Unexpected 2

22 3 2
                                    

Nakabili na rin ako ng mga gusto ko at nang papalabas ng book store nang biglang nag ring yung phone ko.

~loris calling ~

"Besty! sorry hindi kita masasabayan pauwi...may pupuntahan pa kase kami ni ian." dinig kong sabi niya mula sa telepono.

"A-ah oo..sige sige...ing--"

~toot toot toot toot~

'masyado naman atang kinikilig toh'

Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko yung nangyari sa pagitan namin ni ian..

'anong nangyari? beryl? walang nangyari beryl...wag kang mag isip ng kung ano ano.'

Okay sige..aaminin ko na...sa sandaling iyon na attract ako dahil sa pinakita niyang ugali...

Matagal nanaming kaklase si ian pero ni isang babae walang kayang makipag usap sakanya nang matino dahil nga sa malapilisopo niyang ugali...masyado siyang study first... wala pa nga akong na babalitaan ng nililigawan niya or what.

Kaya laking gulat ko nalang nung kinausap ko siya tungkol sa deal namin....agad siyang pumayag at walang pabalang na sagot.

Tapos yung kaninang magkasama kami iba yung pakiramdam...iba yung kislap ng mga mata niya...at napansin ko nung sinabi kong paparating yung kaibigan ko...parang hindi na siya naglabas pa nang salita.

'hindi nararapat yang mga iniisip mo beryl....tumigil ka...'

Ano kaya ang pakiramdam ni loris habang kasama si ian?

Sa sandaling oras ba na yon? nahuhulog na siya?

Ano rin kayang pakiramdam ni ian habang kasama naman si loris?

Kasing hyper rin kaya siya kanina nung kami pa ang magkasama?

--_--

Malamang sa malamang mas sasaya pa..hindi ba? eto naman talaga ang magiging resulta sa deal namin

----

Dumaan ng araw na expected na talaga na palagi silang magkasama....hindi ko alam pero mas nalungkot ako sa tuwing iiwan ako ni loris para makasama si ian.

Minsan pa nga nakita ko na sila na magkahawak ang mga kamay at ngiting ngiti sa isa't isa,hindi ko magawang magtanong dahil alam ko na ang kasagutan.

Habang naglalakad ako papuntang library.....may mga naririnig akong kwento tungkol sakanilang dalawa.....nagtataka ang iba dahil nagkajowa na talaga si ian...at si loris pa iyon...hindi nila alam na ako ang dahilan kung bakit sila nagsasama ngayon.

'masaya ako para sa kaibigan ko.'

Nangiti ako sa aking inisip...talaga namang yun talaga ang dapat kong isipin.

Pero hindi ko maiwasang isipin kung sino ang dahilan para sumaya rin ang kaibigan ko.

'na attract ka lang sa kagwapuhan beryl. tss' sambit ko sa sarili ko kahit hindi akma yun sa iniisip ko.

-.-

Wala na akong ibang ginawa kundi ang pag-aaral malapit na ang bakasyon at pagkatapos nun mag ka college na ako....kami....

Isang araw naglalakad ako pauwi sa bahay....galing kase ako sa mall bumili lang nanaman ng books.

"Beryl!" nagulat ako sa pamilyar na boses na narinig ko..agad akong napalingon.

Si loris pababa ng sasakyan niya.

"Beryl....can we talk?" mahinahong aniya...agad naman akong nagtaka sa inasta niya.

"Yeah..sure..tara doon sa Starbucks.." itinuro ko ang malapit na coffee shop.

Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang magtaka sa inaasta namin sa isa't isa..

Hindi kami ganito dati..

"Bes! namiss kita..ilang araw ba kayong nagdate ni ian?antagal ah.." pilit na ngiting sabi ko... ilang buwan pala dapat...

"Hmm..miss na rin kita..." yun lang ang sinabi niya sakin.

Nang makarating kami inilapag ako ang mga pinamili ko sa isang bakanteng upuan at na upo rin sa isa habang si loris naman nag order na.

Pagkarating niya...

"Beryl.." mahinang sabi niya.

"Hmmm.. pwedeng humingi ng favor?" dagdag pa niya.

"Oo naman basta ikaw." nakangiting sabi ko at nagpilit ngiti naman siya.."Anong problema loris?"

"Kase aalis ako bukas..pupunta ako sa states..hmmm pwede bang ikaw muna ang sumama sama kay ian?" sabi niya na ikinagulat ko!

"Bakit ka pupunta ng states? ilang araw ka doon? alam kong kayo na ni ian..pero bakit kailangan ko pang samahan siya?" sunod-sunod kong tanong.

"Hahaha! isang buwan lang naman ako dun." nakangiting sabi niya.."Pero kase hindi ko rin alam kung bakit kailangan ko pang sabihin sayo na samahan siya.."

"Bakit nga ba?" tanong ko.

"Hmmm.. w-wala lang para naman may kasama siya."

"Huh?"

"Basta samahan mo lang..." nagulat ako ng tumayo siya at kinuha ang sariling kape.

"Mauna na ako...thank you sa time." at humalik siya sa pisngi ko. "Bye besty."

Hindi ko alam ang sasabihin ko nang nagsimula na siyang maglakad.








~TO BE CONTINUED~

A/N

Hindi ko alam kung saan patungo tong storyang ito..pero sana kahit hindi maintindihan (kahit na naiintindihan naman talaga) basahin niyo parin.

THANKS A LOT!

Don't forget to vote!! comment and follow! :)

.........
sa last update ko... sorry nagloloko kase itong wattpad app ko..sarap katayin..NAGLOLOKO KASE.

 The UnexpectedWhere stories live. Discover now