1st Petal

141 5 0
                                    

[

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[

[Anschel's POV]

"E ikaw, ano'ng gusto mo?"

Tanong niya sa'kin nang hindi ako tinitingnan dahil nakatingin pa rin siya sa mga kabaong na nasa harap namin.

"Huy ano na, Ansch?" Muli niyang tanong sa'kin at tuluyan na ngang nagising ang diwa ko.

"Umm, yung gusto mo rin." Sabay bato ko sakanya ng ngiti.

Napansin kong napatitig siya sa akin pagkatapos ng ginawa ko. Sa pagtitig niya, muli na namang natigilan sa pag-ikot ang mundo ko. Sa mga ngiti pa nga lang kinakapos na 'ko sa paghinga, paano pa kaya sa mga titig niya?

"Okay.." Marahan niyang sabi sabay balik ng tingin sa mga kabaong.

"Nga pala, bakit ba huminto pa tayo dito?" I flatly asked.

Kung tutusin dapat kanina pa kami nakarating sa condo namin. Galing kaming hospital at bumili na rin ng mga panibagong batch ng gamot. Nadadaanan namin ang funeral na 'to every time na uuwi kami. Halos inaabot din kami ng ilang oras para tumambay sa funeral, at nakakailang ulit na rin ako sa pagtatanong sakanya kung bakit ba kailangang huminto pa kami dito at titigan lang ang mga kabaong mula sa labas. At isang sagot lang din ang lagi niyang binabato sa paulit-ulit kong tanong.

"Mabuti nang paghandaan hangga't maaga pa."

Nakita ko lang ang reflection ni Allegra mula sa transparent glass ng funeral, nakangiti pero may halong lungkot.

"Shh.. Don't say that." I calmly said and pat her head. Lagi ko rin siyang kinokontra sa mga sinasabi niya.

"Alam nating wala na akong tsyansang mabuhay pa sa mundong ginagalawan natin ngayon, Anschel." Dagdag niya pa. Pero hindi na ako makasagot pa dahil sa kadahilanang totoo naman ang mga binibitawan niyang mga salita. But then I must do and find ways para mapasaya pa rin siya kahit papaano.

Hinawi ko ang iilang hibla ng kanyang buhok na marahang hinahangin at inipit sa tainga niya. She gave me a sweet smile. "Thank you."

Pagkatapos ay nagsimula na siyang maglakad. Habang pinagmamasdan ko siya mula sa likuran niya, hindi ko napigilan ang ilang patak ng luha ko. Napatingin ako sa kamay ko at nakita ang di karamihang hibla ng buhok ni Allegra na nakakapit at nakaipit sa mga daliri ko.

Hinawakan ko lang ang mga 'yon ng mahigpit at itinago sa bulsa ng bag ko. Hinabol ko siya nang may ngiti sa mga labi at hinawakan ang kamay, ginantihan niya rin ako ng ngiting gustong gusto kong laging nakikita sa kanya. Ang ngiting walang bahid ng lungkot at pangamba.

Naging magkaibigan kami ni Allegra noong college. Magkaiba ng course pero nagsama sa isang subject. Kahit na sa iisang subject lang kami nagkakasama ay hindi namin namalayang nagiging malapit na kami sa isa't isa. She was so cheerful the day I met her. Kahit na wala pa kaming gaanong kakilala noon ay natural na talaga sa kanya ang maging masigla. Siguro dahil sa mga ngiti at kakaibang aura niya kaya nahuli niya ang atensyon ko. And she has this sense of humor na lalong nakapagpahanga pa sa 'kin. Lively and cheerful, the meaning of her name that really suits her. Hanggang ngayon ganoon pa rin naman siya, pero hindi na katulad nang dati na talaga namang makikita mo na agad sakanya na ganun ang katangiang mayroon siya.

Together [GirlxGirl]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon