"IAN! halika rito!" tawag ko sa kaklase ko matapos ang klase namin."Bakit?" tanong niya at tinuro ko ang likod ng classroom para doon mag usap.
"Crush mo si Loris ano?" deretsong tanong ko na dahil ayoko nang pahabain pa ang usapan.
Nakita ko naman siyang nagtatakang itsura at napangiti ako.
"Alam kong hindi.. pero sana.. pwede mo ba akong matulungan?" tanong ko pa.
"Saan?"
"Para sana sa kaibigan ko..."
"Sino?"
"Si Loris."
"Bat sya?"
"Matalino ka naman...gwapo....at mayaman... pwede mo ba siyang gustuhin at ligawan?hehe." walang paligoy ligoy kong tanong.
Napangisi siya sa sinabi ko at tinignan si loris sa bandang malayo.
"Maganda naman siya kaya lang hindi kagandahan ang grades pero mayaman at mabait naman." sabi niya at ikinagulat ko iyon.
"Don't tell me.....papayag ka sa sinabi ko?"
"Sige." sabi niya at iniwan akong nakanganga. "Bukas na mag umpisa ah?" dagdag niya pa!
...................
"Ano bang gagawin natin dito Beryl?" nagtatakang tanong ni loris sakin. andito kami ngayon sa garden ng school namin.
"May sasabihin sana ako sayo.... naalala mo yung sabi sabi natin noon na hanapan tayo ng lalaki para sa isa't isa bes? Yung parang dare? yung ipapafall natin yung lalaki?" tanong ko.
"aaahhh.. oo nung grade 7 pa tayo nun eh... grade 12 na tayo ngayon eh... naalala mo pa pala yun?....bakit pala yun? nakahanap ka para sakin ano?"
"Oo bes... at si ian yon."
"What?!!" gulat niyang tanong..pero maya maya lang..."okay lang... hindi naman siya mahirap gustuhin." nakangiwing sabi niya.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa sarili ko pero feeling ko talaga minsan gusto kong maging kupido.
'parang tanga lang'
"Bukas sabado diba? kaya nag set ako ng date para sainyo. Sa The Venice yun tapos ako na rin ang sasama sayo papunta roon para pagdating daw doon mag getting to know each other na kayong dalawa at ako naman mag gagala mag isa para kapag iniwan ka na niya ako na ang sasama sayo." Nakangiti kong sabi at bumulaslas naman siya ng tawa. "What?"
"Seryoso ka ba sa mga pinaggagagawa mo?" tanong pa niya.
"Oo naman.....saka para sayo na rin toh besty...para makalimutan mo na ang ala-ala ninyo ni neil." sabi ko at nagulat ako dahil napayakap siya sakin.
"Thank you Beryl...." napayakap na rin ako sakanya pero sandali lang yon.
"Ano ba?! andrama mo!" singhal ko.
"HAHAHAHA! ikaw pala si beryl nakalimutan ko. Tara na sa next subject natin..bak ma late pa tayo."
-------------------------
Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay ni Loris habang katawagan ko si Ian.
"Asan ka na?" tanong ko.
"Andito na sa dapat puntahan....si loris?"
"Eto nga ang problema eh.... hindi sure si lori kung makakasama siya...kase may family date pala sila sa tagaytay..pero di ko alam kung sasama siya."
"Eh paano yan?"
YOU ARE READING
The Unexpected
Short StoryHindi ko naman alam na magugustuhan ko siya. Hindi ko rin alam na ganoon ang maging kahihinatnan. At mas lalong hindi ko alam na ako rin pala ang masasaktan sa sarili kong kagagawan. Edi sana hindi nalang ako gumawa nang kalokohang iyon. Ako rin pal...