Charity's POV"Whaaaaaa! Ampogi mo talaga Brian Park! Akin kana lang" sigaw ng kapatid kong adik na adik sa Brian Park na yan.
Nandito kami sa fansign event ng brian park na 'yan. Sinabi kong ayaw ko sumama eh. Mama naman kasi eh pinilit pilit pa 'ko eh.
Nagmumukha tuloy akong yaya n'ya. Taga picture , taga buhat ng bag , taga video. Hayp na buhay!
"Eonnie!" Tawag sa'kin ni unique habang papunta sa upuan para magpapirma ng album at sinenyasan akong picturan s'ya.
Habang pinipicturan ko sila, atut atut atut! Ang landi nito may pahawak hawak pa ng kamay. Nakakainis!
Actually, i don't really like kpop or either kdramas. I'm not hater ok? I mean, i'm not interested to them. Ang tingin ko ang baduy baduy!
Pagkatapos n'ya makipag landian sa brian na 'yun bumalik na s'ya sa pwesto namin. "Ano?Nakuhaan mo ng maayos?Pinicturan mo ba yung hawak hawak kamay thing namin?Napicturan mo ba yung binigay ko sakanya yung mga snacks na binili ko? Napictu--- " 'di ko na sya pinatapos.
"ANO BA? ANO BANG MERON SA BRIAN NA YAN?!" dahil sa inis ko napasigaw ako. At ang nakakahiya pa , lahat ng tao nakatingin sakin. And i don't care. "Hey" Bulong sakin ni unique. "ANO BA UNIQUE?! WALA NAMAN KWENTA YUNG PINUNTA NATIN DITO!" patuloy ko.
"E-eonnie?"Dahil sa kahihiyan na ginawa ko, hinila ako ng kapatid ko palabas ng venue. Nang makalabas na kami bigla akong sinigawan ni unique. "Eonnie naman?! Ano bang pinaggagawa mo?! Pinapahiya mo 'ko sa harap ng asawa ko eh! Nakakainis ka naman eh!" Sabay pamewang.
Utot mo! "Asawa mo?Kailan mo naging asawa yan?Pinapakain ka ba n'yan?May pake ba yan pag may sakit ka?Kahit mamatay ka jan, walang pake sayo yan!" Saway ko sakanya. Dahil sa sinabi ko, nag pout s'ya
"Ang harsh mo naman eonnie, 'di naman masama mangarap. Magulat ka, bukas asawa ko na yan diba?" sabi n'ya pa. Aysus! "Krimstick pa more. Umuwi na tayo" at hinila ko s'ya pero nagpumiglas s'ya.
"Ayoko~ dapat nga mag sorry ka kay brian eh. Nakita mo ba yung reaction n'ya earlier, nung sumigaw ka? Kawawa naman yung baby brian ko." Sabay pout. "Alam mo kung di lang kita kapatid, dati ko pa hiniwa yang bibig mo. Pa pout pout pa, di naman bagay" sabi ko sabay pasok ulit sa loob.
"Eonnie?! Wait mo me!" Sabi n'ya habang hinahabol ako. "Balakajan! HAHAHAHA! " sabay takbo ng mabilis .
Nang makarating kami sa loob, hindi parin tapos yung pirma pirma na 'yon. at lahat sila nakatingin sa'kin. I don't care. Nagugutom na 'ko. Gusto ko nga kumain. Dami kasing learn sa earth eh.
Nang matapos na 'yong pirma pirma, nag speech yung brian park. "Annyeonghaseyo, brian park imnida. First of all, thank you for coming. Thank you for supporting me. I promise i will make good songs and great performance for my parky parky. Jeongmal kamsahamnida. Saranghae parky parky" sabay bow.
"Awwww! Nado saranghae brian oppa!" Sabay na sabi ng mga tao. Ang corny ng "parky parky" no? Ayun kasi yung pangalan ng fandom ba yun ng brian park na yan.
Pagkatapos nun nagsi alisan na yung mga tao, at umalis na din kami. Sa wakas makakakain na din ako. "San tayo?" tanong ko sa kapatid ko habang nakatingin sa daan. "Huy ano ba sumagot ka naman?" pagkatingin ko sakanya.
Hinahalik halikan n'ya yung pirma ng brian sa album n'ya. What the!? "Huy unique! Ano bang nangyayari sayo?" Saway ko sakanya. "Ha?" Tipid n'yang sagot. Jusko po! Nababaliw na ata 'to.
