Chapter 3
Paasa. Paasa ka, Charles Aldridge. Akala ko pa naman, pagkatapos ng drama mo kahapon na 'don't give up on me', magbabago na ang pakikitungo mo sa akin. Paasa ka talaga.
"Good morning Charles!" bati ko nung nakita ko siya ngayong umaga. Malaki ang ngisi ko habang nakatingin ako sa kan'ya, hinihintay kong batiin niya ako pabalik. Pero hindi niya man lang ako pinasadahan ng tingin. Agad akong nangalumbaba pagkatapos no'n.
"Grabe, hindi mo pa rin siya tinitigilan, Kiss?" Napatingin ako sa nag-iisang kaklase ko sa loob ng classroom. Maaga kasi akong dumating dahil nga sabay kami ni Charles. Pero iba talaga kapag dito ko siya sa classroom binabati. Sa ngayon, isa lang ang nakakita sa akin na batiin siya.
"Hindi eh," sabi ko at ngumiti ng hilaw. Bakit ba siya nangingialam? Paki niya ba kung binabati ko lang naman si Charles? Bakit, ano bang mangyayari sa kan'ya kung babatiin ko si Charles? Wala 'di ba?
"Desidido ka talaga 'no? Ano ba ang kinukuhanan mo ng lakas para gawin 'tong mga bagay na 'to para sa kan'ya?" tanong niya na para bang close friend ko siya. Wala akong ka-close maliban na lamang kay Ruby at kay Charles. Bakit ba feeling close 'tong babaeng 'to?
"Bakit kaialngan kong sabihin sa'yo?" pagtataray ko.
"Grabe ka naman. Parang 'di naman tayo magkaklase. Ano ba kasi? Love na ba 'yang nararamdaman mo?" Nairita ako sa pang-aasar niya at dahil na rin sa matinis niyang boses.
"Pwede ba?" Tumayo na ako mula sa upuan ko at nag-walk out. Narinig ko pa ang pahabol niya bago ako makalabas ng pintuan, "Kaya pala walang lumalapit doon. Masungit."
Sa left side ng eskwelahan ako dumiretso dahil dito madalas tumambay ang mga estudyante. Pagkakita ko sa walang kabuhay-buhay na garden ay may naalala ako. Simula elementary, dito na ako sa eskwelahan na ito nag-aral. Matagal-tagal na rin pala. Pagdating ko ng college, mag-iiba na ako ng eskwelahan, at posible ring sa iba mag-aaral si Charles.
Hanggang kailan ko kaya siya kayang habulin? Hanggang kailan ko kaya siya susundan? Hanggang kailan kaya ako magpapapansin sa kan'ya?
Nakita ko ang puno kung saan kami unang nag-usap ni Charles. 'Yun 'yong time na hindi pa ako adopted at first time kong nakilala si Charles. Umaakyat kasi ako ng puno noon. Marunong ako since lumaki ako sa bahay-ampunan, eh mga wild pa naman 'yung mga bata doon. Pati ata fence naaakyat nila eh.
Tinawag niya ako nung nakita niya akong matutulog sana sa sanga. Hawak na niya 'yung backpack niya no'n. Uwian ata namin nun. Pinapababa niya ako. Baka daw mahulog ako. Sweet diba? Ako pa talaga ang iniisip niya. Pero nagkatotoo nga, nahulog ako mula sa puno. Nahulog ako sa kan'ya. Sinalo niya ako kaya parehas kaming nahulog.
Napabungisngis na lang ako habang inaalala 'yun. Tagal na rin pala.
Nakita ko 'yung puno. "Ikaw," turo ko sa puno, "Saksi ka sa unang pagkakakilala namin ni Charles. At sisiguraduhin kong ikaw rin ang saksi sa happy ending namin." Ngumisi ako at napatawa na lamang.
"Hala, baliw. Kinakausap 'yung puno." May narinig akong boses malapit sa akin. Hinanap ko 'yung boses pero 'di ko nakita. "Dito sa taas. Bulag," narinig kong humagikgik pa siya kaya inis na ako noong tumingin ako sa itaas ng puno. Nagtaka ako kasi wala namang akong nakita sa mga sanga ng puno. Niloloko ba ako nito?
Narinig ko na naman ang tawa niya at nakita ko siya sa likuran ng puno. Malaki kasi ang puno, kailangan ng tatlong tao para mayakap mo ito ng buong-buo. Kaya 'di na ako nagtaka nung 'di ko siya nakita kanina. "Sa tingin mo ba kaya kong umakyat ng puno?" Tumawa na naman siya.
"'Di ka marunong? Grabe, daig pa kita. Buti pa ako marunong," pagmamayabang ko. Kainis siya. Sino bang pinagtatawanan niya? Ako? Para bang inaasahan na niya na dapat alam kong 'di siya marunong umakyat.

BINABASA MO ANG
Chasing Heartaches
Подростковая литератураHow long will I chase and endure the heartaches he has given me? The rest of the story is on dreame! :)