Charity's POVNandito na kami sa kotse, at papunta kami ng Araneta. Si mama ang maghahatid sa'min kasi si papa ay na sa meeting nanaman. Dahil sa business hindi na namin masyadong nakakasama si papa. Super busy.
Katabi ko si mama, dahil ayokong makatabi si unique sa likod. Naiinis parin ako. Ginising ba naman ako ng 10:00 AM, e 7:00 PM pa naman kami aalis. Hooo! Bwisit!
Sabi n'ya pa mag ayos daw ako, mag make up daw ako, mag dress daw ako. Pano ako magdedress, eh concert yung pupuntahan namin. Mag mukha lang akong tanga dun.
"Are you okay, sweetie?" Tanong ni mama habang nag dadrive. Hindi ako sumagot, ibig sabihin nun, hindi ako okay. Halata naman na hindi ako okay eh. Nakasimangot lang naman ako dito habang nakatingin sa labas.
Habang ang kapatid ko sa likod ay lipstick ng lipstick, halos mapudpod na yung lipstick n'ya. Hayy. Di na ako ulit tinanong ni mama.
7:45 PM ng makarating kami sa araneta. Kailangan daw kasi namin pumila ng mas maaga sabi ni unique. 10:00 PM pa naman ang umpisa.
Nandito na kami sa pilahan, sobrang daming tao. Bumili pa ng bagong lightstick si unique dahil nawawala daw yung dati n'yang light stick.
Bumili din s'ya ng mga merchandise. Bumili din s'ya ng banner na may nakalagay na korean korean na 'yan.
Basta, bahala na!Nang makapasok kami sa loob, inasist kami kung sa'n ang sit namin. VIP yung biniling ticket ni mama kaya sa unahan kami. As in sa unahan. Feeling ko mapapansin si unique dito.
Unting unti nang napupuno yung araneta. At malapit na din mag umpisa. Kaya ni ready na din ni unique yung canon n'yang camera.
Sabi ng isang staff mag sstart na daw kaya binuksan na nila yung mga light stick nila. Ako lang 'ata ang walang light stick. Believe me.
Siguro kung alam lang ng mga 'to na, ayaw ko sa idol nila, siguro sinugod na nila ako.
Nagumpisa na yung concert, ako naman nakasimangot lang. Nag paikot ikot si brian sa buong stage. Nagtalon - talon, ako lang 'ata ang hindi masaya.
Hello? Hindi ko naman kasi alam mga kanta nito no. Pati yung mga fanchants ba 'yon? Pero for real, ang ganda ng view pag tinignan mo sa harapan. Ang ganda.
Nang kumakanta si brian ng sad song, i guess. Nakaharap s'ya kung sa'n ang sit namin ni unique. As in sa'min. Kaya itong si unique, kilig kilig.
Nag ka eye contact kami pero umiwas agad ako. Problema nito?
Siguro nakikilala n'ya ako, dahil nagkita na kami. Baka mamaya ipadumog ako nito sa mga fans n'ya. Sht!
Lumapit s'ya way namin at umupo doon. Pero nakatingin parin s'ya sa'kin. I don't know. Sa'kin ba talaga?
May naramdaman akong parang masakit sa tagiliran ko. Kaya napakunot yung kilay ko.
Hinawakan ko yung tagiliran ko, pagkatingin ko may dugo. Nangiyak ako. Ano 'to? Bakit may dugo?
Napatingin naman si unique sa'kin pati yung katabi kong babae. Nang makita ni brian yung dugo, napakunot din yung kilay n'ya.
Buti nalang natapos na yung kanta at pinatay muna ang ilaw. Bumaba ng stage si brian pero pinipigilan s'ya ng bouncer. Pinaliwanag n'ya muna tsaka s'ya pinakawalan.
Hinawakan n'ya yung pisngi ko at pinatingin sa kanya. "Are you okay?" Tanong n'ya sa'kin. May sinabi s'ya sa dalawang bouncer pero hindi ko 'yon narinig.
Pinalabas ako ng bouncer dun sa may harang at pinunta ako sa backstage.
Inalalayan ako ni brian, pero bumagsak ako sa sahig.Binuhat ko ni brian na parang pangkasal at mabilis akong tinakbo sa backstage.
Pagkarating namin sa backstage, pinaupo n'ya ako. At halatang gulat yung mga staff dahil sa nakita nila ngayon.
Ang sakit! Pumipikit na 'ko sa sobrang sakit. At may mga luhang tumutulo sa mga mata ko. Ang sakit!
Nakita kong nagkakasagutan yung isang staff at si brian. Nagkakagulo na yung mga staff at naguguluhan na din ako.
Pinilit kong makatayo pero biglang lumabo yung paningin ko at tumumba sa sahig.
Naramdaman ko yung sakit sa tagiliran ko. Pagkamulat ko, may nakita akong puti, maliwanag. Asan ako? Patay na ba ako? Nasa langit na ba 'ko?
Nakita ko si unique na nakapatong yung ulo sa higaan at hawak ang kamay ko.
Hindi ko na maalala yung mga nangyari kanina. Sobrang sakit ng sugat ko.
"Unique?" Gising ko sakanya. Agad naman s'yang gumising at niyakap ako. "Are you okay eonnie? Masakit pa ba yung sugat mo?" Tanong n'ya sa'kin.
Mukhang alalang - alala talaga s'ya sa'kin. Parang iiyak na e.
"Yes, i'm okay. Kaya don't worry" pagpapakalma ko sakanya.
"Are you hungry?" Tanong n'ya ulit sa'kin. "Yes. Pengeng tubig." Sabay abot sa'kin ng tubig.
Pinilit kong umupo, pero 'di ko kaya dahil sa sobrang sakit talaga ng sugat ko. "Wag ka munang umupo. Don't force it. Bagong tahi lang yung sugat mo." Paalala n'ya sa'kin
Hindi ko na pinilit umupo pa. "Where's mom?" Tanong ko sakanya.
"Bumili s'ya ng food sa baba. Just wait for her.""Eonnie, lalabas muna ako. Tatawagin ko lang yung doctor mo." Paalam n'ya sa'kin. "Go ahead."
Pinabuksan ko muna yung TV kay unique bago s'ya lumabas ng kwarto. Para hindi naman ako boring pag umalis s'ya.
Habang nanonood, dahan - dahan bumubukas yung pinto. May pumasok na lalaki, naka black na hoodie with black mask. Ano 'to ninja?
"Who are you?" Tanong ko sakanya. Pero hindi s'ya sumagot. Palapit s'ya ng palapit sa'kin, kaya palakas ng palakas din yung tibok ng puso ko.
Mamaya kung ano pa gawin sa'kin nito. Nang makalapit s'ya sa'kin, sumigaw na 'ko ng " RAPIIIIIIIST! HELP! MAY RAPI-- " agad n'yang tinakpan yung bibig ko.
Pinipilit kong tanggaling yung mga kamay n'ya sa bibig ko. Hindi naman ako makagalaw ng maayos dahil sa sugat ko.
Tinanggal n'ya yung hoodie n'ya tsaka tanggal din ng mask. Binitawan n'ya na yung pagkakatakip ng kamay n'ya sa bibig ko.
"Shhh.. i'll not hurt you." Sabi n'ya pa. "What are you doing here?" Tanong ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love With A Kpop Idol
Teen FictionMeet Charity ang babaeng hater ng kpop idol na si Bryan Park. Paano na lang kaya kung mahulog sya kay bryan at maniwala sya sa kasabihang "The more you hate, the more you love"? Paano kung dumating na sa panahon na sabihin nyang " I'm accidentally i...