Kpop Idol: Chapter 3

7 1 0
                                    


Charity's POV

Umuwi akong nakakunot ang noo dahil sa lintik na brian park na 'yan.
"Anyare eonnie?" Bungad sa'kin ni unique na nakahiga sa sahig habang nanonood ng yt.

Hindi ako sumagot, hinagis ko sakanya yung librong pinabili n'ya.
Nakatingin lang s'ya hanggaang makaakyat ako sa kwarto ko.

Humiga agad ako sa kama. Naalala ko nanaman yung sinabi sa'kin ni brian.

"We will see each other....again"

"We will see each other....again"

"We will see each other....again"

Nag eecho yung mga sinabi n'ya sa'kin. Natatakot ako, mamaya kalbuhin ako ng mga fans nun.

"Natatakot ako! No! Hindi ako natatakot! Yes! Natatakot ako! No! No! No! Natatakot ako!huhuhu i hate my life." ayoko na! Nababaliw na 'ko!!!

Nagdadabog ako ngayon dahil sa inis. Hilain ba naman daw ako kanina sa bookstore. Pano pag napilayan ako?

Lintik talaga s'ya. Nako brian park!
Nag shower ako ulit dahil nanlalagkit nanaman ako.

Pagkatapos ko maligo, nakita ko si unique na nakaupo sa kama ko. "What?" Tanong ko sakanya habang nagbibihis.

Ok lang naman na makita n'ya nagbibihis ako, kapatid ko naman yan eh. "What is this....again?" Tanong n'ya sabay tapat sa'kin ng phone n'ya.

Oh sh-! May nagpicture sa'min ni brian sa mall. Anong gagawin ko?
"What?" tanong ko sakanya. Kinalma ko yung sarili ko para hindi halata.

"Is this you?" dahil sa tanong n'ya mas lalo akong kinabahan. "What?Are serious unique? You know naman na i don't like that assh- ah no that brian park" sabi ko habang natatawa.

Hell!Buti nalang blurd yung mukha ko kundi nag aaway na kami ni unique dito "Bakit same kayo ng damit?Di ba ito yung suot mo kanina?" Tanong n'ya pa sa'kin.

Unique naman, tama na tanong! "Ha?Unique, maraming tao nagsusuot ng ganyan. Baka katulad lang sa'kin" paliwanag ko sakanya.

Dugdug! Dugdug! Dugdug! Dugdug!

Tumango-tango lang s'ya. Siguro napaniwala ko na s'ya. "Are you sure?" Paninigurado n'ya. "Oh yes unique. Kaya lumabas kana" sabay palabas sakanya.

Hooooo! Unique talaga. Kinabahan ako dun. Binlower ko na yung buhok tsaka bumaba.

Wala si mama tsaka si unique, baka pumunta ng supermarket. Boring!

Nanood nalang ako sa HBO ng
A Quiet Place. Grabe sobrang ganda ng movie na 'to, believe me. Nakakakaba. Sobrang nakakatense.

Nandito na ako sa scene, yung nanganganak na yung nanay nila. Nasauluhan n'ya na yung alien.

Then, suddenly someone rang the bell. "Tang-!" Binuksan ko na yung pinto. At nakita ko si mama at unique at ......
"Papa!" whaaaa! Agad kong niyakap si papa. Grabe i miss him so much.

Natawa naman sila sa ginawa ko. "How are you sweetie?" Tanong ni papa sa'kin. "I'm okay papa. You?"

"Tired, i guess" sagot n'ya. "You should rest pa. Bye!" Sabi ko sakanya. Umakyat naman na s'ya sa kwarto nila ni mama.

Papatayin ko na sana yung TV pero kinuha agad ni unique yung remote. Inilipat n'ya nanaman sa SBS channel.

Bumungad sa'min yung deodorant na patalastas ni brian. Hell!

Tili naman ng tili si unique. Hay nako. Ilang beses n'ya yan napapanood pero same reaction parin. Kpop fan nga naman.

"We will see each other.....again"

"We will see each other.....again"

"We will see each other.....again"

No!No! Ayan nanaman yung boses n'ya. Nababaliw na ba 'ko.

"We will see each other.....again"

"We will see each other.....again"

"We will see each other.....again"

No!!!!! " Ano ba umalis kana sa isip ko!" Sigaw ko habang pinapalo yung ulo ko. Ayoko na!

