TC - 02

47 4 1
                                    


MAVEN MAGANDA DYOSA


zeal \ˈzēl\

noun : a strong feeling of interest and enthusiasm, that makes someone very eager or determined to do something

Full Definition : eagerness and ardent interest in 
pursuit of something : fervor 

Zeal! Yan ang definition ng salitang yan sa Merriam Webster. Kung sino ka mang gumawa ng meaning ng salitang yan, please lang wag kang magpapakita sakin dahil alam kong multo ka na ngayon. Duwag ako kaya you better back off! As if naman matatakot ka sakin sa ganda kong to?

Well sa Maven's Heaven of Words the meaning of the word ZEAL is:

Zeal \shi-īť\

Unknoun: exotic kind of alien that makes you feel to curse forever; a special kind of crooked ; plague; also gaygo; putangeyna.

Full Definition: EX-BOYFRIEND

Oh nahulaan mo na ba kung sino yan? Pangalawa ka na lang sa pinaka-engets kung di mo pa kilala yang si Zeal. Kung meron lang flood curse, nako namura ko na'y EX-boyfriend ko ng bongga.


Itaga nyo man sa mga dictionary na inuunan ko gabi-gabi para lang tumalino ako ay iniyakan ko yang Zeal na yan. Tinamaan ka nga naman kasi ng landi e pinatulan ko ang kompetisyong ginawa nya.

Damn! Masayang masaya yang tinapa na yan na pinaglaruan nya ang puso't damdamin ko. Ginawa nya kong katawa-tawa!

Ano ba ang nangyari samin at bakit grabe ang gigil ko sa nilalang na yan? Ayy, scratch that 'nilalang' part, it is better if we call him MAVEN'S COMPETITOR!

Oh huwag ka nang umarte pa, makikitawag ka na nga lang e. Akala mo ba ikaw lang ang nabaduyan? Pwes ako sukang suka na dahil nasama pa ang pangalan ko sa itatawag ko sa kanya. Well, I hate my first name so pareho lang sila, kinaaayawan.

So, sa unang araw ng pasukan ay isa akong mabining estudyante, mahinhin at medyo bungangera. Naging president ako ng klase kahit na dapat muse ako dahil sa taglay kong ganda na talaga namang nakakabighani, ang kaso wala ginawa nila kong president.

Wala naman talagang connections sa storya yung pagiging president siningit ko lang kasi maganda ako, pero gusto ko talagang ipagmalaki yon sa kung sino man ang makakabasa nito. Malamang sa malamang nagandahan sakin ang mga kaklase ko kaya ayan binoto ako.

Well, saming dalawa sya ang unang lumapit sakin. Naisip ko pa nga nun na nakabingwit na naman ang taglay kong ganda. First convo namin sya ang nagsimula.

"Hi Maven right...?"

Muntik na kong sumagot na hindi naman Right kundi Maganda Dyosa ang middle name at surname ko, buti na lang mabilis mag-isip ang healthy brain ko at narinig agad na patanong ang tono nya. Teka, dapat pala ay my beatiful ears yun. Kaya naman ang sinagot ko sa kanya:

"Hello, Zeal right...?" Oh yan palang kinilig na ko. Like ang ewwi mo Maven!

By the way, isa lamang akong mahina at may malambot na  pusong dalaga, isang NBSB, walang karanasan pagdating sa pag-ibig. MARUPOK!

Walang karanasan, ibig sabihin ang ginamit ko lang ay puso... walang gabay ng utak.

So paki-explain naman sakin kung paano ako mananalo sa competition kung saan hindi gumagamit ng utak o isip?

-Nagmamaganda at may igaganda pa (Maven's Competitor's, Zeal's competitor)

~*~

The Competitors (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon