Simula noong araw na iyon, iniiwasan ko siya. Pagkalipas ng isang buwan.
Hindi ko siya pinapansin and ganon din siya sa akin, ngunit namimiss ko na siya.
ARRGGHH...Pero ayaw ko talaga siyang kausapin, ewan ko pagnakikita ko siya parang naaalala ko lahat ng sinabi niya doon sa park.
Naguguluhan nga ako.
Naiwan ako sa room, may ginawa kasi ako. Nang biglang may dumating, si Christian.
Dinali-dalian ko ang pag-ayos ng gamit ko, kahit anung dali ko, nasa harapan ko na siya at hinawakan pa ang braso ko.
“Aishen, puwede ba tayo mag-usap?”
“Ahhmm...aalis na ako.”
Aalis na sana ako, kaya lang hawak niya yung braso ko.
“Aish, hindi ko na kaya na hindi mo ako pinapansin, di’ ko alam kung bakit ako nasasaktan, naguguluhan na ako...Aishen, gusto kita...Aish, please wag mo na ako iwasan.”
“Ahhh..sige, sa isang kondisyon, hu-huwag mo nang ipapaalala sa akin ang past.”
Nagsmile siya at niyakap niya ako.
“Thank you, dahil papansinin mo na ko, at promise. At yung doon sa park I’ll do it.”
Nalaman ko na lang niyakap ko na rin siya, namiss ko din kaya siya.
Hinatid na niya ako sa bahay.
Masaya naman ako, parang nabunutan ng tinik ang dibdib ko. Hindi nga ako makatulog dahil sa saya at sa sinabi niya na gusto niya ako.
A/N: Okay okay lang? haha sensya na ; )
BINABASA MO ANG
My Love Phobia
Teen FictionThis is a story about conquering one's phobia of love. Do really past will affect the present love? Carry on, as we take off to their traumatic love story.