Chapter 40 - Cleaner

25.9K 560 46
                                    

(POV Ava)


Ako na ata ang pinaka masayang babae sa balat ng lupa sa mga oras na ito. I am going to marry Adrien Lorenzo, a handsome brute. My former boss, my F Buddy and my love.


"Tuloy na tuloy na pala ang kasal niyo ni Adrien Lorenzo. Bakit hindi nababalita sa media yan?" tanong ni Alexia, my co-worker and my closest friend aside from Erick Go.

"All of us decided to keep the wedding in private. Alam mo naman na tahimik ang mga Vargas when it comes to wedding," sagot ko habang nagliligpit ng gamit sa office.

"But the Lorenzo family is the exact opposite."

"They respect my decision. Kahit si Adrien din, surprisingly he wants to keep this marriage as private as much as possible."

"Sigurado ka ba na ako ang maid of honor? Baka naman mag dispute si Erick niyan."

"Nag dispute na nga si bakla. Sasabunutan ka daw niya pag nakita ka niya dahil ikaw ang maid of honor ko at hindi siya."

"Well, as if naman makakapag suot siya ng gown. Balitaan mo ko kung pupunta na tayo sa wedding couture. I want to join you sa pagsusukat ng wedding gown."

"Of course! Kaya nga maid of honor kita. In other words, isa kang dakilang muchaha sa kasal ko."

"Ava, willing naman ako maging alipin mo basta may chance ako sa kuya mo."

"Walang puso si Gal, find another man. Gagamitin lang niya ang katawan mo at iiwan ka luhaan."

"Psssh! KJ ka din eh! Mabuti pa umuwi ka na. Gabi na at baka hinahanap ka ng iyong sexy fiancee," sabi ni Alexia sabay yakap sa akin bago tuluyang lumabas ng office ko.


After my shift, palagi ako dumederecho sa bahay namin or sa bahay ni Adrien. We may be both busy, but we both decided to have time for each other.


Kung ikakasal na kami, I want everything to work out and Adrien is willing to give me a hand. From F Buddies, it is like our relationship escalated to something else.


Pagbaba ko sa underground parking lot, napansin ko na wala ng masyadong sasakyan. Wala na din tao at isang lalaki na lang na naglilinis ang napansin ko na kasama ko.


"Good evening, Ms. Vargas," bati sa akin ng lalaking naka uniform ng cleaners.

"Good evening din," sagot ko sa kanya habang naglalakad ako papunta sa kotse ko.


Ang office namin ay katabi lamang ng hotel na pag-aari ng pamilya namin. Hindi naman masyadong malaki ang office namin dahil karamihan ng empleyado ay nasa hotel kaya familiar na ako sa mga tauhan namin. But the man who greeted me looks new.


I checked my watch and it is already past eight in the evening. Sa pagkakaalam ko, ang schedule ng cleaners ay hanggang six lang ng gabi.


My heart began to race with this sudden realization. Kahit ang mga paa ko ay nag mamabilis na pumunta sa sasakyan ko.Hindi normal na may cleaners sa ganitong oras. 


Paglingon ko sa lalake, nakangiti pa rin siya sa akin with his friendly smile. My mind began to think of morbid scenarios. Dahil na rin sa mga pangyayari sa amin ni Adrien, I can't help but to feel paranoid.


Instead of using my own car, I quickly used the service van na ginagamit namin for expensive alcoholic drinks delivery. Ako ang may hawak ng mga duplicate keys ng van na ito dahil ako mismo ang personal na naghahandle ng mga rare at expensive na alak sa hotel.


It seems na nagulat ang lalaking cleaner dahil hindi ako sa kotse ko sumakay. Napansin ko sa side mirror na naglalakad ito papalapit sa delivery van and I almost had a heart attack when I saw that he pulled out a gun from his back.


Hindi na ako nag aksaya ng panahon and I hurriedly drove the van out of the underground parking lot. I immediately ducked when I heard several gunshots. Unlike yung sports car ni Adrien, this van is not bulletproof. Several imported wines exploded at the back of the van as the man fired his shots.


Mabilis kong tinawagan ang kuya ko para humingi ng tulong. Nasa loob pa ako ng company premises at kailangan mahuli ang nagtatangka sa buhay ko.


"Kuya! Help me!" sigaw ko kay Kuya Galadriel sa phone.

"Ava? What the hell is happening?" nag-aalala na tanong ni Gal.


I know that he heard several gunshots sa background. Alam ko na sobra ang kaba niya sa mga oras na ito. Though palagi kami nag-aaway ni Galadriel, we are very close to each other.


"Kuya, someone is trying to kill me! The perpetrator is still inside our office building, sa lower ground parking lot! He is pretending to be a maintenance cleaner!"

"I am on my way there! Where the hell are you?"

"Kalalabas ko lang ng parking lot and I already advised the security team for an immediate lockdown. I am using a delivery van. I am afraid that a bomb was planted inside my car."

"Smart girl. Do you think you can drive pauwi sa bahay? I will call Adrien to meet you there."

"Nasa highway na ako. I think I can manage. But you have to go to the office. Several gunshots were fired and I don't want to cause hysteria."

"I am on it, call me when you are home."


I am relieved that I made it out alive. If I am not mistaken, this is carefully planned as my parents are overseas now for a business trip.


This time, hindi si Adrien ang target, it is me...

F6 - The Official F Buddy | Adrien and AvaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon