Bawat kuwento ay may kaniya-kaniyang pananaw, paniniwala at paraan kung paano mo ito maiitindihan. Pero kapag ang katotohanan na ang pinaguusapan mag-ingat ka na sa bawat salita na iyong sinasabi at sinusulat.
'Sa mga sandaling ito, kinabahan na ako ng todo. Para bang tumigil ang ilang segundo ng aking buhay sa mga oras na ito. Habang nababasa ko ang bawat salita na nakamarka ng highlighter sa librong ito ay palalim na ng palalim ang mga kahulugan ng mga salitang ginamit dito.
Pero sa kabila ng mga salita na nakasaad sa libro ay naroon pa rin ang saya at galak ng ating pagkakaibigan. Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan sa tuwing kasama at nakikita mo ako. Kasi para sa akin mga normal na gawain lang iyon ng isang Louvelle Verion.
Sa kabila ng mga salitang nakamarka, ang pinakahuling pangungusap ang pinakatumatak sa aking isipan. Ang pangungusap na iyon ay ang "Sana'y sundan mo ako". Isang simpleng pangungusap na nais mong may gawin ako. Na tahimik nalang ako at nagisip ng malalim.'
Unang Sulat ni VINS
Nakayuko sa mga oras na iyon si Vins na may na alala siyang tao.
'Sandali! Kamusta na kaya si Klaire? Agad-agad kong kinuha ang aking cellphone at sinubukan kong magbigay ng mensahe sa kanya pero wala pa rin siyang sagot. Kaya sinubukan kong tawagan siya pero wala pa ring sumasagot. Kaya nag bakasakali akong puntahan siya sa kaniyang tahanan.
Naglakad lamang ako papunta sa bahay nila Klaire. Sinubukan kong kumatok sa kanilang pintuan pero pagkakatok ko ay nagbukas ang kanilang pintuan dahil sa puwersa ng aking pagkakatok. Isinigaw ko ang pangalan ni Klaire pero walang sumagot tapos may naramdaman akong humawak sa aking paa. Pagkatingin ko isang kamay ng tao napasigaw ako ng "Wahhh!" pero nung pinagmasdan ko si Klaire pala iyon at kamay niya ang aking nakita. Sa mga oras na iyon wala siyang malay at may ilang galos siya sa kanyang katawan. Kaya ang ginawa ko ay binuhat ko siya sa kanilang sopa at hinintay umuwi si tita Ching.'
'Nagising nalang ako sa sopa ng aming tahanan at nakita ko si Vins nakaupo sa maliit naming sopa. Sinubukan kong tumayo kaso masakit talaga ang buong katawan ko.
Nung nakita ako ni Vins na sinubukang tumayo ay tumakbo siya papunta sa akin at sinabihan akong huwag muna tumayo at magpahinga muna dahil parating na si nanay Ching. Tinawag ko pangalan ni Vins at tinanong kung anong nangyari sa akin.'
"Vins!"
"Po?"
"Alam mo ba ang nangyari sa akin?"
"Hindi ko alam. Nakita nalang kita sa sahig niyo sa tapat ng hagdan at may kaunting galos. Wala ka bang naaalalang kahit ano?"
"Pasensya na pero wala eh."
'Ang sakit ng ulo ko sa pagbabalik tanaw sa nangyari sa akin. Labis ang aking pagtataka sa mga nangyari sa akin.'
Nagbukas ang pintuan ng tahanan nila Klaire at nakita ni Vins si nanay Ching. Nagmano siya at kinamusta si nanay Ching.
"Kamusta po kayo tita? Ginamot ko na po si Klaire sa mga tinamo niyang mga galos sa kanyang katawan."
'Habang pinagmamasdan ko sila ay labis ang pag aalala ni tita Ching kay Klaire. Naluluha ito at hinihimas ang ulo ni Klaire. Sinabihan ni Klaire ang nanay niya na siya ay nasa maganda kondisyon at ayos lang talaga siya. Pahabol pa nito na sugat lang naman iyan ay gagaling din naman. Ngumiti si tita Ching at hinalikan si Klaire sa noo. Ako naman ay umupo ulit sa sopa nila.'
Pumunta sa kusina si Ching upang maghanda ng pagkain nila ni Klaire. Matapos ang ilang minuto ay tumayo si Vins at lumapit kay Klaire.
"Klaire! Pagaling ka ah. Kailangan ko ng umuwi anong oras na kasi baka pagalitan pa ako nila mama."
BINABASA MO ANG
MANHID
Mystery / ThrillerBakit sa huli palagi ang pagsisisi? Kasalanan bang maging manhid? Kasalanan bang natakot magmahal muli? Ilan lang iyan sa mga katanungan na aking naiiuwi matapos ang aking paglalakabay. Kasalanan na rin pala na ang maging manhid kaya kung ako sa i...