IHPA- Chapter 6
Sa pagpapatuloy.........
<SHAR POV>
Mulat ng mata...
Puti lang...
Oh no! Wag niyong sabihin na nasa HEAVEN na ako? Oh no. Ayoko pa po Lord. Yung pamilya ko pa po...
Tumingin ako sa kanan ko..
O_O
Kuya lester,
Haay. Kala ko naman.. Bakit naman kasi naisipang puti ang ceiling, pwede naman pink? Diba? Haha!
Tingin sa kaliwa ko...
Tulog din si kuya pero parang may kamuka....
O_O
Na-nash?? Bakit siya andito? Teka asan ba ako??
Tiningnan ko ang sarili ko.. Bakit ako nakadextrose. Tas, parang nasa nasa..... Hala nasa ospital ako.. What the..!
"Kuya! Kuya!" Ginigising ko si kuya lester. Pero ayaw magising. Nak ng tipaklong naman oh, tulog mantika. Tsss..
"Bro! Bro!!NAAASH!" Sigaw ko, at okay naman nagising siya..
"Haay. Buti naman nagising kana.... Pinagalala mo ko.."-Nash
"Huh? Ano bang nangyari..."
"Hinimatay ka..."
"Haaa? Ano?? Naku! Patay ako neto sa trabaho ko."
"Hindi. Sinabi ko na kay ate miles ang nangyari."
"Naku, sinabi mo ba na huwag ng sabibin kay mama..."
"Uhmm..."
"Patay!"
"Shar... Ano bang ginagawa mo sa sarili mo. Sabi ng doctor kaya ka daw nagka ganyan kasi kulang ka daw sa kain, sa tulog, tas stress, ano bang problema?"
"Pag sinabi ko ba sayo, magiging okay na? Hinde? Diba? Kaya saakin na lang yon."
"Shar, diba hidi tayo naglilihiman.?"
"Tsss."
"Shar naman."
"Ala! Okay lang ako, malakas ako. Wala lang talaga akong kinain kaya ako nagkaganito.."
"Tss.. Nga pala, may sinabi saakin si Sir. Dan."
"Nga pala nash speaking of! May kasalanan ka pa saakin, bakit hindi mo sinabi na dito ka pala nakasali sa banda ng mga mokong na yon..!"
"Huh?"
"Ah. Uhmm. Ang ibig kong sabihin bakit di mo sinabi saakin na kamember mo sina unggo... ay sina jairus.!"
"Shar, sikat yung banda namin dapat kilala mo sila no.!"
"Sorry, hindi kasi uso saamin ang internet kaya hindi ko alam ang mga yan. Tss! Nakakainis naman!"
"Hay nako shar.. Bakit ba? Ano bang problema don?"
Madame!! Tss
"Wala...!"
"Yun namna lala eh, nga pala may sinabi saakin si sir.Dan."
O_O
Dan? Yung shokla? Yung nagalok saakin ng trabaho..HALA! Pero dapat kalma lang ako. Baka mahalata ako ni Nash na may tinatago ako.
"Anong sabi?"
"Tinanong niya kung magkakilala tayo.. At ang sabi ko. Oo, magbestfriend tayo. Pati sa mga kabanda ko sinabi ko na rin. Sorry shar, hindi ko napigilan......"
![](https://img.wattpad.com/cover/15369043-288-k532108.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm HIS Personal Assistant (JaiLene)
FanfictionNaranasan mo na bang maging SLAVE ng isang MASUNGEEET, PANGEET, MAYABANG, NAKAKAINIS, AT NAPAKASAMANG NILALANG SA MUNDO? Well ako OO, naranasan ko na. Gusto niyo malaman kung paano? Basahin niyo to guys. :)) -Sharlene San Pedro