Kabanata 1

41 3 14
                                    

Every great dream begins with a dreamer. Always remember, you have within you the strength, the patience, and the passion to reach for the stars to change the world.

Althea POV

"Althea! Bumangon kana akala ko ba mag a-apply ka sa isang hospital? Eleven o'clock na."

Napabangon ako sa wala sa oras nang marinig ko kung anong oras na ngayon. Napatingin ako sa orasan na nakakabit sa dingding nang kwarto ko. At nanlaki ang mata ko nang alas onse na nang umaga kaya naman napa bangon na ako ka agad.

Jusko! Napa sarap ang tulog ko, hindi ko alam na mag a-apply pala ako sa bagong hospital dito.

Ako nga pala si Althea Rhee 21 years old naka graduated nako nang college at balak ko mag doctor bata palang ako gusto kona mag doctor, lumaki ako sa mama at lola ko dahil ang papa ko 7 years old palang ako nag hanap na nang iba. Nag tataka kayo kung bakit ang aga ko naman mag hanap nang trabaho. Sakin nalang kasi umaasa ang mama at lola ko kahit gusto kopa mag enjoy ang pagiging dalaga ko hindi kona siguro magagawa dahil ang priority ko ay ang maangat sa hirap ang mama at lola ko.

Kaunting suklay at retouch lang ayos na to. Hindi naman ako masyadong mahilig mag make up, kung hindi nga lang ako mag a-apply eh baka na jogging pants ako lumabas.

"Oh anak! Hindi ka man lang ba kakain muna nang tanghalian?" Tanong ni mama habang inaayos ang mga ulam na paninda.


May maliit kasi kaming karenderya ito ang dahilan kaya ako nakapag tapos nang pag-aaral. Kaya laking pasasalamat ko na sila ang nakasama ko buong buhay ko at hindi ang papa ko.

"Hindi na po mama. Malayo ang hospital na pag a-aapalayan ko mula dito satin kaya kelangan kona po mag madali." Sabi ko at nag mano kila mama at lola.

"Sige apo, mag iingat ka ha? Wag mag papagabi. Tumawag ka agad kapag may problema ka. Lumaban ka kapag may nambastos sayo, tapos yung tinuro kong teknik kapag may balak na mang holdap sa iyo. Wag mong kakalimutan yun." Bilin ni lola.

Natawa ako bahagya.. araw araw syang ganyang kapag aalis ako haha.

"Lola talaga. Opo hindi ko po kakalimutan yun. Alis napo ako." Paalam ko.

Lumabas na ako nang bahay at nag lakad papuntang sakayan ng jeep.

Sana naman tulungan ako ni lord na matanggap sa trabahong to. Dahil karamihan nang gustong mag doctor ay napupunta sa pagiging nurse, sana naman hindi mangyari sakin iyon dahil kung ganon sayang naman ang mga pinag aralan ko.

Pumara na ako nang jeep at sumakay. Dinukot ko ang pambayad ko at nag bayad at sinabi ko kung saan ako bababa.

Althea Rhee! Kaya mo ito. Fighting!

---

Mahigit 50 minutes ako nakaupo sa jeep kanina. Jusko ganito pala kalayo itong GhangKook Medical Center. Pero hindi ko maiwasan ang ma amaze ang ganda at ang laki nang hospital na ito at ang mga glass door hindi muna itutulak dahil automatic sya nag bubukas kapag may taong lalabas o papasok. Geez nagiging ignorant nako nito eh.

Huminga ako nang malalim at pumasok na sa loob, at lalo akong namangha dahil ang laki laki at ang ganda nga nang hospital na ito. At mas lalo akong mamangha kung matatanggap ako dito.

"Good afternoon miss. Ano pong kelangan nila?" Napatingin ako sa isang babae na nasa nurse station siguro isa sya sa nurse o doctor.

"Nabasa ko po kasi sa dyaryo at social media na nangangailangan kayo nang trainee for neurosurgeon. Willing po ako mag apply." Nakangiting sabi ko at inabot sa kanya ang mga documents na kelangan nila.

Back In TimeWhere stories live. Discover now