IHPA- Chapter 20
<JAI POV>
Grabe antaray talaga ni Shar, siya na nga ang tinitingnan ko siya pa ang may ganang umiwas at mangirap saakin.? Aba.!
Kinindatan ko siya kanina, kaso ano yon.? Parang dedma lang, di kinilig. Pero cguro nga wala talagang pagasa sa babaeng to. Siguro tomboy talaga to kaya hindi kinikilig sa mga tulad kong napakagwapo, napakabait, napakagandang kumanta.... OKAY TAMA NA ANG PURI SA SARILI... Haha!
Nasa backstage na kami and kasama ko si Ella sa dressing room. Kami nina Paul, Francis, Nash, Ella, Lexa at ako. Hindi ko alam kung nasaan si Shar, sabi ni Lexa, nagutom daw, kaya umalis muna at bumili ng pagkain. Yon talaga basta sa pagkain. Haay. Pero, Medyo mamaya pa naman kami aalis. Hihintayin muna namin daw umunti ang tao tsaka lalabas.
"So, thank you nga pala dun sa kanta..."-Ella
"Yiiee! Pre. Thank you daw.!"-Paul
"Gago. Wag ka nga.!"-Sabi ko kay Paul
"But really thank you."-Ella
"Sus. Di mo ba alam may gusto yan sayo..."-Paul
Nanlaki ang mata ni Ella at
"Really.?"-Ella
"Well, dati... Pero ngayon......"
"Omaygash, may gusto rin ako sayo e..."-Ella
O_O
"Omaygad.? Nagaaminan na ba kayo sa isa't isa.? Omaygash.! As in omaygash.!"-Lexa
"May gusto ako sayo dati pa hanggang ngayon....."-Ella
"Pre! Kayo na ba.?? Parehas kayo may gusto sa isa't isa.?"-Paul
Hindi ako makapagsalita.. Gulat pa rin ako. Hindi ako makapaniwala na may gusto rin saakin si Ella.
Napasmile lang ako...
Bigla namang tumayo si Francis at lumabas ng dressing room. Problema non.?
"MU.?"-Ella
Tumango lang ako sa kanya
"OMAYGASH.!!!"-Lexa
Napatingin naman ako kay Lexa na kinikilig saamin. HAHA.!
Pero may gusto lang akong sabibin sa inyo guys. Yung totoo niyan, hindi para kay Ella yung kanta, para kay Shar talaga yon. Hindi ko nga alam na nandun pala si Ella e. Pero seryoso, kay shar ko ino-offer yung kanta. Pero don't get me wrong... It's just a song. And now MU na kami ni ELLA, atlast. Pinakahihintay ko..
:))
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
<SHAR POV>
Bumili muna ako ng makakain, nagugutom ako e. Ewan ko pero bigla akong nagutom dahil dun sa pagkaASSUMERA ko.
Umupo ako sa isang bench at kumain ng kwek-kwek, ice cream, at coke.
Todo kain ako, gutom ako e....
"Miss pwedeng makiupo.?"-lalaking boses
"Ay ge ho." Inalis ko yung nakapatong na coke ko at linapit saakin para makaupo si kuya...
Pagkatingin ko dun sa lalaki... Parang si Francis.. Teka wait si francis ba to. Nakacap kasi siya tas nakajacket tas nakasalamin... Wait si francis ba talaga to.?
"Francis?!"
"Lalim kasi ng iniisip mo e."
Sabi na! Si francis nga.!
"Ah.. Hindi ah, wala yon, gutom lang ako."
"Di naman halata, may kwek-kwek kana, may ice cream ka pa, may coke ka pa. Baka may gusto ka pa.. Libre kita."-Francis
"Actually meron pa nga e, kaso wala na akong pera kaya sakto yung pagdating mo kasi sabi mo ililibre mo ako.? Tamang tama... HAHA.!"-sabi ko
Umupo na siya sa tabi ko...
"Pahingi nga ako ng kwek-kwek...."
Binigay ko sa kanya..
"Bakit ka lumabas.? Baka may makakita sayo, pagkaguluhan ka pa..."
