Chapter 5
All this time, Charles was used to me following him around. 8 years ba naman. I needed something that would catch his attention, that would mean, I should have discipline. Let's see if this plan would work.
I should stop chasing him. 8 years ko na 'yon ginagawa. Anong resulta? Nothing. No progresses, no nothing. At ang unang plano ko ay, stop following him. Easy as pie, right? Wrong. Mahirap. Nakagawian ko na. Tingin ko nga hindi mabubuo ang araw ko kung hindi ko alam kung nasa'n siya eh. Pero I wanted to get his attention 'di ba? Would he notice? Or would he just simply be happy that I was not trailing behind him?
That day, hindi ako sumabay sa kanila ni Ruby papuntang school. Goal ko, dapat hindi ko siya makita, kahit isang beses, ngayong araw. Dapat hindi na rin ako masanay sa presence niya. Posible ba 'yon? I wouldn't know if I wouldn't try..
Tumawag si Ruby sa cellphone ko. Nauna kasi akong umalis kaysa sa kanila kaya siguradong nagtataka 'yun. Alam niya kasing lagi akong excited na ihahatid kami ni Charles papuntang school. Sabi ko, may kailangan kasi akong tapusin kaya I need to head to school earlier.
Sakto ring may dumaan na jeep kaya pinara ko at sumakay sa harap, tabi ng driver. After a few minutes driving, may sumakay rin na isa pang babae sa tabi ko. Biglang tumunog na naman ang cellphone ko. Sure enough it was Ruby again.
"Hello?" medyo inis kong bati.
"Ate, sure ka ba? Nandito pa rin kami sa bahay. Baka pwede ka naming sunduin kung nasaan ka man ngayon?" nag-aalalang sabi ni Ruby.
"Yes I'm sure. Don't worry, malakas 'tong si ate remember? Sige na, have fun with.. him na lang for me. Bye!" Agad kong binaba at bumuntong-hininga na lang. Nakakapanibago na para bang binibigay ko na si Charles sa kapatid ko by leaving them together. Ruby was used na kami ang lagi niyang iniiwan para kami ang magkasama. Hindi naman nagco-complain si Charles and I have no problem about it. Pero wala ring nangyayari between sa'min, kasi he will keep quiet and make himself busy, basta hindi lang niya ako makausap.
Nang makita kong papalapit na kami sa school, pumara na din ako agad. Bago pa 'ko makapwesto sa pagbaba, hinablot nung ateng katabi ko 'yung cellphone ko at agad itong itinakbo. "Oh my god, manong! 'Yung cellphone ko hinablot!" tarantang sabi ko.
"Anong gusto mong gawin ko miss? Driver ako, hindi runner. Sige na, bumaba ka na."
Inis! Ang sarap sipain ni manong driver! Napakasungit! Nakita kong hindi pa nakakalayo si ate dahil medyo mabagal kaya nais ko sanang habulin kaso may nakabungguan ako. Napapikit ako dahil sa pwersa at pagdilat ko, wala na 'yung ate sa paningin ko.
"Argh! Kainis naman oh!" Nag-iinarte lang ako doon. Natandaan ko namang may nakabungguan ako na may kasalanan kung bakit hindi ko nahabol 'yung magnanakaw.
"Kiss?" takang tanong niya. Na-recognize naman niya ako agad, "Anong nangyari sa'yo?"
Si Luke. Siya ang nakabungguan ko. Malas nga naman oh!
"'Yung cellphone ko nanakaw! Hahabulin ko na sana kaso humarang ka naman!" inis kong sabi.
"Hindi ko kasalanan 'yun. Ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo," sabi niya at tinaas pa ang dalawa niyang kamay. I groaned. Paano na 'to? Doon naka-save lahat ng contacts ng classmates pati relatives ko. Nando'n rin lahat ng stolen pictures ni Charles! Baka mamaya, tawagan pa ni Ruby ang cellphone na 'yon!
She'll worry if she finds out the phone was stolen! Baka kung ano-ano pa sabihin ng magnanakaw. Baka sabihing hostage nila ako at humingi pa ng ransom. Knowing Ruby, she'll believe everything she hears.
"Pa'no 'yan, Luke? Baka tumawag si Ruby doon!" natataranta kong sabi.
While I was panicking, he fished out his own cellphone and handed it to me. "Tawagan mo na siya. Ipaalam mo na agad. Tingin ko magfe-freak out rin siya kagaya mo 'pag iba ang narinig niyang sumagot sa phone mo."
BINABASA MO ANG
Chasing Heartaches
Novela JuvenilHow long will I chase and endure the heartaches he has given me? The rest of the story is on dreame! :)