#Uninnocence 5 : Mis Understood

23 1 0
                                    

He kiss me!

My first kiss!

He stole it!

Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya at nanigas ako sa kinatatayuan ko.

OMJ! As in Oh my Juiciness!

Hindi na virgin yung lips ko! Waahh! Daddy help!

Ilang Segundo rin akong natanga dahil sa ginawa niya. Pero ng maka recover ako dali-dali kung binuksan ang pinto at tumakbo papunta sa kabilang corridor kung saan naroon ang girls room.

Gosh! First kiss ko yun! Naka reserved na yun para sa first boyfriend ko. Pero wala na!
Ninakaw na! T_T

Tapos si Keirven pa!

Na Classmate ko!

Na Hindi ako pinapansin!

Na walang paki sa existence ko!

Na cold!

Pero super gwapo!

Na––  Na–––

Ugh! I hate him!

What to do? Pa'no na ako bukas?
Anong gagawin ko? Magkaklase pa naman kami.

Ugh! Yes i dress like them already, i even curse pero kahit naman medyo nakaka adjust na ako  at nakaka adopt na sa kanila hindi parin naman nawawala ang pagiging conservative ko no!

Pero wait! Ang lambot ng lips niya! Kyaahh!

Nasa gitna ako ng pagnanasa ay esti pag lalakad takbo papunta sa room namin ng bigla akong nasilaw dahil sa sobrang liwanag.

Napatakip ako ng mukha ko at laking gulat ko ng bigla nalang akong hinawakan sa kamay.

"Anong ginagawa mo rito sa labas?
Ba't ganyan hitsura mo?" sunod-sunod na tanong ng lalaking creepy ang boses.

Hindi parin nakaka adjust ang mata ko dahil nabigla ako sa liwanag kanina kaya hindi ko pa nakikita kung sino 'tong humawak sa kamay ko.

Pero feeling ko nagka goosebumps ako dahil sa laki ng boses niya. Ang creepy!
Tapos ang laki, ang tigas at ang rough pa ng kamay!

Omo! Kapre ba 'to?

"In the name of the father–––"

Mag s-sign of the cross na sana ako habang naka pikit at sisimulan ng mag rosary gaya ng turo nila Sister Josefina samin sa former school ko ng biglang sinita ako ng may hawak sa kamay ko.

"At ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong niya kaya napamulat ako.

Kinaladkad niya ako papuntang ground floor. As in literal na kinaladkad talaga. Gosh! Kasohan ko to ng attempted murder ehh! Aww' medyo napasobra ata. Mwehehee
Physical abuse nalang.

Pagdating namin dun sa ground floor medyo may ilaw naman kahit papano kaya nakita ko siya. Si guard lang pala.

Teka. Wait! Si Guard?

So ibig sabihin, nahuli ako? Waahh!! I'm doomed! Anong gagawin ko?

"Oh. Isulat mo kompletong pangalan, year and course at room number mo. Tapos permahan mo." diritsang sabi niya sabay abot sakin ng makapal at mabigat na log book. "Teka ba't parang basa ka? Tsaka amoy alak ka ahh." dagdag niya.

Shocks! Pano ko lulusotan to?
Hindi pa naman ako magaling mag sinungaling at first time ko maka sign sa mga ganito. Listahan to ng mag studyanteng pasaway at basagulero eh. Huehue!

Never pa akong napatawag sa principal's office kahit ng guidance counselor dati pero ito na ako ngayon.

Inabot ko yung log book pero agad naman itong nilapag ulit sa table. Ayokong pumirma. Natatakot ako. T_T

Welcome to the Age of Un-innocence Where stories live. Discover now