Chapter Five

7 0 0
                                    

GWEN'S POV





Muntik ko na masunog yung bahay ni Willo kahapon pag gising ko. Hay. Nanaganip kasi ako na kalaban ko na mga bampira eh, buti napigilan niya ako. At buti natatandaan ko na din kung sino siya at ano nangyari saamin ni Prince Aron sa may portal.








"Gwen kumain kana kanina ka pa nag iisip diyan.." tawag sakin ni Prince Aron.





Di ako kinikilig.





Shh.





Bawal kiligin.








"Mauna na kayo Prince Aron, susunod nalamang ako." sagot ko naman at bumalik ulit ng tingin sa may bintana kung saan kitang kita ko ang mga mapapayapang nilalang na naglalakad at nagsasaya. Sana palaging ganito dito..





By the way, kumakain sila ng laman ng kabayo. Kanina pa nila pinagpepiyestahan yan dalawa. Ayoko makihati kasi alam ko sila ang may kailangan ng lakas sa ngayon, pwede naman na maghanap nalang ako mamaya.





"Lady Gwen ano ang iyong iniisi-- AAH!"








"Anong nangyari?"








Nakarinig kami ng malakas na kalabog sa pintuan at hindi lang basta kalabog, parang isang malaking bato na humampas sa pintuan ng bahay ni Willo.





"SINO ANG NANDIYAN?!" sigaw ni Prince Aron habang naka dipensa ang kamay at naglalakad palapit sa may pintuan.








"Prinsipe mag iingat kayo baka sila'y taga Gyiratha!" sambit ni Willo at hinatak ako patago sa may isang silid nang makarinig kami ng..





"GWENNYYYYYY!!!"





Kilala ko ang boses na yun?





"Saglit lang Willo kilala ko yung boses na yun!" at dali dali ako tumakbo papunta sa pintuan.





"Gwen!" pag tutol ng prinsipe sa gagawin ko pero huli na dahil binuksan ko na ang pintuan. Tama ako! Si uno! Kasama si Carl at isang lalaking may puting buhok.





"GWENYYYYYYY!!!" sigaw ni Uno. Lumapit siya sakin at niyakap ako.





"Prinsipe patawad at nakagawa kami ng malakas ng ingay." at yumuko si Carl paghingi ng tawad at pagrespeto na rin sa Prinsipe.





"Hindi niyo na kailangan gawin yan. Wala tayo sa Elementum." sambit naman ni Prince Aron at naglakad papunta sa may upuan.





"Umupo muna kayo, mukang napagod kayo sa inyong paglalakbay. Ano ang nangyari sainyo at may mga galos kayo?" sabi ni Willo sakanila habang iginigaya sila sa upuan.





"May pagkain!" sigaw naman ni Uno at agad nakarating sa may lamesa at nilamutak ang mga dugo at laman ng kabayo na kanina pa kinakain ng Prinsipe.





"Uno magdahan dahan ka hindi iyo ang pagkain na yan!" sigaw ni Carl at kumamot nalang ng ulo sa hiya dahil sa pagiging isip bata ng kanyang kapatid.





"Mahabang kuwento Willo." sambit nung lalaking may puting buhok habang nagtatanggal ng kanyang sapatos.








"Ilahad niyo." sambit ng Prinisipe.








Natawa naman ako sa isip ko nang biglang napataas ang ulo at nataranta ang lalaking kasama nila at nilahad nga ang nangyari.





"Ginamit ni Carl ang Mind Reading Ability niya. Hindi ko alam na kaya pala niya tuntunin ang lokasyon ng isang nilalang sa pag iisip lamang?" sagot nung lalaking kasama nila. Ano kayang pangalan niya?








"Shizar ang pangalan ng kasama namin Gwen." sabi ni Carl at naglakad lakad sa bahay ni Willo. "Pag alis niyo ng Elementum, sumugod ang Kaharian ng Gyiratha. "








"Kasama ang kaharian ng Gojar." biglang sabat ni Willo sa usapan. Malamang ay habang nananahimik siya ay binabasa niya na ang nasa utak ni Carl.





"Mukang ang pagtahimik ng Kahiran ng Gojar ay isang senyales ng paghahanda para wasakin ang Kaharian ng Gwynona." biglang salita nung Shizar na kasama nila. Isang matangkad na lalaki na nasa mga 40s na. Puti ang buhok at maraming tattoo sa katawan.





"Ang huli naming nakita ay ang kalaban ni King Lazarus si Bache at Rudius. Pagkatapos ay naglabas ng maraming portal ang Elementum at may mga lumalabas na iba't ibang uri ng nilalang. Mga halimaw." salaysay naman ni Uno habang pinupunasan ang bibig.





"Paano kayo nakalabas?" tanong ko. Hindi pa din ako makapaniwala. Hindi ko iniisip na sasapi ang Guno sa Gyiratha.





"Daan daang portal ang nagbukas at lahat ay naglalabas ng halimaw. Isa lang nakita namin na hindi. Kaya agad kami pumasok at habang hawak ako ni Uno, nakita namin tong lalaking to. Nagpapadulas sa yelo." at tinuro ni Carl si Shizar.





Tiningnan ko ang Prinsipe. Walang reaksyon. Tahimik lang siya at hindi nagsasalita. Ano kaya ang kanyang iniisip?





"Lady Gwen.." sabay hinawakan ako ni Willo sa balikat at tumango. Pero hindi ko alam ang ibig sabihin ng kanyang pagtango? Bakit ako ang kino-comfort niya? Hindi ba dapat ang Prinsipe?





Nagulat naman kami bigla ng tumayo si Prince Aron at dumiretso palabas ng pintuan.





"Prince Aron, saan kayo tutungo?" tanong ko at hinawakan ang kanyang pulso. Tiningnan naman niya ako sa mata at hinila palabas.





"Gwen makinig ka." at hinawak ng dalawa niyang kamay ang mukha ko. Bakit hindi ako natatakot? Bakit hindi ako nahihiya? Bakit parang sanay ako? Bakit parang nangyari na to?








"Hahanapin ko na ang mga bampira taga Gyiratha. Gusto kong manatili ka dito kasama sila" sambit niya habang nakatitig sa mata ko. Tinititigan ko ang mata niya at bakit iba ang nararamdaman ko. Matagal ko nang gusto ang Prinsipe pero bakit parang ngayon ko lang napansin na parang may gusto din siya sakin?





Bakit ngayon ko naiisip ang mga bagay na to?





"Gwen?" sabi niya at bumitaw sa mukha ko. "Patawad kung tinakot kita." tumalikod siya at akmang lalakad nang hawakan ko ang braso niya.








"Gusto kitang samahan.. Paki usap." hindi ko siya pwede hayaan mag isa. Misyon namin tong dalawa.





"Hindi mo ako pwede samahan..." at syaka tinaas ang kanyang kanang kamay na para bang nagbibigay pahintulot sa kung sino man. At naramdaman ko na bumigat ang mata ko at dumilim.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I AM FIREWhere stories live. Discover now