TC - 01

63 5 0
                                    

MAVEN MAGANDA DYOSA

Complete name ko yan, wag kayong aangal kung ayaw nyong makakita ng DYOSA na magbibigay sa inyo ng balde-baldeng insecurities sa katawan.

Kapag hinanap nyo naman sa Merriam-Webster ang napaka-ganda kong pangalan ang kahulugan ay...

ma-ven \'mā-ven\
noun: a dyosa who knows a lot about a particular subject.
Full Definition: one dyosa who is experienced or knowledgeable; expert; also: freak.

Nabasa nyo yan? Laking kasinungalingan hindi ba?! Sinong niloko ng diksyunaryong iyan kung lahat ng kahulugan ay maling-mali pagdating sakin kung sa love category ko ibabase.

Experienced?
Wala pa nga akong naging boyfriend nung makilala ko sya e. NBSB ang dyosa nyong lingkod, so nasaan ka experiences ko? WALA!

Knowledgeable?
Lokohin nyo lelang nyo kapag sinabihan nyo kong knowledgeable sa love. Knowledgeable bang matatawag kung nasaktan, umiyak at nagpakaboba ako pagdating dyan sa love love na yan?! Nasaan ang pagiging knowledgeable ko nung kailangan kong magmarunong?

Expert?
Love expert ba to? Tagira! Expertin nyo mukha nya o kaya i-export nyo papuntang underworld. Sana kung expert ako nakasabay ako sa freakin' game ng gunggong galunggong na lalaking yon.

Freak?
Dito lang ata pasok na pasok! Freak? Freak sa katangahan at pagdating sa bobalabs. Kainis diba?

Damn my Maven name, kaya nga pinalitan ko yung middle name at surname ko para gumanda naman kahit papaano ang pangalan ko. Oh! Wag nang umangal dahil alam nyo na ang rason.

Wala kayong pake kung nagmamaganda ako no? Eh sa maganda naman talaga ako. At gusto ko lang kayong i-inform na maganda akong dyosa, it's a fact.

Trivia lang, diary ko to at wala kang pake kung bakit walang diary na word sa title.

Nakikibasa ka na lang aarte ka pa.

Ang taray ko no? Ganyan talaga kapag broken, ikaw ba naman ang paglaruin sa competition nang hindi mo alam ang rules, sa competition na hindi ka aware sa mga competitors mo, sa competition na unti-unti ka nang natatalo pero pilit ka pa ring kumakapit... kahit na yung kinakapitan mo hindi mo alam kung panghahawakan ka pa ba.

Bago lang ako e, sana pinaliwanag man lang ng mga administrators ang rules at kung sino ba talaga ang mga kalaban ko sa kumpetisyong ito para makaiwas na. Ang kaso wala.

Being aware is being safe nga diba? May seminar ba na dapat kong puntahan para maging knowledgeable? May school ba na dapat kong pasukan para maging expert sa love? Kasi kung meron kahit gaano pa kalaki ang tuition fee ay nako ipasok nyo koooo! May job hiring ba para magkaroon man lang ng experience sa love na yan, kahit one year lang please! Tapos abroad na kapag may experience na malay mo ika-yaman ko to.

Oh? Enjoy much? Ramdam mo na ba ang gigil ko sa buhay? Well, dahil yan sa ZEAL na yan!

-Maganda na Dyosa pa! Pak!

~*~

The Competitors (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon