Pagkalipas ng dalawang taon. . .
Ako nga pala si Aishen Jeanell Escudero. Magsesenior ngayong school year sa NC Academy =). Simple tao at estudyante.
Mula noong iniwan ako ni Vince binaling ko ang sarili ko sa pag-aaral at pagbabasa. Okay, naging boring life ko. At naging top sa klase.
Ngayon may bestfriend ako si Randreii Guevarra. Sinikap ko na huwag magkagusto sa kanya. Successful naman! Bestfriend lang talaga siya sa akin.
Palagi niya akong pinapasaya, at the same time pinagtitripan. Palagi niya akong pinoprotektahan. Magkalapit-bahay lang kami.
First day of school ngayon, maaga akong nagising. Nakaprepare na ako at ready na umalis. Nagpaalam ako kina Mommy at Daddy. “Mommy, Daddy, alis na po ako!”
“Sige anak, mag-iingat ka,”sabi ni Daddy.
“Bye anak!”sabi ni Mommy.
Lumabas na ako at nakita si Ran. At sabay na kami sa paglakad papuntang school. Walking distance lang naman ang school galing bahay. Nakarating na kami sa eskwelahan at naghanap ng room. Magka-seksyon kami ni Ran.
Ngayong first day, parang yung regular na nangyayari during first days, pakilala, mga churva churva, ganon.
May mga transferee nga pala. Tatlong lalaki at no offense, guwapo sila. Ang pangalan nila ay Christian Diokno, Anthony Pascual, at Carlo Ramirez.
Pagkatanghali, free time to bond each other, nakipagkamustahan ako kina Katie at Steph. “Aish, nakita mo ba yung mga transferees? Guwapo diba?”sabi ni Steph.
“uhmm...oo naman nakita ko na, guwapo? ok lang.”
“Aish, 2 years na ang nakalipas noh, pagbigyan mo na si Mr. Heart. Tigilan mo na ang pagiging bitter.”sabi ni Katie.
“Alam niyo, masakit parin dito.” turo sa dibdib kung nasaan ang puso. Nagwalkout ang lola mo. Taray diba? Hihihi. . .
Pumunta ako ki Ran, wala lang tumabi lang. Hahaha (^__^) Uwian na, sabay uli kami ni Ran. Hihintayin niya daw ako sa may bench katapat ng gate.
Pumunta muna kasi ako ki Ma’am Ramos kasi inutusan ako ni Ma’am Reyes.
At pagkatapos pumunta ako sa room namin, may kukunin kasi ako sa locker ko. Nakita ko doon yung isang transferee, si Christian ata yun. Bakit kaya nandito pa siya? Kinuha ko na ang gamit ko sa locker, na dapat kunin.
Nakaluhod ako kasi nasa baba ang locker ko. At nung natapos na ako, tumayo ako at tumalikod ako at nabigla ako . . . ( o__O )
Dahil sobrang lapit ni Christian sa akin. Whew! Ang guwapo niya! Parang paggumalaw ako mahahalikan ko na siya.
Napaka-AWKWARD! Pero halata sa kanya na nabigla din siya. Walang akong ibang nagawa kundi itulak siya papalayo.
“Sorry,” sabi niya.
“b-bat’ ka pa nandito?”
“uhm..bakit bawal ba? ... ikaw bat’ ka nandito?” sungit!
“nagtatanong lang po..” inemphasize ko ang word na ‘nagtatanong’
Nagblush ata ako non, kahit sinungitan niya lang ako. Urgghh!
Ikaw ba naman yung kalsmeyt mong, mong sige na nga guwapo muntik mo nang mahalikan. :3
At umalis na ako, iniwan ko siya at hinanap si Ran at umuwi na kami. Walang imik si Ran. Tsk! nakakapanibago.
Pagkagabi, iniisip ko yung nangyari kanina. Hindi ko alam ang dapat gawin at expression ko. Parang ayaw akong patulugin. Pesting! Christian yan!
:')
BINABASA MO ANG
My Love Phobia
Fiksi RemajaThis is a story about conquering one's phobia of love. Do really past will affect the present love? Carry on, as we take off to their traumatic love story.