#Uninnocence 3 : Prank

18 3 0
                                    


9:00 na ng gabi kaya napag desisyonan naming dalawa ni Fierce na bumalik na sa dorm dahil malapit na mag curfew. May mga staffs kase na nag che-check ng attendance sa bawat room pag dating ng 10:00 pm.

Sa totoo lang ayoko sanang sumama sa kanya pero wala akong choice dahil nandun ang boyfriend ni Fragile at Savage sa room namin. Alangan naman na magpaiwan ako dun diba?

Di bale nalang na lumabas ng campus at mag bitbit ng groceries kesa maging third wheel no!

Inutusan nila kaming bumili ng mga junkfoods, hard drinks, wines at kung ano-ano pa dahil may bagong download daw na horror movie si Savage. Mag mo-movie marathon daw kami.

I suggested that popcorns and soft drinks will do but they insisted na mas masarap pag junk foods at may hard drinks. Tch. As if I'm allow to drink hard drinks already!

Now I feel bad for my older sister already. "No nightlife and No alcoholic drinks until we graduate college" yan ang goal namin. I'm still on my first year in college, I still have 3 more years pero mukhang ngayon palang mapapasubo na ako! Hays -.-

Bumili narin kami ng mga cartolina, ballpens, yellow pads, filt paper, plastic covers at kung ano-ano pa na pina ibabaw namin sa mga drinks at junk foods na pinamili namin para hindi mahalata ng guard.

Pero hindi ko parin maiwasang kabahan.
Pano pag ininspeksyon ng guard tapos makita to? Baka makarating pa sa bahay ang kalokohang pinagagawa ko.

Isang buwan na akong nanatili sa paaralang 'to. Aaminin ko hindi naging madali ang pinagdaanan ko nitong mga nakaraang linggo.

Pagtripan ng sariling kaklase, makulong sa CR o sa stock room, matapunan ng pagkain sa uniform, pagtawanan dahil sa way ng pananamit ko. Kulang nalang daw mag lagay ako ng tela sa ulo ko at mag wally sa gitna para maging madre ako. Halos lahat ng mga pang-aawa ng mga kontrabida sa bida na dati sa mga drama ko lang napapanuod ngayon naranasan ko na.
Ang oa diba? At kung ano-ano pa na ni minsan hindi ko naranasan sa dating paaralan ko.

___________________________________

(Throwback Few weeks ago...)

Umiiyak akong umuwi sa dorm at dali-daling kinuha ang mga damit ko sa closet at nilagay sa maleta ko.

Hindi ko na kayang pakisamahan ang mga studyante dito.

They're too much. I can't handle their immaturity and trashy attitudes anymore.

Sinundan ako nina Fragile, Fierce at Savage sa dorm. Pinakalma nila ako at pinigilan na wag umalis pero nagmatigas ako at hindi nag papigil.

Paglabas ko ng dorm nakita ako ng guard kaya hindi ako naka lusot. Pina balik niya ako sa dorm at dun kinausap ulit ako ng tatlo.

"Psyche we're sorry.."
sabi ni Savage habang hinahaplos yung likod ko.

"No, wala kayong kasalanan. Maybe I dont really belong here. Siguro dun sa dati kung school, dun talaga ako nararapat. Hindi ko kayang mag adjust sa mga ugali nila." Umiiyak na saad ko.

We people have different personalities. We are unique in our own way. We are all aware of that.

I'm so different compared to them. But what's wrong with being different from others?

Hindi ba nila naisip na ako rin mismo naninibago sa kanila? They're too wild and liberated at a young age. But, did I judge them? No! Because I understand them. I chosed to understand them even if its not understandable at all. Ako yung nag adjust. But they're too much.

Nung mag gagabi na. Nag paalam ako sa kanila na lalabas lang. Kumuha ako ng sweater sa closet tsaka yun sinuot.

Hindi ko sinabi sa kanila kung sa'n ako pupunta. Wala silang alam hanggang sa maka labas ako ng school.

Welcome to the Age of Un-innocence Where stories live. Discover now