Chapter two

11 0 0
                                    

"Teka po King Lazarus, sino po ang makakasama ko sa misyon?"


Imposibleng si Rhy sabi niya sakin may iba siyang misyon eh.


"Magandang tanong Gwen." 


Biglang bumukas ang pinto at niluwa nun si Prince Aron.



"*Gulp* parang alam ko na kapalaran ko ah.."  bulong ko sa sarili



"Ang anak kong si Aron ang sasama sayo Gwen. Maasahan mo sya dahil magkaiba kayo ng element na hawak ay siguradong magiging maganda ang kalalabasan ng misyon"


"S-sgurado po ba k-kayo?" Jusko. Ang alam ko ay first time niya palang pupunta dun, wala pa siyang alam sa mundo ng mga tao, ano mangyayari samin?



"Ayaw mo ba ako makasama?" Rinig kong tanong ni Prince Aron.



Saglit lang nakakatunaw yung tingin.



"Humayo na kayo at ang anak ko na ang magpapaliwanag sayo."



"A-ah A-aron" ano ba tong binigay sakin ni King Lazarus sa lahat naman ng pwedeng maging partner sa misyon na to anak pa niya. 



"Maghanda kana mamaya, bukas na tayo aalis."



"HA? Bukas agad?! Saglit lang paano ang academia may aktibidad kami bukas hindi ako pwedeng wala dun."



"Pinaalam na kita sa iyong guro. Kailangan na natin matapos agad ang misyon dahil sa ngayon nasa dalawamput tatlo na ang nakikitang bangkay sa mundo ng mga tao"


Naiintindihan ko pero saglit, san naman kami titira dun. Wala kami pera.


"Tungkol pala sa ti-" 


"Meron na dun, pinaghanda na tayo ni Willo." putol niya sa tanong ko.


Tumango nalang ako bilang pag sang ayon. 



***

Anong klaseng bampira kaya ang nanduon?


"Gwenyyyyyy!!!" napabalikwas naman ako sa kinauupuan ko. 


Jusmiyo tong uno na to manggugulo na naman.


"Gweny san ka pupunta bakit nag iimpake ka?" Sabi nya sabay hinalungkat mga damit ko. 


"May misyon ako uno, wag ka magulo baka gawin kitang abo dyan." Bigla ay napunta na sya sa kabilang gilid ko at umupo. 


Ayan, ang ability nya ay speed. Wala syang element kasi wala din naman ang mga magulang nya na yun. Sa pamilya nila panay ability lang.


"Gweny pwede ba ako sumama?" sabay pout.


"HINDI." diin ko. 


"Bakit namaaaan waaaa--" tinakpan ko naman agad bibig niya.


"Isa pang salita mo susunugin ko bibig mo." banta ko sa napakaingay na batang to.


"Makinig ka uno, kasama ko si Prince Aaron, gusto mong ipalunod kita?" Napataas naman ang muka nya at agad inalis ang kamay ko.


"Bakit si prince Aaron kasama mo gweny! Di pwede! Akin ka lang eh.. dapat si Rhy lang kasama mo kasi may tiwala ako sa kanya!"

Napakamot nalang ako ng ulo sa kanya. Kung hindi ka lang taga Gwynona sinunog na kita.


"Uno nagbabalak na siyang sunugin ka tumakbo ka na" biglang pasok ni Carl sa usapan.


Si Carl at Uno ay magkapatid at galing sa pamilyang may ability power. Wala silang element.


"Hmf bahala ka Gweny!" at nagmukmok sa isang tabi.


"Umuwi na tayo uno, hinahanap ka na ni mama" sabi ni carlos kay uno. Naka tungo lang sa isang gilid at nabulong bulong.


'Isip bata' isip ko.


"Ayan nasabihan ka tuloy na isip bata ni gwen tara na kasi" sabi niya at hinatak si Uno palayo sa sulok.


Mag iimpake na nga ako at kailangan maihanda na lahat.


"Teka san na yung suit ko?" andito lang yun kanina sa may higaan ah. San ko nalapag yun?


"Wala naman?" tiningnan ko na sa may kwarto, sa sofa sa library.. wala?


"Yung pang fire element?" tanong ni Carl.


"Oo, nakita mo ba?" pagtingin ko sakanya wala na si Uno baka umuwi na?


"Eh... Gwen..."


"Oh ano, nakita mo na ba?" tiningnan ko na sa lahat eh. 


"Dala ni.. Uno."


Napatigil naman ako sa paghahanap sa narinig ko. 


Dala. Ni. UNO?


Agad agad nag init ang dugo ko. Umakyat hanggang ulo. 


Ano daw? Dala nang impakto nyang kapatid ang suit ko? 


Tama ba narinig ko?


"UNOOOOOOO!!!"

I AM FIREWhere stories live. Discover now