I'm Not my SISTER

10.6K 96 44
                                    

PROLOGUE

 

            Gusto mo malaman kung gano kagaling ang ate ko?

“Top 1 pa rin pala sa klase yung ate mo.”  yung mismong principal pa talaga nagsabi sakin niyan, consistent top 1 kasi si ate simula kindergarten. Samantalang ako consistent naman sa dalawa o tatlong subjects na ibinabagsak ko simula kinder, hindi kasi ako pala-recite.

“Ang ganda talaga ng ate mo, balita ko kinuha siyang model? ” yung chismosang kapitbahay naman namin ang nagsabi niyan, kalalabas lang kasi ni ate sa commercial noon. Samantalang ako ni hindi makalabas sa bahay dahil pati aso napapangitan sakin at hinahabol ako.

“I-abot mo naman tong chocolates sa ate mo, hindi niya kasi ako mapansin.” Ilang beses na nga ba akong napag-utusan ng mga manliligaw niya na magbigay sa kanya ng chocolate, flowers, o love letters? Hindi ko na mabilang. Samantalang ako ang nabibilang ko lang eh yung mga lalaking nandidiri at lumalayo sa akin kapag nilalapitan ko sila.

”Ang bait bait nitong ate mo.” Ito naman ang parang naka-record na sa lahat ng mga makakasalubong ko, pwede na kasi maging santo si ate sa sobrang bait niya yung tipong kahit hindi niya kakilala tutulungan na lang niya bigla. Samantalang ako, tutulong na nga napapasama o kaya nasisigawan pa.

 “Bakit ang ate mo pa ang naaksidente! Bakit hindi pa ikaw! Sana namatay ka na lang! Wala ka namang silbi, puro kahihiyan at problema lang ang dala mo sa buhay ko!!! Ikaw ang malas sa akin!!!” Pero etong linya niya na eto ni mama ang pinaka hindi ko pinagsasawaan sa lahat, kahit na araw-araw na lang niya itong sinisigaw sa akin tuwing makikita niya ako. Yumiiyak iyak pa nga siya at puro bugbog ang abot ko.  Mahal na mahal kasi si ate ni mama, samantalang ako kahit sarili ko hindi ko magawang mahalin.

Eh pano na ngayon? Wala na si ate? 

Wala na si ate na gusto ng lahat, si ako na gustong gustong mawala ng mga tao lang ang natira.

=======================================

Lipsticks, miniskirt, fashion magazines, nail polish, necklace, ring, mp3 player, diet books, iron curlers at kung ano ano pang mga ka-ekekang gamit sa buhay ng isang babae. Kay ate lahat yan at hanggang ngayon nagkalat pa rin yung mga gamit na yan sa  kwarto ko.

 Kay ate lahat yan, pinuslit ko lang sa kwarto niya. Since ang sarap pa naman ng tulog niya sa ospital. Ang ganda siguro ng panaginip niya sa sobrang ganda ayaw nang gumising, biruin mo tatlong bwan na siyang tulog.

I took a once last look in front of the mirror before I go, matagal na akong prepared para sa araw na ‘to. I can’t still believe that I was seeing myself in front of the mirror. It was as if I was seeing another girl.

She doesn’t look anything like me, with her trendy clothes, dyed hair, make-up – she’s just the girl I wish I was.

I sighed.

 Yeah, right. This is the new me. I spent so much of my time for this; I won’t let everything to come to waste. I can do this.

Today is the start of the change I longed for – new school, new friends, new home, and yes. New me.

Para sa amin ‘to ni ate.

Coz now, I ‘am my SISTER. . . . .

Try niyo panuorin yung video sa gilid, dun kasi inspired tong story.  <3

As promise I have a new story. So, whacha think of this one? Eto yung sinasabi ko sa inyo na heavy drama'ng story na naisip ko bago ako matulog. Sana lang masulat ko ng maayos para hindi masayang yung ideas.

I'm Not my SISTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon