Epilogue

21 4 2
                                    

ZEAL POV

Hindi ko alam na ganito pala ang nararamdaman ni Maven nung mga panahong naghiwalay kami at habang kami pa. Wala akong kaalam-alam... sumobra yata ang pagiging insensitive ko.

Saming dalawa ako yata ang nuisance, ako ang insensitive ako ang tanga...

Napakagago, tama sya.

Pero mali sya nung sinabi nyang masaya ako sa pinili ko, pinagsisihan ko yun noong nalaman ko na hindi naman pala talaga depressed si Sidee, nalaman ko lang yon dahil sa parents nya.

Tapos lalo na noong makita kong nalulungkot si Maven. Magkaklase kami sa loob ng two years at kitang-kita ko na nasasaktan sya. To the point na napabayaan nya ang studies nya at hindi sya nakasama sa mga with honors, naging mataray na rin sya at pala dikit na sa mga lalaki. Which is strange dahil kahit kailan, ayaw nyang napapalapit sa mga lalaki.

Ang laki ng sinayang ko, ang laki ng nawala sakin. Noong retreat namin nung grade 12 sabi ko aamin ulit ako sa kanya ang kaso hindi nya ko binibigyan ng kahit na konting chance na makapag-usap kaming dalawa.

She's so cold towards me. Nakakabaliw, ang gago ko kasi imbes na baguhin sya in better ways, sinaktan ko sya at nagbago sya at naging hindi kaay-aya ang nangyari sa kanya.

Until we graduated in college, tuluyan ko na syang nakalimutan. Madami na kong naging girlfriend at nawala sya nang parang bula sa puso't isipan ko. One time nag-message sya sakin sa facebook ang sabi nya mag-usap daw kami. That time may girlfriend na ko at selosa yon kaya naman I declined her offer. Naki-usap pa sya sakin non ang kaso nagmatigas ako at sinabi ko pang nakalimutan ko na sya, na wala na kong pagmamahal na natitira sa kanya, at masaya na ko na wala sya sa buhay ko. Simula non wala na kong balita sa kanya, hindi na nya ko ulit kinulit sa chat.

Not until may dumating na package na nakapangalan sakin at ang laman ng package ay ang diary na to.

Ngayon ko lang nalaman na wala na pala sya, it is true that death is the only inevitable thing in this world.

I wonder, napatawad na kaya ako ni Maven? Punong-puno ng what if's ang utak ko, what if pumayag ako sa kanyang makipagkita non? Ano ang mga sasabihin nya? What if sasabihin nya sakin non na may sakit na sya? Whaf if, mahal nya pa rin ako non? Babalik ba ko sa kanya?

Sa tingin ko? Oo. Mahal na mahal ko si Maven, ngayon na nagpapakatotoo ako sa sarili ko. Nasasaktan ako kasi kahit sa mga huling sandali nya dito sa mundo hindi ko pa sya nasamahan.

Maswerte ang mga tao na alam na ang date kung kailan sila maglalaho dito sa mundo, at least masusulit nila. Mate-treasure nila ang mga oras kasama ang mga mahal nila sa buhay, pero ako pinagkait ko pa yun kay Maven.

I loved you Maven, and there's nothing who can change your place here in my heart. Kahit di tayo nagtagal alam ko na minahal kita ng totoo noon, at hindi ako nabigo kasi minahal mo rin ako ng higit pa sa pagmamahal ko sayo.

I'm really sorry for not loving you as much as you love me. Tinuring mo mang competition ang nangyari sating dalawa, alam ko sa sarili ko na pagmamahal ang namayani sa mga puso natin noon. Minahal kita at minahal mo rin ako.

I'm sorry Maven and I miss you.

-Zeal

~*~

Ayern natapos ko na naman ang isang nosense na kuwento at mababaw ang plot. HAHAHA! Wala lang share ko lang naman yan.

The Competitors (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon