17

149 11 1
                                    

"JAMIGIES!"

Nagulat na lang ako ng may yumakap sakin pagkapasok ko ng campus.

"N-noona di ako makahinga puta!"

"Ay sorry hehe." At bumitaw na siya.

"Kamusta ka Ji?" She asks

"Ayos lang naman." Sagot ko at naglakad kami papauntang lockers.

"Mabuti naman. Nga pala alam niyo na kung sino ang co-compete sa regionals?"

"Di pa eh. Matagal pa naman yun."

"Ikaw na lang Ji. Kayang kaya mo yun!" She chuckles.

Si Jiyoung Noona ay isa sa aming mga figure skater. Kasama namin siya mag training dati. Pinapunta siya sa London 2 years ago para mag-compete. Dun na din siya nagaral.

"Bahala na kung sino." I grabbed my things and closed my locker.

"Malapit na ang klase. Ano ba class mo baka malate ka pa." Sabi ko

Naglakad kami papunta sa classroom niya. Malapit lang naman sa room ko.

"Salamat sa pahatid Jamigs!" Sabi niya

Jamigs ang tawag niya sakin kasi ang lamig ko daw. Jihoon + Lamigs kaya Jamigs.

"Sige noona, una na ko." I said and turned around.

"Oh, Hi Jihoonie!" Di pa ko nakakalayo at si Seungcheol ay nasa harapan ko na. Classroom niya nga pala to.

"Ba't nandito ka? Hatid na kita room mo baka malate ka." Napatingin siya sa likod ko.

Nanlaki mga mata niya.

"Seungcheol! Ikaw pala! " Rinig kong sabi ni Jiyoung.

"J-jiyoung?" He was still flustered.

Tumunog na ang bell at pumasok na ang mga estudyante sa mga room nila, pati si Noona.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Seungcheol.

"Oo, bakit kayo?"

"A-ah wala wala. Sige una na ko Ji. Usap tayo mamaya." At pumasok na siya sa room niya.

Anong meron sa lalaking to?

•••

Here is Jiyoung! Onti-onti niyo siyang makikila 😉

Guess kung ano magiging role niya sa story huehue ◐

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Guess kung ano magiging role niya sa story huehue ◐.̃◐

Frozen | JiCheolWhere stories live. Discover now