pRoL0uG€

22 7 10
                                    

Prologue
---
Pure's Point Of View

"Sacker baklaaaa!" Sigaw ko tapos lumapit kay Sacker. Pero hindi parin niya ako pinapansin kaya tumawag naman ako ng isa pang bakla. "Slade baklaaaa!" Sabi ko at niyugyog si Slade.

"Hoy bakla! Doon ka muna nagde-date pa kami ni Lia." Bigla akong nandiri sa sinabi niya. Nakakadiri! Dine-date niya ang alagang ipis ni Eyerin?! Hala jusko po!

"Eyerin! Pagsabihan mo alaga mo, 'wag maging anpanman kako!" Inis kong sabi kay Eyerin. Natawa na lamang siya at kinuha ang ipis niya.

"Hoy Eyeriiiiin! 'Yung date namin 'taragis ka!" Sigaw ni Slade at sinabunutan si Eyerin. "Aray! Pakyu bakla! Ayan kainin mo! Landi niyo e!" Sigaw ni Eye at mabilis na umakyat pataas.

Natatawa nalang ako na nadidismaya sa kabaliwan na nasagip ko sakanila. Naalala ko pa noon. HAHAHAHAHA!

"Bah." Bigla ko narinig ang boses ni Hunk sa likod na tinatawag si Eager. "Bakit bah?" Naupo na lamang ako sa isang lugar at humalukipkip. "Love you bah." Umirap ako at pinigilang sumigaw. "Love you too, babe." At napa-halakhak nalang ako nang sumingit si Gym.

"Oh bakit?" Nag-flip hair si Gym at pinagpatuloy ang pagluluto. "Love you too bah." Naiiling na natatawang sabi ni Eager. And that time sumigaw na ako. A-aray! Masakit! May masakit!

"Pure? An'yare?" Biglang lumapit sa'kin si Lake pero kagat-kagat ko parin ang labi ko para pigilan ang pagsigaw bunga ng sakit na nararamdaman ko ngayon. "May masakit-" napa-sigaw nalang ako ulit at doon na talaga nagsilapitan ang iba.

"Saan?" Naaalarma ngunit mahinahong tanong ni Eyerin. "Loob ko." Tumulo ang isang patak ng luha ko at doon ko nakita ang sobrang paga-alalang namuo sa mga mata ni Lake. "Mainit." Pagde-describe ko sa nararamdaman ko sa loob.

Hanggang sa 'di ko na kinaya at humahagulgol na ako. Narinig ko ang sirena ng ambulansya at ang pagpa-panik nila. Hanggang sa naka-tulog na ako.

***

Nagising nalang ako bigla sa isang kwarto, pink ang kulay ng dingding, at ang ceiling naman ay may isang malaking ceiling fan. Napa-tayo ako mula sa pagkaka-higa ko at nilibot ang kwarto. May isa pang king sized bed na may purple comforter, at isang mini bedside table na naghihiwalay sa kama na hinihigaan ko at kama na 'yon, napa-tigil ako sa pagm-muni-muni nang may kunatok.

"Insan! Gising ka na pala! Tagal mong gumising letse ka! Pinag-alala mo kami! Lalo na si Lake mue!" Nagtataka ko siyang tinignan. Bakit siya naka-suot ng school uniform na kulay pink at purple? At bakit hindi pamilyar iyong logo sa kwelyo niya?

"Hoy! Ano? Tutunganga lang tayo? Maligo ka na! Bilis!" Tumakbo sa'kin si Chain at tinulak-tulak ako papuntang banyo. "Iyong pink ang twalya mo, baka nalimot mo nanaman!" Sigaw niya pagkatapos isara ang pintuan kung nasaan ako ngayon.

What? Anong nangyayari?

***

Eyerin's Point Of View | Real universe

Naga-alala akong naka-titig kay Pure na naka-higa ngayon sa hospital bed. Jusko po! Bakit ba siya nagka-ganiyan?!

"Eyerin, ikaw muna bahala kay Pure ha?" Tumango ako kay Lake na ngayo'y naga-alanganan kung aalis ba siya o hindi. "Sige na Lake, ako na bahala kay Pure." Tumango siya at umalis na.

"Pure?" Bigla nalang tumunog ang makina sa tabi ng kama ni Pure. At nakita ko ang pagbaba-taas ng dibdib niya, humihinga siya. Tumakbo ako sakanya at kinapa ang pulso niya, what the hell?!

Mabilis kong pinindot-pindot ang emergency button at wala pang isang minutong nandirito na ang doctor kasama ang mga nurses.

"What happened?"

"Her pulse. Check it, I'm not sure if.."

Mabilis na kinapa ng doctor ang pulso ni Pure, pero I see no reaction. "Mrs. Melton, her pulse was fine, don't bother, no need to worry." The doctor gave me an assuring smile, taking a glance to my child. I just nodded, them leaving the white room.

"Pure gising na, excited ka nang makita ng anak ko."


Laceful AcademyWhere stories live. Discover now