"Eonnie! Are you okay?" Tanong sa'kin ni unique na nakahawak sa dalawa kong kamay. "Ha?" Tanong ko.

Bigla akong binatukan. "Gutom lang yan" sabi n'ya sabay punta sa kusina.

Huhu! Bakit ko naririnig yung boses n'ya?! Nababaliw na ba 'ko. Mas baliw na ba ako sa kapatid ko?

Pumunta muna ako ng kusina tsaka uminom ng tubig para mahimasmasan. "Are you okay sweetie? Anong nangyayari sa'yo?" tanong ni mama na may halong pagaalala.

"A-ah yes ma. I-im okay" sagot ko. No ma, i'm not okay. Huhu! Letseng brian 'to eh.

Nanood muna kami ni unique ng movie habang si mama naman ay nagluluto.

Lumapit sa'kin si unique tsaka ako kiniss sa pisngi. "Yaaaak! Ano ba 'yan unique! Nakakainis ka naman eh!" Tsaka ko s'ya tinulak.

Tawa lang s'ya ng tawa. Kadiri naman! "Ano ba?! May gusto kaba sa'kin?" Tanong ko sakanya. Pero 'di parin s'ya tumitigil sa pagtawa kaya nainis ako.

"Mama oh!" Tawag ko kay mama sa kusina na nagluluto parin, pero tumawa lang s'ya at hindi man lang sinaway si unique.

Tumayo ako tsaka ko s'ya sinabunutan, at tumakbo sa likod ni mama.

Hinabol n'ya naman ako, pero di n'ya ako mahuli kasi pinapangharang ko si mama. Saway ng saway si mama pero hindi parin kami tumitigil.

"Tama na yan! Unique! Charity! Enough!" Saway ni mama. Umalis na si mama kaya nahuli ako ni unique.

Nang mahuli n'ya na ako, tinulak ko s'ya. Nadapa naman s'ya. Oh gosh!

Nakahilata s'ya sa sahig. Nilapitan ko naman s'ya. Chineck ko kung okay lang s'ya. Humarap na s'ya sa'kin at sinabunutan ako, sabay takbo kay mama. Letse to!

"Tama na yan ah" saway ni mama. Tumigil na kami ni unique at ngayon kumakain na kami. "Ma?" Tawag ni unique kay mama.

Binigyan ni mama ng bakit- ano - nanaman - look si unique. "Hehe, ma may concert pala si brian bukas diba? Nabilhan mo na po ba ako ng ticket?" Tanong ni unique habang nakangiti ng malapad.

May dinukot si mama sa ilalim ng lamesa. Dalawang nakatupi na papel. Pagkalabas ni mama ng dalawang papel biglang nagwala si unique sa sahig.

Tinignan ko yung papel na nilapag ni mama sa lamesa. Ha?! Ticket?!

"Bakit dalawa ma? Isa lang naman si unique ah" tanong ko habang si unique nangingiyak parin na niyayakap si mama. OA nito.

"You're going with unique" sagot ni mama. Napatayo ako dahil sa sinabi ni mama. "Again!? Ma ayoko nang sumama jan! Ako nalang lagi eh!" Pag iinarte ko.

Ako nanaman?! Sawang sawa na 'ko. Ako nalang lagi sumasama jan eh. Nakakainis naman eh!

"Yes. Samahan muna kapatid mo. Minsan lang 'to" sabi pa ni mama. "Minsan?! Lagi na nga lang ako sumasama jan eh. Nakakainis naman eh! Sawang sawa na 'ko sa pagmumukha ng brian na 'yon eh" sabi ko pa.

Lumapit naman sa'kin si unique at binackhug ako. Tsaka ko kiniss ulit sa pisngi. "Ano ba unique! Kanina ka pa ah!" Saway ko sabay tanggal ng kamay n'ya na nakayakap sa bewang ko.

"Eonnie.. sige na. Ikikiss parin kita kapag di ka sasama sa'kin." Pananakot n'ya. "Ayoko!"

Dahil sa sinabi ko, tinadtad n'ya ako ng kiss sa pisngi. " U-unique! Ano ba! T-tumigil ka na nga! O-oo na! Sasama na 'ko!" Pagkasabi ko nun tsaka na s'ya tumigil.

Padabog akong umakyat sa kwarto ko. Hindi ko na pinagpatuloy yung pagkain ko. Baka mabasag ko lang yung pinggan sa sobrang inis.

Hay nako.






















Accidentally In Love With A Kpop IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon