-
Casxyla's POV"Did you know that..."pabitin Kong sabi sakanila. May maganda akong ibabalita at talagang magugulat sila.
"That si Casxy ay panget?" pagdagdag ni Daezi sa sinabi ko.
"Hahaha, Daezi. You're so funny talaga! Hahaha" pangagaya ko sa boses ni Kris Aquino. Tss, di naman nakakatuwa joke nya eh.
Bigla namang tinapat sakin ni Daezi ang isang kamay niya para makipag-apir. Parang sinasabi na apir tayo dyan!
"Sa tingin mo ba nakakatuwa 'yung joke mo. Nakakatawa 'yun? Siraulo" pagdagdag ko naman sa sinabi ko.
Bigla namang nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan ng di mawaring ekspresyon. Tss, serves him right.
"Hmp, ano ba kasi 'yung magandang balita mo" sabi ni Daezi na animo'y nagtatampo. Hmp, angkyut niya!
"Hehe, so eto na nga. Naalala ko na yung first love ko na kababata ko dati at kaklase natin siya!" full excitement kong sabi.
Nung napatingin ako sa mga ekspresyon nila ay parang bored na bored sila at wala man lang bahid ng gulat ang mga mukha nila.
"Eh ano namang pakialam namin sa lovelife mo?" sabi ni Eli
"Tama. Tama" pangungunsinti ni Daezi
"Atsaka, lampo my friend. Always remember that" paggatong ni Eliya
"Eeeehh! Bad niyo, sumbong ko kayo sa mommy ko! Bad!" pagtatampo ko
"Tigilan mo nga 'yan Casxy, ang sagwa. Panget tignan" sabi naman ulit ni Eli
"Alam mo Eli, minsan napapaisip ako kung bestfriend ba talaga kita"
"The feeling is mutual ma' friend" pagganti sa'kin ni Eli saka sabay silang dalawa ni Daezi tumawa.
Hayuf, ang bad nila!
"Ba't ba kayo ganyan?" tanong ko
"Kasi hindi kami ganun" si Daezi naman ngayun. Aba't?!
"Tse! Dyan na nga kayo. Hahanapin ko nalang si Hanz mylabs" sabi ko habang nakanguso. Oo, si Hanz 'yung first love ko pero don't get me wrong, 'la na me feelings para sa kanya.
"Hanz mylabs?!" sabay sabi nilang dalawa na may pagkagulat. Hahaha! Their expressions are priceless. Kung dala ko lang talaga cellphone ko, pipicturan ko sila.
"Oo, Hanz mylabs" sabi ko at umalis sa room na may ngisi sa labi. Ano kayo ngayon?
"Uy, sandali lang fren!" narinig kong sigaw ni Eli pero hindi ako lumingon, bahala sila d'yan. Mamatay sila sa curiosity! WAHAHAHAHAHAHHAHAH!
I walked in the hallway para hanapin nga si Hanz. I need to ask him something. Tho, alam ko nang siya nga 'yun, kailangan paring maging sigurado.
Nang malapit na ko sa room namin para hanapin si Hanz ay may nakita akong pamilyar na lalaki.
I looked closely and I was right about what I thought. It's Hanz......... kissing someone.
--
"Iyan kasi eh, ang tanga mo. Kung sinabi mo sana sa'min edi sana nasamahan ka namin at nalaman namin kung sino yung kahalikan ni Hanz" sabi ni Daezi, naku sumosobra na sila!
"Eh, sorry na nga di'ba? Nabigla kasi ako tapos nagkataon pa na bigla akong naubo. Nag-ala flash tuloy ako ng wala sa oras. Muntikan na nga akong mahuli eh!" pagsasabi ko ng katotohanan.
Imbis na sumagot ay tumahimik na lamang sila at tanging katahimikan nalang ang namamayagpag sa silid namin.
"Sige, d'yan ka muna ha? Bibili lang kami" sabi nila at tumayo na sa kinauupuan.
"Saglit la-" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nakaalis na sila ng room at naiwan ako. Hindi ko na sila hinabol pa at nag-isip na lang.
Ang tagal na'rin pala nang huling magkita kami ni Hanz. Biruin mo 'yun? 5years na din pala. Five years na pala akong naghihintay na makakalaro ko pa ulit siya at magiging masaya kami. Na maaalala niya pa rin ako pero parang hindi na eh. Haist. Although wala na akong nararamdaman para sakanya, nandyan parin yung pag-iisip ko na mababalik dati yung kasiyahan namin. Hindi man kami maging lovers, atleast magkaibigan parin kami. Pero, parang malabo nang mangyari 'yun.
"Oh? Bruhilda. Anong iniisip mo dyan?" hindi ko namalayan na nandito na pala sila.
"Wala, ano nga palang binili niyo? " pagtatanong ko at gutom na talaga ako.
"Fries atsaka softdrinks. Eto oh! Alam ko namang hindi ka umiinom ng softdrinks at Zesto gusto mo kaya bumili kami nyan. Ito na yung fries mo, wala 'yang sauce at Mayo gaya ng palagi mong sinasabi" kaya bestfriend ko tong si Eli eh.
"Thanks" sabi ko at kinuha na ang plastik na may lamang pagkain.
---
End of Chapter IV

YOU ARE READING
~Undecided~
Ficção AdolescenteSubaybayan ang kwento ni Casxy Marquez! Ang kwento na magpapamulat sa inyo sa katotohanan at manggigising sa inyo mula sa pantasyang mundo. Ang kwento kung saan ibinase sa totoong buhay. Ang kwento na magpapakilig sa inyo hanggang marrow bone! A...