Krystal's POV
Friday na ngayon at pagkapasok na pagkapasok mo palang sa room masasabi mo na parang nasa tindahan ka kasi ang ingay ingay nang mga estudyante at isa lang naman ang pinaguusapan at yun ay tungkol sa napapalapit na acquintance party.Well simula nung inanounce yun wala nang ibang bukambibig ang mga estudyante kundi tungkol sa ball, kung sino ang mga partner nila at kung ano ang susuotin.
Habang ako naman wala pa ding partner pano kasi nireject ko lahat na nagyaya saakin because I'm only waiting for one person to ask me out.
Umupo na ako sa pwesto ko. Kinalabit ako ni Rui kaya lumingon ako sa pwesto niya "Ano?" May ibinigay siya saakin na crumpled paper. At binigyan ko siya nang nagtatanong na tingin "Basahin mo"
Kaya binuksan ko ang crumpled paper at binasa ""Will you be my date?
My face heated up hindi ko aakalain na yayayain niya ako na maging kadate niya sa ball. I've been waiting for this moment kaya hindi na ako tatanggi pa.
"Your actually asking me out?"he looked at me and smile "what's wrong asking my girl bestfriend to a ball? It's not like na first time kitang inaya."
Binigyan ko siya nang pekeng ngiti at inilihis na ang aking atensyon sa harapan. Ano ka ba krystal syempre hanggang bestfriend kalang at wala yung pinagbago.
Atsaka hindi ito ang first time na kadate ka niya sa ball remember ikaw yung second choice niya last year kasi hindi pumayag ang babaeng una niyang niyaya.
May tumapik sa balikat ko kaya naman naputol ang pagisip isip ko "hoy ba't ka tulala?"tanong sakin ni aliah.
I just shrugged my shoulders at buti na lang at hindi na muli pang nagtanong si aliah baka pagnagkataon ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na namag-open up sakanya.
---
Dreb's POV
Pagkaupo ko palang sa upuan ko tinanong na ako kaagad ni rui kong sino ang kadate ko sa ball."I'll just ask a girl out there papayag naman sila eh"
"Eyy wala patutunguhan yan dreb, bakit hindi yayain mo si aliah para sama sama tayo you know the barkad goals." He said then wiggle his eyebrows.
Ngumiwi ako sa sinabi niya, anong kaekekan na naman ang iniisip nito. Ako yayain ang babaeng yon hah! wag nalang oy baka wala kaming gawin kundi ang mag away lang.
"Oy dreb ano na? "-Rui
"No thanks dre ayaw kong makapartner ang babaeng yun wala siyang ibang ginagawa kundi pasakitin ang ulo ko."
"Ang kj mo dre basta yayain mo si aliah kasi na yaya ko na si krystal baka naman wala pang partner ang isang yun edi lonely ang peg non."
Tumigil na kami sa pagusap kasi dumating na rin ang teacher namin. Pero kahit nagsasalita na si ma'am sa harapan ay lutang parin ang isip ko. Kung sakali kayang yayain ko si aliah papayag ba siya?
"Mr. Montenegro"
"Dreb dreb"
Knowing her siguro magiinarte pa yun pero aba ako na si Dreb Alistair Montenegro na ang nagyaya sakanya tatanggi pa siya.
'Mr. MONTENEGRO STAND UP!" nagulat ako nang tinawag ako ni maam.
"Yes ma'am? " paktay na ba't ba kasi ako natulala "I've been calling you three times already! Hindi ka ba nakikinig saakin. " napayuko ako at nagsorry nalang ky ma'am.
"Now go in front and solve number 3" tinignan ko ang problem sa board buti nalang at madali lang to. Pagkatapos kong magsolve bumalik na ako sa pwesto ko nakita ko pang ngumingisi si aliah psh, padabog akong umupo and this time nakinig na talaga ako mahirap na baka mabulyawan pa ako ulit.
Natapos na ang klase at tinawag ako ni ma'am kaya naman nauna na sina rui at naiwan naman ako. Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Ms. Wang ay lumabas na ako nang kwarto. And I suddenly overheard the conversation of some boys over the corner.
"Pre sinong kadate mo sa ball?"
"Yayayain ko nga sana si aliah yung transferee sa kabilang section."
"Ba't hindi mo yayain ngayon sa canteen ata siya ngayon."
I don't know why pero nakikita ko na lang ang sarili ko na naglalakad papunta sa pwesto nila.
"Oh dreb may kailangan ka? " tanong nung isa nong nahalata niya na nakalapit na ako sa puwesto niya. Pero binaliwala ko yung tanong niya at nilapitan ko yung lalakeng gustong umaya kay aliah.
"Pare mawalang galang lang ha pero partner ko na kasi si aliah eh mas mabuti siguro kong maghanap ka nalang nang iba."
Tinapik ko yung balikat niya at umalis na. Mahina kong tinatapik ang pisngi ko para makabalik ako sa katinuan, sinabi ko ba talaga yun epekto siguro to ng mga pinagsasabi ni rui hayst anong pumasok sa utak ko at sinabi ko yun ugh bahala na nga. Ginulo ko nalang ang buhok ko para mabawasbawasan ang inis ko sa sarili ko.
Dumeretso na ako sa canteen at umorder nang pagkain habang papalapit ako sa pwesto nila hindi ko mapigilan ang bumuntong hininga. Bago ako umupo tinignan ko muna siya and she seem to not care about my presence tss.
I coughed to get her attention at lahat naman sila napatingin na parang bang baliw ako but I didn't care I need to ask her ayaw kong mapahiya no. Ayaw kong isipin ng mga lalakeng yun na assuming ako kaya tototohanin ko nalang.
I look straight in her eyes "Hey you'll be my partner at the ball" tinaas niya ang kilay niya "And why would I be?" humagalpak naman kakatawa si Rui kaya sinamaan ko siya nang tingin at agad rin naman niyang isinara ang bibig niya.
"Because I'm the one who asked you out." I said confidently aba swerte nga niya at ako ang nagyaya sakanya. Pero mas lalo lang akong nainis kasi tinawanan niya lang ako.
"What makes you think na papayag ako just because your the one who ask me out. Tandaan mo dreb I am not like the other girls out there who are willing to be your partner. I rather attend the party alone."
Sobra na tong babaeng to ah magsasalita na ako sana nang maunahan ako ni krystal "Hep hep tigil na okay baka magaway na naman kayo. Atsaka lia bakit hindi nalang kaya si dreb ang maging kapartner mo tutal wala ka pang partner diba? Pagbigyan mo na si dreb."
Lihim akong napangiti sa sinabi ni krystal mukha kasing kinakampihan niya ako hahaha sige pilitin mo pa siya krys. But aliah seems to ignore lahat nang sinasabi ni krystal.
Then all of a sudden bigla nalang pumalakpak si rui kaya lahat kami nasa kanya ang atensyon.
"May naisip ako bakit hindi nalang kayo gumawa nang bet at kung sino ang mananalo siya ang masusunod. Diba may test tayo mamaya sa science kung sino ang may pinakamataas na score siya ang tatanghalin na panalo oh ano deal? "-Rui
"Deal"

BINABASA MO ANG
Unexpectedly Inlove with the Gangster
Teen FictionDreb Alistair Montenegro's life is the type that every boy would wish to have. A loving family, a handsome face, a smart mind and have a lot of money to burn. Not until she meet Aliah Peridot Finsdottir the girl that turn his world upside down and...