Balitang-balita sa buong Unibersidad ng Maynila ang pagkawala ng isang estudyante na agad pinaalam sa mga awtoridad. Ang prinsipal ng unibersidad ay nagbigay ng kanyang pahayag sa nangyari. Gayon din ang mayor ng buong Maynila."Magandang umaga sa inyong lahat para sa lahat ng nanood. Ako po si prinsipal Arnold Santos III. Aking pinapaalam sa mga magulang na bantayan ang inyong mga anak. Dahil ipinaalam sa akin na nawawala ang isa sa mga estudyante ng aming unibersidad na si"
Ika 8 ng Nobyembre. Naka bukas ang telebisyon at nanonood si Unice at ang anak nito na si Lei. Bumaba si Vins papunta sa kusina para kumuha ng isang piraso ng pancake at isinawsaw sa honey. Hindi niya na malayan na talsikan siya ng gatas ng kapatid niya sa mukha. Nagpaalam siya kay Unice at tinawag siya pabalik.
"Vins! Gusto mo bang si Veil ang maghatid sa iyo?"
"Hindi na kailangan, Ma. Gagamitin ko nalang yung bisikleta ko. At nasa negosyo si Veil."
"O, sige. Ingat ka."
Bumulong si Unice kay Lei at tinanong kung nakita niya yung gatas sa may bandang labi ni Vins. Tumingin siya sa mata ni Unice at bigla nalang silang nagtawanan.
Bago umalis si Vins kinuha niya muna sa garahe ang kanyang bisikleta. Ng siya'y paalis na nakita niyang papasok na rin sa unibersidad si Louvelle na may bitbit na labing isang libro. Kaya imbis na mag bisikleta si Vins ay tinulungan nalang niya si Louvelle sa pagbubuhat ng libro. Napansin ni Vins na napakarami ng dala ni Louvelle ng libro kaya tinanong nito.
"Louvelle ang dami naman ng librong ito. Di ba hanggang limang libro lang pwedeng hiramin sa silid-aklatan?"
Sumagot si Louvelle na pinayagan siya ng librarian na humiram ng maraming libro at para daw ito sa klase niya sa kasaysayan. Tumango nalang si Vins pero napansin niyang iba't ibang klase ng lugar ang pabalat ng mga libro. Nagtaka at napaisip si Vins marahil hindi niya nakitang nagkaroon ng interes si Louvelle sa ganoon bagay noon.
Napapaisip ako kung bakit walang nabanggit sa akin si Louvelle sa mga ganitong bagay. May binabalak ba itong babaeng ito?
Sandali lang. Ano ba yung nasa labi ni Vins? Gatas ba yun? Tumingin ako kay Vins at nakita ko ngang may gatas ito sa kanyang labi. Pero imbis na sabihin ko sa kanya ay bigla nalang akong natawa sa pagmumukha niya.
Napakunot noo si Vins kay Louvelle. Dahil sa pinagtatawanan siya nito ng walang dahilan.
"Hoy! Louvelle na babaliw ka na ata? Tumatawa ka nalang bigla."
"Hahahahaha" tumawa nalang ng tumawa si Louvelle pero di niya napansin na iniwan na ni Vins ang mga libro niya sa bangketa.
Tinawag ko yung pangalan ni Vins. Nang ako'y lumingon hindi ko siya nakita kahit ang kanyang anino ay aking hindi nakita. Pero ang aking nakita nalang ay ang mga libro ko sa bangketa. Hindi ko alam ang aking masasabi dahil ako ay parang magagalit na matatawa sa kanya. Hindi naman lang niya na malayan na may gatas siya sa may labi.
Sa kabilang banda kay Vins ay nauna siyang pumasok sa kanilang paaralan at pinagtitinginan siya ng mga kapwa niya kamag-aral doon. Hanggang sa si Christian na ang unang nagsalita.
"Hoy! Vins mukhang may hangover ka pa kagabi ah."
Biglang nagtaka si Vins sa narinig niya kay Christian pero dahil kilala naman niya ito kaya hinayaan nalang niya. Kinantyawan pa ng tropa ni Christian si Vins kaya nung lumalakas na ang ingay sa pasilyo. Biglang may dumaan sa gitna nila. Napatigil ang lahat sa kaingayan nila pero nagpatuloy ito dahil kay King, isa sa mga tropa ni Christian.
Sa inaasahang pangyayari, kapag dumadaan ang grupo ng mga babae na naglalaro ng volleyball. Tinawag nila sa grupo nila ay ang Catties6 o sa pinaikli ay C6S. Sa tuwing dumadaan sila sa pasilyo ay parang bumabagal ang kanilang lakad, pagtalbog ng buhok at sa pagpikit ng kanilang mga mata. Pero para sa iba, tao lang din sila kagaya natin.
BINABASA MO ANG
MANHID
Mystery / ThrillerBakit sa huli palagi ang pagsisisi? Kasalanan bang maging manhid? Kasalanan bang natakot magmahal muli? Ilan lang iyan sa mga katanungan na aking naiiuwi matapos ang aking paglalakabay. Kasalanan na rin pala na ang maging manhid kaya kung ako sa i...