Chapter 55 - Dual

23.5K 505 31
                                    

(POV Ava)


WARNING: 

Medyo seryoso na ang next two chapters...

Bawal na mag joke...



Paglabas namin ng backdoor, napansin ko ang tatlong black identical cards sa may service parking lot ng restaurant. Adrien used the first car at ginamit naman ng ilang security details niya sa dalawang kotse.


"Boss A, bakit ang dami mong bodyguards?" tanong ko habang papasok sa loob ng kotse.


Adrien is about to answer me, pero bigla ko narinig ang sigawan ng mga tao. Alam ko na galing yun sa loob ng restaurant. Adrien did not think twice at mabilis na pinatakbo ang sasakyan palayo sa restaurant.


"Boss A, ano ba talagang nangyayari?" kabado kong tanong habang nakatingin sa likod.


Kahit malayo na kami sa restaurant, nahagip pa din ng tingin ko ang tatlong lalaki na palabas sa likod with high powered guns. Within seconds, I heard several gunshots. They are all shooting at us. Buti na lang at medyo nakalayo na kami sa kanila.


"Sky and two of his men were ambushed last night on your way to your house. Akala nila, ikaw ang nakasakay sa sasakyan."

"What? And you did not bother to tell me? Anong nangyari kay Sky?"

"All of them are fine. Your brother hired Sky because he is efficient. Galadriel trusts him and so do I."

"Kamusta si Sky? Is he hurt? Nasa hospital ba siya?"



Adrien just frowned at me. Siguro dahil bakas sa mukha ko ang pag-aalala kay Sky. He is my driver for two years at parang kuya na din ang turing ko sa kanya.


"Kung di ko alam na boyfriend ng pinsan mo si Sky, I will really be jealous. To answer your question, he is not hurt, not even his men. Are you happy now?"

"Si Brienne ba may kagagawan nito?"

"There is no doubt na siya ang may gawa nito. Kahit kalalabas lang niya ng mental facility, hindi siya mahihirapan na makakuha ng malaking pera at mag hire ng mga mercenary killers. So when I told you to stay in my house, stay. Do I need to fucking remind you again who is the fucking boss here?"


Bumalik na naman ang pag gamit niya ng F words...


Kaya pala nagalit si Adrien sa akin nang umalis ako na mag-isa. Kaya pala nag insist ang head of security niya na siya mismo ang maghatid sa akin sa restaurant dahil sa mga pangyayari.


"Boss A, your sister killed your father. He attempted to kill you and now she is trying to kill me. May gusto ka ba sabihin sa akin about Brienne? This is not just a simple personality disorder. She is turning into a psychopathic killer!"

"Brienne has an alter ego called Rhea. It was Rhea who killed my father."

"Alter ego? Parang split personality?"



Tumango lang si Adrien. Ipinaliwanag niya na noong nasa rebellious phase si Brienne during high school days ay dinala siya sa isang kilalang psychiatrist dahil sa kanyang Borderline personality disorder.


This psychiatrist used hypnosis therapy and this unlocked a second personality called Rhea.


Just like Brienne, Rhea is fierce, confident and smart. But Rhea is consumed by rage at hatred. She does not have any remorse and all she wants is to kill those who hurt her.


"Is Brienne aware of her dual personality?" tanong ko habang pinagmamasdan si Adrien na nagdadrive.

"She has little memory about her second personality dahil kapag nag take over si Rhea sa kanya, nag kakaroon siya ng memory lapse. My sister has a mental disorder. It is probably in our genes. I will understand if you will change your mind about marrying me," mahinang sagot ni Adrien.

"Boss A, kung iniisip mo na itataboy kita dahil pwede tayo magkaroon ng anak na baliw, the answer is no! We may turn into one crazy family, but I don't care. Love will always pull us together as long as both of us love each other!"

"Avriel---"

"Boss A, tandaan mo, mahal kita noon hanggang ngayon. Hindi na ako papayag na itaboy mo pa ko. Kahit may chance na maging baliw ka, baliw din naman ako sayo, so it's a tie!"


Adrien did not look at me, pero napansin ko na tumutulo ang luha niya. This time, he is crying because he is happy.

Pwede din naman na umiiyak siya dahil narealize niya na baliw din ang babaeng papakasalan niya...


F6 - The Official F Buddy | Adrien and AvaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon