Chapter 4
"Wait for me, Charles!" tawag ko sa kan'ya habang hawak-hawak ng mahigpit ang dala-dala kong bag. 'Di ko kasi nasuot ng maayos since nagmamadaling umalis si Charles. Ayoko namang maiwan ako kaya basta ko na lang kinuha.
Kanina pa dumudulas sa kamay ko ang bag pero hinahawakan ko pa rin ng mahigpit. Hindi ko namalayan na nahulog pala ang strap ng bag ko kaya natapakan ko ito at nadulas. Napadaing na lang ako dahil sa naramdamang sakit sa beywang ko.
Nakakainis. Tinatakasan ba ako ni Charles? Sana naman, kahit papaano, umayos na ang pakikitungo niya sa akin. Kahit hindi bilang friends, kahit bilang isang acquaintance lang. Nakakapagod kasi siyang habulin eh.
Papatayo na sana ako nang naramdaman kong may nakatayo sa likuran ko. "What are you doing?" Napalingon ako sa kan'ya habang gulat siyang tinitignan. Binalikan niya ako...
"S-sorry, I tripped and fell--" Napapikit na lang ako nang naramdaman kong binuhat niya ako.
"You're always falling down, always hurting yourself," he said grumpily. De ja vu. Pangalawang beses na niya akong binuhat ng ganito. At dahil 'yun sa pagkadapa ko. I think I do like falling down, lalo na't if he's there to save me in the end.
Papalabas na sana kami ng gate, kaso may humabol sa amin. "Teka, Charles!" Agad rin namang tumigil si Charles at sabay kaming tumingin sa babaeng kaklase namin na hingal na hingal. Inayos pa niya ang sarili niya at ngumiti ng matamis kay Charles bago magsalita.
"What?" iritado niyang tanong.
"Si Kiss kasi, kagrupo namin siya. Kailangan niyang tumulong sa reporting namin for tomorrow. Naramdaman ko ang matalim na titig ni Charles sa akin pero 'di ko siya kayang tignan. Lagot, magagalit na naman 'to sa akin. Ayaw niya kasing 'di ako gumagawa ng school requirements.
"Fine!" sagot ko at ibinaba na niya ako. Lumingon ako sa kan'ya at ngumuso. "Hintayin mo 'ko, Charles? Please?" Kumunot lang ang noo niya.
"Bilis Kiss. Para maaga tayong matapos," bulong ng kasama ko. Tinitigan ko siya ng masama. Kasalanan niya kung bakit 'di ko makakasama si Charles ngayong hapon. Pipikutin ko pa sana na bilhan ako ng ice cream at teddy bear. Aish.
Napaatras siya ng makitang seryoso akong naaasar sa kan'ya. Nauna na siyang maglakad habang ako naman ay nakasunod lang. Hindi ko na napansin kung nakasunod ba sa'min si Charles o hindi. Baka mamaya, umuwi na 'yun ng wala ako. Sinong maghahatid sa'kin pauwi?
***
"What?! Sa bahay niyo pa gagawin? Oh c'mon!" Mag-iisang oras na kami dito, halos wala pa ring nagagawa ang so-called kagrupo ko. At ngayon, naplanuhan pa nilang sa bahay na lang ng 'leader' gawin since magco-close na ang school.
"Kung tumulong ka kasi, Kiss, pwede? Hindi 'yung iniinsulto mo lang kami habang nakaupo ka diyan," inis na sabi ng isa ko namang kagrupo. Shucks, ako pa? Madali akong kausap.
"Gano'n ba? O tara sa bahay mo," sabi ko at tumingin sa leader.
Sa kasamaang palad, malayo pala ang bahay ng leader namin so natagalan pa kami. Pagkarating doon, agad kong kinuha ang laptop at nagkulong sa isa sa mga kwarto. 'Di na 'ko nagpaalam, dahil ako lang rin naman ang gagawa ng report namin, hayaan na nila ako. Kahiya naman kasi sa kanila eh.
Humiga ako sa kama at pasimpleng inamoy ang kwarto habang naka-focus pa rin sa laptop. Bakit amoy lalaki ang kwartong 'to? Eh babae ang leader ng grupo? Umiling na lang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
Palapit na akong matapos nang marinig kong bumukas ang pintuan. Pero hindi ito ang pintuan ng kwarto.. kundi pintuan ng banyo! Nanlaki ang mata ko nang makitang lumabas mula sa pintuan ang isang lalaking kakatapos lang maligo. Muntikan na akong mapasigaw kaya agad kong kinuha ang kumot ng sa may kama at tinakpan ang mata ko. Oh no! My oh so virgin eyes na dapat for Charles' only lang!
BINABASA MO ANG
Chasing Heartaches
Teen FictionHow long will I chase and endure the heartaches he has given me? The rest of the story is on dreame! :)