3rd Petal

50 1 0
                                    


***
R18


Allegra's POV

"Tumingin ka naman sa'kin." Bulong ni Anschel habang hawak niya ang baba ko.

Hindi ko magawang tumingin dahil sa kahihiyan. Dahil sa ginawa niya ngayon-ngayon lang. Hinalikan niya 'ko sa mga labi.

"Hindi mo ba gusto ang ginawa ko?" Bakas ang lungkot sa boses niya kaya naman napatingin ako sa kanya aat nakita kong nakangisi lang siya.

"Finally... Nakatingin ka na rin ulit sa'kin." Mahina niyang sabi dahilan para mas mamula ako.

Maggagabi na kaya napagpasyahan ni Emily na umuwi na muna sa kanila para naman makapag-usap kami ni Anschel ng maayos. At heto na nga, napaamin na ako ni Ansch tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya.


Balik tanaw

"O siya alis na muna ako. Balik nalang ulit ako bukas at kailangan ko pang asikasuhin ang field." Sabi ni Emily at nagpaalam na.

Ang pamilya nila Emily ang namamahala sa clover field, pero ang pamilya nina Anschel ang nagmamay-ari nito. At dahil umulan kagabi ay ang kailangan nalang nilang gawin ay ayusin ang pagkakasalansan ng mga malalambot na lupa.

Tumango nalang ako at ngumiti sa kanya.

"Oy 'lam na this." May pataas taas pang kilay niyang sabi.

"Loko." Ngisi naman ni Anschel.

Pumasok kami sa kwarto niya saka nag-usap.

Kasalukuyan

"I'm so sorry, Ansch.." May lungkot kong sabi sakanya.

"Why?" Pagtataka niyang tanong.

"Dahil naging selfish ako. Alam kong iiwanan rin kita pero hinayaan kong maging malapit sa'yo. At ngayon naman hinayaan ko ang sarili ko na mahulog sa'yo.." Nakayuko kong sabi sakanya.

"Ayan ka na naman, Era. Nakayuko ka na naman." She lifted my chin with her two fingers in order for me to look at her beautiful face.

"And don't worry. Matagal na rin naman akong may nararamdaman para sa'yo. College palang tayo mahal na kita." May ngiti niyang pagsabi. Namula na naman ako panigurado.

"T-tapos ayan malalaman ko pa na parehas tayo ng nararamdaman para sa isa't isa.." Nakanguso kong sabi.

Niyakap niya ako ng parang bata. "Yieee kinikilig naman ako."

Ako nga 'tong kinikilig e!

Humigpit ang yakap ni Anschel sa'kin at bumulong. "Mahal na mahal kita, Era."

Nakaramdam ako ng init na nagmula sa puso at kumalat sa buong katawan ko.

"A-ako rin.." Mahina kong sabi.

"Ano? Pakiulit nga." Parang bata niyang sabi habang yakap pa rin ako.

"Wala! Tara na kain na tayo." Sabi ko at nagtangka nang tumayo pero mahinahon niya akong hinatak pabalik sa kama.

"Hindi mo sasabihin ulit?" Bulong niya na may ngiti sa mga labi.

Umiling iling lang ako at nakangisi.

"Then.. Kiss me." Seryoso niyang sabi dahilan para hindi mawala nang tuluyan ang kilig ko.

Nanahimik lang ako. Dahil ang totoo ay nahihiya lang ako sabihin sakanya na matagal ko nang gustong halikan siya.

Nabingi ako nang tuluyan nang halikan niya ulit ako sa mga labi. Napapikit nalang din ako nang hindi ko namamalayan at sobra ang kaba na nararamdaman ko sa puso ko.

Together [GirlxGirl]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon