"Gising na, Era." Marahan kong sabi mula sa likuran niya.
Hindi pa rin siya nagigising. Napagod yata sa biyahe namin kahapon. Nandito kami ngayon sa San Narciso, Zambales. Dito ako lumaki at nagkaisip at nagtapos ng high school saka naman ako napadpad pa-Manila para doon mag-college.
"Era.. Era?" Marahan kong hinawi ang ilang hibla ng buhok niya na tinatakpan ang maaliwalas niyang mukhs. "Uy Allegra gising na." Dagdag ko pa.
"Nnn.." Napangiti nalang ako dahil mukhang gising na nga siya. Dahan dahan niyang idinilat ang mga mata niya at sinalubong ko siya ng ngiti nang tumama ang tingin niya sa'kin. Halos malaglag ang puso ko nang sinuklian niya rin ako ng napakatamis na ngiti.
"Teka.. May lagnat ka ba, Ansch?" Panimula niya.
"H-huh?" Nagtaka naman ako kung bakit niya naitanong 'yon.
"Mainit ka o." Sabay hawak sa noo ko.
Ah, hindi ako nilalagnat. Sadyang pinapainit mo lang ako gamit 'yang mga ngiti mo. Gusto kong sabihin sakanya pero hindi ko magawa.
"Ah, wala naman akong lagnat ah. Baka naman malamig lang kamay mo kaya akala mo mai--" Napatigil ako nang ngumiti pa siya.
"Okay.. Sabi mo e." Aniya saka dahan dahang umupo. "Bakit nga pala ang aga mong nanggising?" Dagdag pa niya.
Hindi pa rin ako magising sa pantasya ko.
"Huy ano na? Musta?" Nagising nalang ako nang tuluyan nang maramdaman ko ang hampas niya sa noo ko.
"Ah eh.. Mas masarap lumanghap ng hangin kapag umaga. Sakto umulan kagabi kaya malamig ang simoy ng hangin ngayong umaga." Sagot ko at nginitian siya.
"Tama ka. Na-miss ko nga rin yung amoy ng probinsya." Ngisi niya.
"Pfft." Napatakip ako ng bibig dahil sa sinabi niya.
"Eh?! Bakit? Hoy bakit mo 'ko tinatawanan?!" Tanong niya na may pagtataka.
"W-wala." Pang-asar kong sagot dahilan para mas ma-curious siya.
"Hoy ano nga?!" Mahina niya akong pinaghahampas sa braso ko.
"Wala naman. Kasi may amoy pala ang probinsya. Hahaha!" Hindi ko na napigilan ang tawa ko.
Nakita ko lang siyang nakasimangot. Nalusaw na naman ako dahil sa ibinigay niyang expression.
"Totoo naman ah.. Yung alimuom ng lupa sa mga probinsya iba sa alimuom sa mga siyudad. Ganon." Depensa pa niya.
I pat her head gently and smiled. "Okay okay, I know. I understand." Tumayo na ako saka inalalayan ko na rin siya para makatayo. "Halika na, breakfast is ready."
Nginitian niya nalang din ako at tuluyan na kaming dumako sa kusina.
Nagpakawala ng malaking ngiti si Allegra nang makaupo at makita ang nakahain sa mesa.
"Waaaaahhh... Tuyo at itlog! Ang saraaaap!" Halos nagmukha siyang bata dahil sa ginawa niya.
"Parang kang bata, baliw!" Hindi niya ako pinansin at lalo siyang naglaway nang ihain ko ang sinangag sa mesa.
"Waaaaahh shinangaaaag! Saraaaaap!" Dagdag pa niya.
Napailing nalang ako.
Kung tutuusin iilang mga pagkain nalang ang pwede sa kanya. Pero nagpumilit siya sa gusto niya dahil kailangan niya na raw sulitin bago pa mahuli ang lahat.
Sinandukan ko na siya ng makakain at kumain na kami nang tuluyan.
"Pagkatapos natin kumain magpahinga muna tayo ng konti. Tapos saka tayo pupunta sa clover field." Sabi ko sa kalagitnaan ng pagkain namin.
BINABASA MO ANG
Together [GirlxGirl]
Short Story"E ikaw, ano'ng gusto mo?" Ang tanong mo na tumatak sa buong buhay ko. At sagutin iyon ng "Ang magkaroon ng himala at makasama ka pa ng matagal. Pero kahit napaka-imposible, umaasa pa rin ako. Kahit alam kong masasaktan lang ako, aasa pa rin ako." P...