February 20, 2018
Can't sleep, and as far as I can recall last night Grace was there for me. I was angry at dad, galit ako.
Sana hindi na namatay si mama.
Sana panaginip lang ang lahat.
Sana hindi ito totoo!
Nakatunganga lang ako sa kisame ng sala sa bahay ni Grace, iniisip ko kung bakit ganito ang buhay ko? Yung iba eh halos perpekto na ang kanilang pamilya, naghihirap man sila sa pagkain nila araw-araw pero masayahin sila at buo ang kanilang samahan. Ang iba'y mayayaman kaso problema rito at problema roon.
Hindi ko alam kung saan kami nabibilang. May makakain naman kami araw-araw pero bakit ganun?Nakatutok lang ako sa kisame dahil hindi ako makatulog sa kaiisip.
Tiningnan ko ang orasan sa dingding, madilim ang paligid pero nakikita ko pa rin kung anong oras na. Ala una y medya na ng hatinggabi.
Tumayo ako sa pagkakahiga ko sa upuan sa sala nina Grace at pumunta sa kwarto nya.
Bago ako kumatok ay huminga muna ako ng malalim.
Bago pa lang ako makakatok sa pintuan ng kwarto niya ay bumukas ito.
Tumambad sa aking harapan ang gulat na mukha ni Grace. Kung titingnan mo ang mga mata nito ay halatang hindi rin ito nakatulog.
"Lu..Luke... " nauutal nyang sabi sakin.
"Ah eh, kakatokin ko na sana ang pinto kaso lumabas ka."
"Kasi titingnan sana kita kung okey ka lang ba sa sala matulog, kung maayos ba pagkakahiga mo. Saka naalala ko, hindi pala kita nabigyan ng kumot kaya alalang-alala ako na baka nilalamig ka na." Sumbat nya habang inaabot ang kumot sa akin. Wala akong magawa kundi tanggapin ito.
"Ah eh Grace, gusto ko sanang makipag-usap sayo kaya chineck ko na baka gising ka pa."
Tiningnan lang nya ako sa mata.
Tinitigan ko rin sya.
Yung mga bilog na mata nyang maiitim. Napagandang tingnan.
Natulala ako ng ilang segundo bago ko tinuloy yung sasabihin ko.
Pumunta kami sa sala kung saan ako nakahiga kanina. Umupo ako dun at tinakip ang kumot sa katawan ko.
Hindi masyado kalakihan ang bahay nina Grace pero tahimik rito.
Naka long sleeve si Grace pero naka-ekis ang mga kamay nito sa dibdib at dun ko lang napansin na wala pala itong suot na bra.
Hindi na ako nagtaka dahil ganun naman ang mga babae, iniwas ko na lang ang tingin ko.
"Grace..." panimula ko.
Alam kong nakatingin lang sya sakin.
Mariin na tingin.
Binalewala ko na lang yun at nagpatuloy sa pagsasalita.
"Uhm, Grace, napag-isipan ko kasi na bumalik sa bahay na lang."
"Hindi ba sabi ko sa'yo kanina na umuwi ka sa inyo at mas mabuti pa na pag-usapan nyo ng tatay mo dapat at hindi dapat. Mas mabuti kasing alamin mo muna ang rason kung bakit sya ganon, wala namang masama sa sinabi nya liban na lang sa sinabi nyang kalimutan ang lahat, baka nadala lang sya sa kanyang emosyon sa panahon na yun kaya nya nasabi yun."
Yumuko na lang ako dahil ayaw kong salungatin si Grace.
"Pero.." patuloy nya, "kailangan din marinig ng tatay mo ang iyong damdamin. Kung sasang-ayon ka ba or hindi, may mga malalaking bagay kasi na nakukuha lang sa isang matinong usapan."
Sabagay tama na man sya. Kailan pa sya naging mali?
"Grace, yun kasi ang iniisip ko na bumalik na lang sa bahay. Kaso ayaw ko munang pag-usapan namin ni dad ang tungkol dun. Di ko yun kakayanin."
"Isipin mo na lang kung anong mas nakabubuti sa'yo" sumbat ni Grace.
Ito ako ngayon, nakaupo sa kwarto. Wala si dad sa bahay ng dumating ako kaninang bandang alas 9 kaninang umaga. Sinigurado ko muna na wala ang tatay ko pagbalik ko dito. Ayaw ko munang kausapin sya.
- luke
![](https://img.wattpad.com/cover/149573498-288-k239239.jpg)
BINABASA MO ANG
Luke
Short StoryFebruary 3, 2018 10:48 pm If you're reading this right now, I may be gone by then. Sorry but I must go. - luke Follow the life of a not-so-typical teenage boy named Luke.