Chapter V

14 0 0
                                    

-
Casxyla's POV

Pagkauwi ko este namin sa bahay ay agad akong nagpalit. Hindi na muna ako nagmano kay mama at bumati sa mga kapatid ko dahil hanggang ngayon masakit parin ang buo kong katawan mula sa paglilinis namin kahapon. Kung alam ko lang sana na ganto ang aabutin ko, nagpasuspend na lang ako.

Pero, medyo strange din ha! Kanina nung naalala ko na first love ko si Hanz at pupuntahan ko sya ay para bang nawala lahat ng sakit sa katawan ko at naging masigla ako pero nung nakita ko siya na may kahalikan ay bigla akong nanghina at bumalik yung sakit ng katawan ko. Bakit nung lumandi ako, nawala yung sakit ng katawan ko pero nung nawala kalandian ko, nanghina ako bigla. 'Di kaya, kalandian lang ang magpakawala sa sakit ng katawan ko? Kung oo, aba'y araw-araw na akong maglalandi! Dejk lang uy.

"Uy bes. " tawag ko kay Eli na nasa tapat ng cellphone nya. Nabanggit naman na diba na dalawang linggo muna silang magkakapatid dito?

"Hmm?" sabi nya na nakatutok parin sa cellphone.

"Bili mo kong Salonpas, isang box-- ay hindi dalawa na pala para sa ating dalawa. For sure kasi, masakit pa din katawan mo at mas lalo na din ang akin" sabi ko sakanya at inabot ang pambayad. Galing yung pera sa wallet ko ha! Di yun dukot.

"Thank you bes. Tamang tama, masakit din likod ko. "At umalis na siya

Pagkatapos naman ng ilang minuto ay nakabalik na si Eli. Agad ko namang sinabi na tapalan niya ang balikat at likod ko na sya namang sinang-ayunan niya, sinabi ko din naman na lalagyan ko din siya.

--

Parehas kaming nakadapa ni Eli sa kama. Nakasalampak kumbaga. Nabawasan din pala kahit papaano ang sakit ng katawan ko pero hindi parin ako makakilos ng maayos.

Bigla ko namang naalala na babyahe pa nga pala ulit kami bukas para pumasok. Kung masakit parin ang katawan ko ngayon baka hindi na 'ko makapasok bukas. Di 'yun pwede! Kailangan kong makumpleto ang unang linggo ng pasukan 'no! Kahit ngayong linggo lang, makumpleto ko.

"Eli, papasok pa ba tayo bukas?"

"Oo naman 'no. Gora lang" sabi nya.

Haist, oo nga naman. Kahit sa URS Tanay pa ang school namin at kailangan pa namin mag-dyip na aabutin ng 20 minutes ang byahe at sinabayan pa na may ulan at masakit ang katawan namin. Tama! Gora lang! Go lang para pag uwi, panibagong sakit naman. Dejk.

Bahala na nga, papasok nalang ako bukas. Tutal nandoon naman si Daezi, si kwass. Hihi secret lang ha! Ay Casxy! Stop na! Landi mo.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, gabi na din. Makatulog na nga.

---

"Gising na!" sigaw ng alarm cliok ng buong bahay. Sino pa ba? Edi si mama -_-#

"Gising na po!" sigaw ko pabalik.

"Eli, gising na!" sabi ko habang niyuyugyog siya. Buti naman at nagising na ang isang 'to.

"Nandito na ang agahan, pati na rin ang tanghalian" sabi ni mama.

Agad naman aking bumangon at kumain. Naligo na din ako at kinuha ang baunan na may lamang pagkain. Kumuha pa ako ng isa para kay Eli atsaka kinuha ang wallet ko.

~Undecided~Where stories live. Discover now