"Anong ha?Sumunod ka sa'kin, dadalhin kita sa mental" sabay hila sakanya. Seryoso ako. Sa tuwing pupunta kami sa mga fansign event ng brian na 'yan bigla nalang s'ya nababaliw.
Jusko po! Hindi n'yo lang alam kung gaano yan kaingay tuwing madaling araw. Hanggang sa pagligo, dala dala yung phone n'ya.
Pagkagising sa umaga, phone agad. Jusko, laging naka earphone. Magugulat nalang kami nila mama, biglang sasayaw tsaka kakanta.
Wala nang ginagawa sa bahay, puro nalang laptop, phone , ipad. VLive sa umaga, YT sa tanghali , Twitter sa gabi.
"Ayoko ayoko!" Pagpupumiglas n'ya. "Hindi, dadalhin na kita sa mental." Pananakot ko sakanya, pero bigla n'ya akong niyakap. "Mianhaeyo eonnie. Don't worry, bumalik na yung kaluluwa ko." Sabay bitaw sa pagkakayakap sa'kin.
Natawa naman ako sa sinabi n'ya. "Tara na nga, kumain na tayo. Nakakaloka ka." Sabay kuha ng taxi.
Nandito na kami sa pizza hut. Since, sinamahan ko naman si unique s'ya yung pina- order ko. Actually, kahit ganyan yung kapatid ko, mahal na mahal ko 'yan.
May times din na pinagsisihan ko talagang naging kapatid ko s'ya, pero may times din na sinasabi ko sa sarili ko na napaka swerte ko dahil nagkaroon ako ng kapatid na Unique Santos. Parang adik diba?hahahaha.
"Here's your order ma'am" sabi ni unique sabay lapag ng tray sa table namin. "Thank you yaya" sabi ko sakanya. And she
roll her eyes. Eto naman di mabiro."Pagkatapos natin kumain dumiretso muna sa national bookstore ah." tsaka ako kumain. Tumango lang s'ya.
Kakatapos lang namin kumain. Uminom ako ng coke at ganun din si unique. "Wow! Brulala!" Sabi ni unique pagkatapos n'ya uminom sabay dighay.
"Ewww" sabi ko habang nakakunot yung noo. "I don't care. I'm a human too MAAAAAN!" sabi n'ya pa. Walang hiya talaga 'to. "Umalis na nga tayo, nakakahiya ka" sabay labas ng pizza hut.
"Where are we going eonnie?" Tanong n'ya sa'kin habang naglalakad. "National nga." sagot ko. "National?Mwoya?" Tanong n'ya ulit.
"Ano bayan unique. Top 1 ka sa class tapos 'di mo alam yung national." Sagot ng may sabay taray. "Ano nga yun?" Ulit n'ya pa.
"NATIONAL bookstore , N.A.T.I.O.N.A.L" sagot ko sakanya ng may pag ka mataas na ang tono.
"Ahh, daming learn" sagot n'ya pa. Hayss unique nga naman. Nandito na kami sa National bookstore. Hinahanap ko yung librong nakita ko sa net. Science book. I really like science.
Nang makita ko na yung hinahanap ko, si unique na ang hinanap ko. Mamaya wala nanaman yun sa katinuan n'ya.
Nakita ko s'ya section ng mga libro ng wattpads. "Ano kana?" Tanong ko sakanya. May hawak s'yang isang libro. "Ano yan?" Tanong ko ulit.
"Hell University" sagot n'ya. "Ahh. Ayun ba yung ace craige?" tanong ko sakanya. "Yieeee! How did you know eonnie?Wattpader ka na rin ba?" sabi n'ya habang kinikiliti ako.
"Hindi no. Nakikita ko kasi lagi yan newsfeed ko, lagi mo kaya yan pinopost." sagot ko sabay hila sakanya sa cashier.
Alam ko naman gusto n'yang bilhin 'yun, pabebe lang yun.
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love With A Kpop Idol
Teen FictionMeet Charity ang babaeng hater ng kpop idol na si Bryan Park. Paano na lang kaya kung mahulog sya kay bryan at maniwala sya sa kasabihang "The more you hate, the more you love"? Paano kung dumating na sa panahon na sabihin nyang " I'm accidentally i...