Emily's POV
Napabuntong hininga ako nang makita ko si Allegra na nakaupo sa wheel chair at pinagmamasdan ang ilog habang hawak ang mga lantang clover petals.
Inayos ko na ang mga gamit at isinalansan ko na rin ang mga tira naming pagkain. Sa totoo lang, halos hindi nagalaw ang mga 'yon dahil halos ako lang rin naman ang kumakain sa mga pagkain na si Allegra mismo ang naghanda.
Tumayo ako at itinupi ang picnic mat. Pagkatapos ay napatingin ako sa palubog na araw kung saan iyon din ang hinihintay ni Allegra.
"Erah.." Mahinahon kong tawag sakanya sabay upo sa tabi niya.
May namuong luha sa gilid ng mga mata ko nang pagmasdan ko si Allegra. Bakas na bakas sa mukha niya ang lungkot, sakit, inis at pighati. Huminga nalamang ako nang malalim at pinagmasdan ang kanina pang tinatanaw ni Allegra, ang palubog na araw.
Isang taon na ang lumipas mula nang araw na 'yon.
Isang taon na ang nakalipas, pero parang kahapon lang.
Balik Tanaw
Dali-dali akong tumakbo mula sa direksyon nina Anschel at Allegra. Doon napatigil ako at nakita ang matatamis na halik ni Anschel sa pinakamamahal niyang si Allegra.
May gumuhit na mga ngiti sa mga labi ko nang makita ko ang saya nilang dalawa.
Bigla akong napapitlag nang maalala ang bilin sa akin ni Cheche.
Kailangan nang umalis ni Anschel para maayos na ang sopresa niya kay Allegra. Isang sopresa na babago sa pananaw ni Allegra sa buhay, at sa kaporit na pag-asang pinanghahawakan nilang dalawa ni Anschel.
"Cheche! Allegra!" Sigaw ko at tumakbo papunta sa kanila. "A-ako na'ng bahala dito." Hingal kong pahabol.
Nagpasalamat naman si Anschel, nagtaka si Allegra at nagtanong kung saan pupunta ang kayakap pa rin niyang mahal na si Anschel.
Pagkatapos magpaalam ni Cheche kay Allegra, sumakay na siya sa kotse at humabol nang tingin at flying kiss sa mahal niya. Pumuslit din siya nang tingin sa akin at ngumiti.
Ngiting walang bahid nang pag-aalinlangan. Damang dama ko ang tuwa at saya ni Anschel sa mga ngiti niya.
"Ingat ka, mahal ko! I love youuu!" Sigaw ni Allegra at nag-heart sign pa, dahilan para mapangisi ako. Kumaway naman si Anschel at tuluyan na ngang nawala sa paningin namin.
"Sobrang mahal na mahal ko yung kaibigan mong 'yon, Emily." Sambit niya na may ngiti sa mga labi habang nakatingin pa rin sa daanan. "Sobra."
Ngumiti lang ako at humarap sakanya. "Siya rin naman, mahal na mahal ka. Halos wala na ngang ibang binanggit 'yan kundi 'Allegra, Allegra, Allegra'."
Ngumisi lang siya.
Kahit nakangiti siya, pansin pa rin sakanya na may karamdaman siyang dinadala.
Masaya ako at hindi napunta sa wala ang pag-asa ng kaibigan kong si Anschel sa babaeng kaharap ko. Hindi ko man siya lubos na kilala, alam na alam ko namang siya ang nakakapagpasaya kay Anschel.
Pero alam naman naming tatlo na, bilang nalang ang mga araw niya sa mundo.
Makalipas ang isang oras
Lumipas na ang mahigit isang oras pero wala pa kaming balita kay Anschel. Ni kahit text man lang o tawag wala.
Nag-aalala na ako, sabi niya saglit lang siya para kausapin ang doctor ni Allegra na mayroon pang pag-asa. May mga pagbabago sa naging resulta ng last check up niya kaya nakumpirmang mayroon pang pag-asa si Allegra na mabuhay.
BINABASA MO ANG
Together [GirlxGirl]
Cerita Pendek"E ikaw, ano'ng gusto mo?" Ang tanong mo na tumatak sa buong buhay ko. At sagutin iyon ng "Ang magkaroon ng himala at makasama ka pa ng matagal. Pero kahit napaka-imposible, umaasa pa rin ako. Kahit alam kong masasaktan lang ako, aasa pa rin ako." P...