"Wala lang.. Gusto ko lang magisip isip..."
"Isip isip. Bakit.?"-tanong ko
Hindi siya sumagot..
"May problema ba??"
"Wala naman..."
"Eh bakit...."
"Shar, tulungan mo ako..." Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, sinabi na niya to..
"Ah.. Osige pero, yung madadali lang ah. Baka gusto mo ipatulog saakin yung pagbubuhat ng mga semento, naku mahirap hirap yun.."
"HAHA! Hindi yun.! Nakakatawa ka naman."
Nagsmile lang ako sa kanya... At kumain ulit.
"Tulungan mo akong magmove-on..."
Inubo ako sa sinabi niya..
"Oh ito coke.."-Sabi ni francis sabay abot ng coke, ininom ko ito bigla.. Pagkainom ko...
"Anong sabi mo.?"
"Tulungan mo akong magmove-on sa isang babae na mahal ko na hindi ako mahal."-Francis
Aww.! Saklap naman ng nangyari sa taong to.
"May minamahal na pala."-sabi ko
"Oo, kaso hindi niya ako mahal."
"Saklap naman non"sabi ko
Napayuko na lang siya
"Sige. Tulungan kitang magmove-on. Pero bago kita tulungan pwede bang malaman kung anong storya kung bakit hindi ka niya minahal."
"Sa totoo lang, ayoko na magpaligoy ligoy pa.. Si Ella. Si Ella ang gusto ko."
O_O
Hala..
"Gusto rin yun ni....."
"Oo nga. At kanina, nagaminan ang dalawa. May gusto sila sa isa't isa."
O_O
"Oh.?"
"Oo, kaya MU na sila at hindi ko man lang nasabi ang nararamdaman ko sa kanya..."
"aaaah."
so tunay nga talagang may feelings si Jai kay Ella kasi mag MU na sila.
"Bakit parang lumungkot ka.?"-Francis
"Ah.. uhmm. Nalulungkot ako para sayo, kasi hindi mo man lang nasabi yung nararamdaman mo para sa isang tao... Kaya..."
napahawak na lang siya ulo niya.
"Huwag ka magalala, tutulungan kita. Madali lang yan. Ang una mong gawin ilibre mo pa ako ng pagkain, at tiyak na makakapagmove-on ka."
"Iih, para paraan ka lang e."
"Dali na gutom lang talaga ako... Ito naman tutulungan naman siya e. Kung ayaw mo udi wag.! Wala ring tulong.! Tsk.!"
"Osige na, sige na, pero may gusto lang akong sabihin sayo, please wala sang makakaalam yung tungkol dito. Yung tungkol sa may gusto ako sa kanya... Pwede ba yon.?"
"Oo naman. Ililibre mo ako lagi diba.?"
"Oo na oo na.! Basta talaga sa pagkain.. Haay.!"-Francis
Tumayo siya at pumunta sa isang food store..
Tutulungan kong magmove-on si Francis.? Teka nga, marunong ba ako para sa mga ganong bagay.? Eh hindi ko pa nga naeexperience yun e. Ala, bahala na si spideman.!
Basta ako, tutulong ako sa kanya. Kahit hindi ko alam kung paano magMOVE-On...
----END OF CHAPTER----
Short chapter lang for now...
SO MU na si Jai at Ella, paano na si Francis at si Shar.? Abangan. Pero guys, may tanong kasi si Shar, baka gusto niyong magHELP sa kanya... Ang tanong niya ay: PAANO NGA BA MAGMOVE-ON?
Comment your answers guys. Haha! :)) kelangan yan ni Francis kaya HELP kayo..
FREE TO VOTE AND COMMENT GUYS!!
~JaiLeneFever
![](https://img.wattpad.com/cover/15369043-288-k532108.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm HIS Personal Assistant (JaiLene)
FanfictionNaranasan mo na bang maging SLAVE ng isang MASUNGEEET, PANGEET, MAYABANG, NAKAKAINIS, AT NAPAKASAMANG NILALANG SA MUNDO? Well ako OO, naranasan ko na. Gusto niyo malaman kung paano? Basahin niyo to guys. :)) -Sharlene San Pedro