"Bakit hindi ko agad naramdaman ang prisensya ng taksil na kawal? Paano ang hari!"
"Mahal na Prinsipe, huminahon kayo may magagawa tayo."
"Mayruon nga ba tayong magagawa? Sa ngayon ang alam ko lang nasa panganib ang Gwynona.."
Ingay.
Nagising ako sa mahimbing na tulog dahil sa ingay. Ang sakit ng ulo't katawan ko. Tiningnan ko ang paligid. Puro blue. Saan ako? "Hindi ko to kwarto.." bulong ko habang bumabangon. "Ah!"
"Lady Gwen!" sigaw ng di ko malamang boses.
Ang sakit ng binti ko, hindi ako makatayo. Hinawakan ko ang binti ko at tinanggal ang bendang nakabalot. Sariwang dugo ang lumabas at hindi lang basta sugat kundi dugo at maduming bagay.
"Gwen, hwag ka muna tumayo dahil matindi ang natamo mong galos sa binti. Kailangan mo magpahinga.." mahinahong paliwanag sakin ni Prince Aron.
"Nasan ako? At.. bakit may sugat ako?"
Hindi siya sumagot, sa halip tiningnan niya ang kanyang kasamang lalaki at syaka muling tumingin saakin.
"Lady Gwen, hindi niyo ba natatandaan ang mga nangyari?" takhang tanong sakin ng lalaking kasama ni Prince Aron. Matangkad siya at kalbo, malaki ang pangangatawan at may hawak na patalim.
Patalim?
"Ang ulo ko.. Ang sakit ng-- Ahh!" ang sakit ng ulo ko anong nangyayari saakin? Bakit sobrang sakit ng ulo ko parang sasabog. Unti unti biglang may lumalabas na imahe sa utak ko pero bakit kada bumabalik lalong sumasakit? "Ahhhh"
"Willo ang ritual!"
"Corporis dolores dominae relinquunt Gwen!"
----
Willo's POV
Nakatulog ulit si Lady Gwen pagkatapos ng Ritwal. Hanggang ngayon ay matindi pa rin ang sakit na iniinda niya.
"Willo hanggang kailan niya kaya malilimutan ang lahat?" tanong ng mahal na Prinsipe.
Tumahimik lang ako at inalala kung san nagsimula ang lahat ng ito. Imposible na dahil kay Wena Ryu kaya siya nakakalimot ng lahat.
"Prinsipe huwag kayong mag alala dahil alam naman natin na matatandaan at matatandaan niya rin ang kanyang nakaraan at alam kong hindi na iyon magtatagal." tumango naman ang Prinsipe bilang tugon.
Ako si Willo Nam. Ang tagapaglingkod ni Prince Aron. Mahigit 20 years na ako andito sa mundo ng mga tao, pabalik balik. Anong misyon? Ang hanapin at ibalik sa Elementum ang mga bampirang galing Gyiratha na pumapatay at kumain ng tao.
Simula nang mamatay ay ama ni King Lazarus, naging patakaran na ng Gwynona na walang kakain ng dugo ng tao at ng tao mismo. Kung kami ay nagugutom, hayop ang aming kakainin o pwede ring wine. Oo alam ko ang wine. Sa loob ng 20 years marami ako natutunan sa mundong ito. Tulad ng Ingles, mga salitang kanto, kpop, baril, internet at teknolohiya.
"Maghahanap lang ako ng maiinom." paalam ng Prinsipe at syaka lumabas.
Isa akong level Z vampire. Extraordinary. Mayruon akong kakayahan na bumasa ng emosyon, ng sunod na galaw, at nang utak. Kaya ko rin makipag usap gamit ang utak at iparating sa kung kanino ko gusto iparating. Pero syempre hindi ko kaya makalaban kung ganon lang ang aking kapangyarihan. Tinuruan ako sa Z Academia kung paano lumaban gamit ang kapangyarihan na ito.
Kaya ko ang pumatay ng nilalang kahit magkalayo kami, basta't isipin ko lang siya at makapasok ako sa utak niya kaya ko siya patayin. Mahirap ipaliwanag ang kakayahang meron ako pero pag natutunan mo na ito gamitin, sobrang saya. Pero syempre tulad nga ng mga quote sa mundo ng mga tao "Sometimes being happy is dangerous."
"Flamma--!!"
Napabalikwas ako at napatakbo agad ng marinig si Lady Gwen. "Huwag mo sunugin ang bahay ko!!"
YOU ARE READING
I AM FIRE
FantasyFour Kingdoms One Prophecy Who will be the 'one' to rule the World of Elementum?