Chase 2

7.2K 213 42
                                        

Chapter 2

"Hi Charles! Kumusta ka na?" nakangiting bati ko nang nadatnan ko siya sa harapan ng bahay namin. Napatingin siya sa akin at nagkibit-balikat na lamang bilang sagot.

"Oh, Charles? Napaaga ka ata?" rinig kong sabi ni Ruby sa likuran ko. Paglingon ko, nakita kong nakabihis si Ruby ng pang-alis at dala-dala sa kanyang backpack ang laptop ko. Wait, laptop ko? Oh no! Puno ng stolen pictures ni Charles 'yon!

"Tara na?" aya ni Ruby at biglang nawala sa isipan ko 'yung pag-aalala na makita ni Charles ang stolen pics niya sa lappy ko. Agad kong hinarangan si Ruby bago pa niya makatabi si Charles.

"Sa'n kayo pupunta? Bakit 'di ako kasama?" pagmamatigas ko. Napabuntong-hininga si Ruby at hinawakan ang balikat ko. "Sandali lang kami ate. Kailangan ko lang siyang tulungan," sagot niya.

Napataas ang isa kong kilay. Tulungan? Saan? Groupwork? Project? Assignment? Eh sa pagkakaalam ko, kaming dalawa ni Charles ang magkaklase. Hindi namin kaklase si Ruby dahil one year older kami kaya anong gagawin nilang dalawa?

"This is our business. Stop poking your nose in ours and mind your own." Tinapunan ako ni Charles ng matatalim na titig. Agad naman akong napangiwi at tumabi upang makalabas na ng pintuan si Ruby. Kumaway pa muna si Ruby sa akin bago umalis ang kotse.

Bakit gano'n? Bakit sila magkasama? Wala naman sila sigurong gagawin 'di ba? Pinagkakatiwalaan ko naman si Ruby. Hinding-hindi niya 'to gagawin sa akin.

Sabagay, baka nga may kailangan lang talaga ng tulong ni Charles. Ayaw niya magpatulong sa akin since 'di naman kami close, nagfi-feeling close lang. Bago pa ako nanlumo ay may naisip akong ideya.

Kinuha ko ang phone ko at tinext si Ruby, tinanong ko kung anong oras sila uuwi. Buti naman at naka-reply siya agad. Mamayang 8-9 p.m. pa. Grabe, parang bumalik 'yung panlulumo ko kanina. Mula ngayong umaga, hanggang mamayang gabi ay magkasama sila? Ano kayang gagawin ng dalawang 'yun? Bakit kailangan gano'n katagal?

Pagkatapos maligo at magbihis ay lumabas ako ng bahay. Wala sila mommy at daddy ngayon, nagtatrabaho siguro kaya kami lang dapat dalawa ni Ruby. Pero since magkasama si Ruby at Charles, ako lang mag-isa ang naririto. Ayoko namang manatili sa bahay dahil mabilis akong mabagot, kaya dadaan akong SM.

Shopping with myself! Whee~

Pero mas masaya siguro kung may kasama kang lalaki, kaholding-hands mo, katawanan mo, tagabuhat ng mga pinamili mo. Agad akong nabadtrip dahil sa naisip ko. Grabe Kiss, hanga na ako sa'yo. Kayang-kaya mong badtrip-in ang sarili mo. Clap clap. Nice talent.

Napatigil ako sa harapan ng supermarket at doon ko naisip 'yung bagong idea. Ipagluluto ko na lang sila! Since 8 or 9 sila makakauwi, ipaghahanda ko na sila ng dinner! Nagmamadali akong pumasok sa loob ng supermarket at bumili ng mga ingredients. Halos abutin din ako ng dalawang oras dahil maraming tao ang namimili rin ngayon since weekend.

Mga 5 pm na ako nakauwi sa bahay at nagsimula na rin akong magluto. For 5 people ang ginawa kong dinner. Baka kasi umuwi ngayon sina mommy at daddy kasabay sila Ruby at Charles. At siguradong gutom na gutom rin sila pag-uwi at pagod na rin.

'Di ako mapakali habang nag-aantay sa living room. Dalawang oras akong nagluto. 8 o'clock na ngayon kaya hinihintay ko na lang silang magsidatingan. 'Di ko alam kung gaano ako katagal naghintay pero paggising ko ay 30 minutes 'till midnight na. Agad akong napatingin sa paligid at nagtaka dahil parang wala pa ring tao sa bahay.

Tumayo ako mula sa sofa at agad na pinainit lahat ng niluto ko. Tatlong oras na kasi kaya siguradong lumamig na siya. Nagsimula na akong mag-alala nang makita kong 12 midnight na. Bakit ang tagal nila umuwi? Akala ko ba hanggang 8 or 9 lang si Ruby at Charles?

Chasing HeartachesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon