[♡] Five [♡]

24 1 23
                                    

Sunny

2 weeks na akong transferee dito. 2 weeks na rin akong inaasar at kinukulit ni minho. Dahil sa sobrang daldal ko marami na rin akong naging ka-close sa mga kaklase ko. Pati yung si Felix, hyunjin, Seungmin, Jisung at Jeongin kaclose ko na rin. Tsaka, marami na rin akong bagong crush mga 5 siguro? Pero Si Ace ang pinaka-crush ko hihi. Yung mga ibang crush ko kasi pogi din naman pero iba talaga si Ace kahit na alam ko na hanngang tingin lang ako sa kanya may iba talaga akong nararamdaman para sa kanya, hindi ko ma-explain basta. Ewan pero ang bait bait nya tapos ang gwapo nya pag sumasayaw sya i mean mas gumagwapo sya he is so damn talented. Masakit lang dahil alam kong wala akong pag-asa sa kanya. Forever ko asan ka na ba?? Lol

Anyways ang bait bait ni minho sa loob ng 2 weeks. Una, binasa lang naman nya ako ng dahil sa ginawa nyang bwiset na patibong na yan. Pangalawa, binutas nya lang naman ang P.E pants ko. Pangatlo, nilagyan nya lang naman ng mga malalaking bato ang bag ko and in the end ako yung nahirapan sa sobrang bigat, nalaman ko na puro bato na ang bag ko nung nasa bahay na ako,Mamatay na sya. Pang-apat, lagi kaming dalawa napapalabas ni maam dahil wala syang ginawa kundi kulitin ako habang nag-klaklase. Marami pa siyang ginawa saakin hindi ko na nga lang talaga masabi ang lahat sa sobrang dami. Ang bait ni minho ano? Pero syempre hindi papatalo ang lola nyo, akala nyo ba api-apihan ako dun? Kadalasan nga tinatadyakan ko yun e pag sobrang naaasar na ako sabay sya naman itong hindi makalaban saakin. Duwag.

Nandito ako ngayon sa silid at literal na inip na ako sa klase ngayon, pero itong si minho nangungulit pa rin. Pero hindi ko sya pinapansin Like duh? Kelan pa ba nakinig sa klase yan? Hindi ko namalayan na nasa harapan na pala namin ngayon si Ace. Hala teka anong ginagawa nya dito??

"Umm sunny may sharpener ka ba?" And after that, parang saamin lang dalawa umiikot ang mundo. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Habanh nagtatasa sya nakatitig lamang ako sa kanya. Ang gwapo nya. Shet.

"Here, thanks" he smiled at me at bumalik na sa kinauupuaan nya. Ngumiti ako sa kanya kahit na nakatalikod na sya. Tumingin ako sa katabi ko at seryoso ang mukha ni minho. Problema neto

Natapos ang klase na walang minho na nangungulit at nangaasar saakin. Problema ba nun? Okay naman kami kanina?

"Sunny!!!" Nakita ko si Jisung at chelsea patakbo papunta saakin. Oo may something na ang dalawang ito. Walang forever. Ang haharot.

"Manunuod kayong dance battle ngayon?" Tumango na lamang sila

"tara na baka mahuli tayo!" -Jisung

Hinigit na nila ako papunta kung saan gaganapin ang event.

Lumabas na ang dalawang candidate na maglalaban for today. Nakita kong lumabas na si Ace at sigawan na ang mga fangirls nya at syempre isa na ako dun. Pagkatapos nun sumunod naman lumabas yung isang candidate. Nagsigawan lalo ang mga tao at tiningnan ko kung sino iyon.

M-minho???

Nagtama ang mga mata namin ni minho pero nakatingin lang sya saakin at walang emosyon. Ano bang problema neto? Hinayaan ko nalamang at nang magsimula na ang battle, halos lahat ay naghihiyawan na.

Round 1, Sinayaw nila yung 'That's what i like' ni bruno mars. Nang nagsimula nang ipatugtog ang kanta, nagsimula nang sumayaw si Ace, at dahil dun mas lalo akong na-aatract sa kanya. The way he dances with his flaws. Cheer lang ako ng cheer kay Ace. Mapapaos ata ako gawa nito hahaha. Habang nagchecheer nagtama nanaman ang mga mata namin ni minho at umiwas agad ako, ang sama ng tingin nya saakin. Bakit ba?

After Ace, it's Minho's turn, ang dami din nagchecheer na mga fangirls ni minho and here i am pinapanuod kung paano sya sumayaw. To be honest napawow ako kay minho hindi ko akalaing magaling pala sya sumayaw. Ang energetic nya sumayaw. Natapos ang first round at si Ace ang nanalo. Nakita kong mukhang bad mood si minho takte ano ba ang problema ng unggoy na 'to. Sa second round patuloy lang ako sa pagchecheer kay Ace at sa round na ito nanalo ulit si Ace at ito namang si Minho bad mood na talaga. Naninibago ako. Dahil ba hindi sya nanalo? Baliw talaga 'to.

Sa last round, sinayaw naman nila yung 'I like me better' and i was expecting na mananalo si Ace pero no. In the end, nanalo si Minho. Bakit ba ganun parin ang expression ng mukha nya? Nanalo na sya a? Bakit parang hindi pa sya masaya? Parang mas bad mood pa nga. Bahala ka dyan mukha kang ligaw na unngoy.

Natapos na ang dance battle at nakita ko si minho na nag-aayos ng gamit sa locker nya.

"Minho!" Takbo ko papunta dito. "Uy hindi mo naman sinabi sakin na ang galing mo pala sumayaw!" Patuloy lang sya sa pag aayos ng gamit. Wow ha, ano bang problema neto? Bakit hindi ba ito namamansin kanina pa? Okay naman kami nung umaga a?

"Bakit ka pa nandito? Hindi kita kailangan dito. Dun ka na sa Ace mo tutal mas magaling naman sya sumayaw para sayo kaysa saakin" Nag walk out sya at naiwan ako doon mag-isa.

Minho? Bakit ka ba nagkakaganito? Ano bang nagawa ko? Hindi ako sanay na ganito ka. Miss ko na agad kakulitan mo.

___________________

Okay parang ang clichè ata ng update. HAHAHA. :--(

Reasons to date me • Lee Know Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon