspread ka ng Hate sa mundo. (Kaya Stob it na sa Hate hah). Kung ayaw mo pa rin eh di magmatigas ka at iwaste mo yung buhay mo sa panghate ng buhay ng ibang tao. Hindi naman ako yung magsisi sa bandang huli eh.
In a more serious talk bullying or cyberbullying is also connected to Suicide. The harsh words of other people can affect a person's mental and emotional health. Kaya kahit na parang wala lang sayo big deal yun sa sinabihan mo. If a person has a low self-esteem and no confidence plus the negative comment about him/her may lead his/her mind to suicide. Kahit na maraming nagmamalasakit at nagmamahal sa kanila. Maiisip pa rin nila yung "suicide". Others have an habit of accepting the harsh comments and thinking that what they've said was true which may lead them to depression. Pag nandun ka na sa stage ng depression you will remember ALL the negative things that they've said. Pati sarili mo nabubully mo na. (I've experienced all this and I'm happy to say I've overcome it with the help of God and my fam and friends) Kaya kung may kilala ka mang suicidal make them know na nandyan ka lang sa tabi nila. Minsan kasi hindi naman nila kailangan yung bonggang advice sapat na sa kanila na nandyan ka at nakikinig. If they're sad then create a happy memory with them. But don't ever push force positivity kasi mas lalo silang malulungkot. At kadalasan sirado ang utak ng mga taong depressed so find a way to opened their mind and let them realised how worthy and special they are.
Kaya bakit tayo obsess na obsess sa social media ? Dahil nandyan na lahat nafefeel natin na pwede nating sabihin lahat ng gusto natin sabihin. Nakakausap natin yung ibang tao. Social media can make or destroy a person's life. Pwede tayo maging sikat pwede tayo mabash. Lahat magagawa natin sa social media (sama mo pa yung hate chuchu). Social media is like a modern oxygen for the people in the modern day. Some can't even stay away from their phone for one day cause they'll miss a tons of things. Social media is both a toxic and a oxygen. So be careful with your words cause stick and stones may break bones but words can break hearts. Be a Social Butterfly with no hate in your heart~
That ends my first rant... SAYONARA MI AMIGOS~
BINABASA MO ANG
Rant And Sh*t
De TodoSenseless Rants that I want to say/express but I can't cause my mouth's too scared... If you're interested then grab this cookie 🍪 and enjoy ur stay But if you're not interested that's fine~ God bless u